Chapter 13.

214 7 0
                                    

Denessa's.

Halos nabaliktad ko na ang kama ko at ang maleta ko kakahanap sa kwintas na ibinigay sakin ng mama ko.

Sabi nya kasi lucky charm ko daw yon dahil yun ang suot ko ng makita nila ako. Oo, adopted daughter ako ng mga magulang ko. Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa frustration.

BAHALA NA!! sagot ko sa isip isip ko sabay higa sa kama ko.

Inabot ko ang cellphone ko at as expected, wala pa ring message galing kay Tyler. Bakit pa ba ako umaasa?

Kailangan kong ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko. Agad akong tumayo at naligo bago lumabas at sumakay sa sarili kong kotse. I just found myself driving to the top of the hills. Napatigil ako at bumaba sabay sinandal ang sarili ko sa hood ng sasakyan ko.

It's a very refreshing view, nakakarelax, nakakaginhawa. Sinipa ko ang isang bato sa harap ko.

"Aray!" rinig kong daing ng isang lalaki kaya napatingin ako sa paligid para hanapin kung saan nanggaling ang boses na yon.

"Who are you?" tanong ko sa lalaking mukhang bagong gising lang na nakasandal sa puno.

"Ikaw sino ka? bakit ka andito?" tanong nito pabalik kaya napalinga ako sa paligid.

"Anong hinahanap mo?" nagtatakong tanong nito kaya tinaasan ko sya ng kilay at nag-cross arms.

"Yung pangalan mo, bakit pagmamay ari mo ba tong lugar na to?" barumbadong sagot ko kaya napatawa sya.

"Funny ka te ha." saad nito sabay tayo.

"Oh sya aalis na ako baka kailangan mo ng me time e." sambit nito habang pinapagpagan ang sarili. Sinundan lang ng mga mata ko ang bawat kilos niya.

"Siya nga pala, ako si Marco." nakangiting saad nito sabay alok ng kamay. Tinitigan ko lang ito at buntong hiningang tinanggap.

"Denessa." sagot ko sabay bawi ng kamay ko. Naglakad sya papunta sa motor nya at inistart ito.

"Wag kang basta basta nagtitiwala sa mga tao sa paligid mo, hindi lahat totoo sayo." sambit nito bago umalis, napakunot naman ang noo ko dahil don.

Umupo ako sa pinagupuan nya kami at nagulat ako ng may maupuan ako.

Napalaki ang mata ko ng marealize ko kung ano ito.

Ang necklace ko! agad akong napatayo at nagulat ako ng may nakita akong note na nakadikit sa puno.

Sabi sayo e, wag kang agad agad nagtitiwala sa paligid mo.

Kinilabutan ako ng mabasa yon at luminga linga sa paligid bago nagmamadaling pumasok sa sasakyan ko ngunit nagulat akong muli ng may nakadikit na note sa manobela nito.

Malalaman na nila ang sikretong tinatago mo at ang lalaking pinatay mo 5 years ago kaya kung ako sayo, magtago ka na.

Inis kong tinanggal ang note na iyon at nagmamadaling pumuta sa sementeryo kung saan nakalibing si Yel.

Tyler's.

Pagkauwi nila Denessa ay umuwi na rin kami after an hour dahil sa mission ko. May misteryosong tumawag sakin at pagkatapos non ay nagpadala ito ng sulat at package kung saan naroon ang litrato ni Denessa kasama ang mga kinikilalang magulang nya noong bata pa sila.

At tama nga ang hinala ko, si Denessa at Hennesy ay iisa.

Pasimple akong sumilip sa loob ng bahay nya at ng makita kong walang tao ay dahan dahan akong pumasok, dumeretso ako sa kwarto nya at kinuha ang toothbrush neto saka nagmamadaling tumalon mula sa bintana nya at nagdrive na paalis sa lugar na iyon.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon