Lucy
Maaga akong bumangon at nagluto ng agahan ni Marco. Pagkatapos ay bumalik din ako sa kwarto para bumalik sa pagtulog. Wala akong ganang mag-agahan.
Nang makahiga uli sa kama siya namang gising ni Maika.
"Shhhttt.. Hoy. Hindi ka babangon? Magluluto ka pa diba?" tanong nitong kinukusot pa ang mga mata at naghihikab pa.
"Nakaluto na ako. Ikaw na lang magtrabaho." walang gana kong sabi.
Tinitigan ako nito ng maigi. She's teasing me again.
"Stop that!" saway ko rito tinapunan ko pa ng unan. Tawa Naman ito ng Tawa. "Pag hinanap ako ni Marco pakisabi masama ang pakiramdam ko." sabi ko ritong bumalik na sa pagkakadapa.
Tumabi ito ng upo sa gilid ko.
"May nangyari bah kagabi na hindi ko alam?" tanong nito. Tinapik tapik pa ako sa likod.
Hindi ako sumagot. Isinubsob ko pa ang mukha sa unan. Ang lakas talaga ng seance nito.
"My God Lucy! Hindi kana Virgin? Isinuko muna ang bataan?" palatak na hiway nito. Sakit sa tinga ang bosses.
Napabalikwas ako ng bangon at hinampas ito sa balikat.
"Ouchhh.! Ang sakit." angal nito
"Wala ah, walang nangyari sa amin. At saka magtigil ka virgin pa ako. Pero ano Naman paki mo Kong ibigay ko to kay Marco para sa kanya Naman to ah, noon pa."nakanguso Kong sabi rito.
" So, plano mo talagang magpawarak sa Marco mo?" she teasingly question me.
"Bakit may problema ba doon?"
"Wala Naman, tanong eh mahal ka ba niya?."
"Mamahalin din ako noon." sagot ko. Pero hindi ko alam Kong magkatotoo ang sinabi ko.
"Aw okay, sabi mo eh." halatang hindi kombinsido.
Tumayo na ito at kumuha ng tuwalya sa aparador. Lumabas ng kwarto para magtungo sa banyo.
Naiwan akong nakahiga sa kama. Napatitig sa kisame. Ano kaya ko umakto lang akong walang nakita kagabi. Ung tipong hindi nasaktan. Huh! Selos ka Lucy?
"Ahhhh..!" naiinis Kong sigaw. Isinubsob ko ulit ang ulo sa unan.
Hindi ako magtatrabaho. Final answer. Kaya ipinikit ko uli ang mga mata at pinilit na matulog. Pumasok at lumabas si Maika ng kwarto pero hindi ako nag-angat nang ulo.
Nagkunwari akong tulog. Pero hindi Naman ako makabalik sa pagtulog. Tumihaha na lang ako ng higa.
Dalawang oras akong Nanatiling nakahiga at nakatitig sa kisame. May kumatok sa pinto. Napatingin ako sa pinto pero hindi ako kumilos para buksan iyon. Ang katok na mahina nagging palakas ng palakas kaya napilitan akong bumangon.
"Sino bayan. Kung maka katok parang sisirain mo ang pinto ah." naiinis Kong sabi at pabalang na binuksan ang pinto.
Nagulat ako ng ang gwapong mukha ni Marco ang nabungaran ko.
"What... What are you doing here." nauutal Kong sabi. Hindi ito sumagot inangat lang nito ang mga kamay at sinalat ang ulo at leeg ko. Biglang bumilis ang tibok ng Puso ko. Para rin akong nabibingi sa subrang Lakas pero alam Kong ako lang ang nakakarinig. Uminit din ang pakiramdam ko sa pagdampi ng maiinit na kamay nito sa ulo at leeg ko.
Iniiwas ko ang mukha.
"May sakit ka?" tipid na sabi nito.
"Huh, ah..eh." nauutal Kong sagot. Pano ko ba sasabihin na nagpapanggap lang ako na umiiwas ako dahil na saktan ako kagabi. Tanga Lucy, wala kang karapantan masaktan walang kayo te. Bwesit na utak umipal pa.
"Let me in." sabi nito umabanti ito para makapasok.
Hatataranta ko Namang iniharang ang sarili sa pinto.
"Hep..hep..hep..sandali.! Hindi ka pweding pumasok." sabi ko. Napakagat labi pa ako.
Napakunoot noo Naman ito.
"Maysakit ka diba? So, let me in. Mahiga ka na rin sa kama mo baka ka matumba diya." sabi nitong pinipilit na pumasok.
"Hindi ka nga pweding pumasok. Saka kaya ko na ang sarili ko. Sige na makakaalis ka na." sabi ko at isinara ang pinto. Hindi na tuloy ang paglapat ng pinto nang iniharang nito ang kamay sa siwang.
"Damn it! Atras!" sabi nitong hindi bumubuka ang bibing nagpipigil itong mapasigaw.
Bigla akong napaatras at kinakabahan. Nilakihan nito ang siwang ng pinto at Hinila ako pa punta sa kama. Inihiga ako nito at kinumutan. Gusto ko tuloy makonsinsya.
"Magpahinga ka lang dito. Ibibili kita ng Gamot."
"Ah huwag na Marco, hindi ako umiinum ng Gamot." maagap Kong sagot pero may halong totoong hindi ako basta basta umiinom ng Gamot na hindi resita ng Doctor ko may allergy kasi ako.
Pero sa ngayon hindi pweding uminum ako ng gamot wala naman kasi akong sakit, sakit sa Puso siguro meron at ikaw lang Marco ang gamot dito. Lihim akong napabuga ako ng hangin.
"Fine, kung ayaw Mong uminom ng Gamot kumain ka nalang tapos uminum ka ng maraming tubig. Okay." pa alala nito.
Napaligon kami sa pinto ng pumasok si Manang may dalang try ng pagkain. Tumayo si Marco para kunin iyon at inilapag sa mesa sa tabi ng kama.
Inalalayan ako nitong bumangon. Walang imik Naman akong sumunod sa ginawa nito. Kinagat ko ang pang-iba ang labi para supilin ang ngiti sa mga labi. Sana hindi ako mabuking na nagpapanggap lang akong may sakit. Sinabi ko Naman na okay lang ako. Kaso ito mapilit eh. Pangita mang hilingin sana may sakit nalang akong palagi para lagi niya akong aalagaan.
"Here eat this, para mabilis kang gumaling." sabi nito at inabot ang mangkok na may laman lugaw.
"Thank you." kinuha ko iyon at nagsimulang kumain. Kumain na rin ito sa tabi ko.
Wow huh, ang sweet Naman Pala ng isang ito. Sinabayan pa talaga akong kumain dito sa kwarto ko.
Kinagat ko na Naman nag ibabang labi para pigilan ang mangiti. Wala akong pakialam kung masakit man iyon. Pagkatapos kumain pinahiga ako nito ulit.
"Drink more water okay, babalik ako agad. Hindi ako magtatagal doon. You stay here just take a rest."bilin nito. Tatayo na sana ito para kunin ang tray hinawakan ko ito.
" Marco.I love you." natigilan ito. Namula naman ang mukha ko. Binitawan ko ito at mabilis Tinakpan ng kumot ang mukha ko." I mean thank you Pala." sabi ko na lang na hindi inaalis ang kumot.
Hinila nito ang kumot sa pagkakatakip sa mukha ko. Yumukod ito at hinalikan ako sa labi.
"I know. Take a rest ayo kung nakikita kang nagkakasakit." malambing na Saad nito kinuha ang try at nagpaalam na aalis. Luluwas ito ng Manila dahil may meeting. Hindi ko na Inalam kung kanino at para sa ano dahil alam Kong tungkol sa trabaho nito.
Hindi pa ako nakakabwi sa pamumula ng mukha. Itinakip ko na lang ang kumot sa mukha. Narinig ko na lang ang pagclick ng pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/230505370-288-k955728.jpg)
BINABASA MO ANG
Soldiers Billionaire Hier (Montireal Series #3)
Любовные романыLucy Montireal a beautiful spoiled brat meet a committed handsome soldier 2nd Lt. Marco Christoval