Chapter 2.

415 11 30
                                    

Tyler's.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Kanina pa humahagalpak ng tawa ang mga kabarkada ko kahit si Karl lang naman ang nakakita ng pagkakapahiya ko kanina.

"I'm not interested pfft HAHHAHAHAHAHAHAH" sabay sabay pa nilang sabi.

Kinasa ko ang baril ko kaya napatigil silang lahat.

"Joke lang naman brad eto naman." sagot ni Jack na nakataas pa ang dalawang kamay.

"Ikaw kasi Karl bat kwinento mo pa?!" paninisi ni Henry kay Karl.

"Aba kasalanan ko pa para namang hindi kayo tumawa dyan!" sagot naman nung isa.

Napahawak ako sa sintido ko dahil naiirita ako sa kaingayan nila.

Hindi pa rin ako nakakarecover sa pagkakapahiya ko kanina. Putsa sa harap pa ng maraming tao yon ha.

"3 months."

Napalingon silang tatlo sakin at parang naguguluhan.

"Give me three months and I will make sure that she will fall inlove with me."

Denessa's.

"Sayang yung fafa kanina sis bat mo pinahiya?!"

Napahawak na lang ako sa sentido ko, kanina pa yan nangungulit tungkol sa Sniper na yan na kesyo pogi daw kaya bat ko tinurn down.

"Sana kausapin ka nya ulit, tsaka sana may kaibigan syang pogi hehe."

Nilaro ko na lang ang candy sa loob ng bibig ko habang nag aantay ng announcement kung sino ang maglalaban ngayon.

"Ehem." agad akong napalingon sa harap at nakita ko yung lalaking nagpakilala sakin kanina.

"For today's battle, it's a rumble between Jaguar and Hunters. Good luck for the both team."

Naglakad naman palapit sa dikersyon ko si Sniper na tunog Swiper ang pangalan sigawan ko kaya to ng 'Swiper no swiping' putsa corny.

"Hi."

Napalingon ako sa paligid baka kasi hindi ako ang kausap nya. Napaturo pa ako sa sarili ko kaya natawa sya.

"May lakas ka pa rin ng loob na kausapin ako pagtapos ng ginawa ko sayo kanina, brave." komento ko.

Natawa naman ulit sya at nakagat ang kuko nya sa thumb.

"Type kita e kaya kahit isang daang beses mo ko ipahiya, wala akong pake."

Narinig ko namang napa-'ohh' ang crowd pati si Jayda at yung mga kaibigan ni Sniper sa likod.

"Okay." sagot ko lang.

"Ay alam nyo parang nagugutom ako, tara sis kain?" aya sakin ni Jayda, nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanya.

"Gusto nyo rin bang sumama?" aya ni Jayda sa kanila.

"OO." sabay sabay na sagot ng tatlong kaibigan ni ugok.

Naglakad na kami at nakita ko naman ang mga naglalaban sa gitna, at dahil wala akong pake sa gitna nila ako dumaan.

"PABIDA." rinig kong sigaw nung babae kanina, isa pala sya sa nakikipaglaban. Nasapak tuloy sya nung kalaban nya kaya agad nya itong tinignan ng masama.

"Hindi mo lang kasi kayang gawin." sagot ko sabay ngisi sa kanya at flip hair.

Dumeretso kami sa isang fast food chain buti na lang walang masyadong tao. Pinagtitinginan pa kami kasi pano ba naman para silang mga batang naglalaro.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon