Chapter 12.

223 8 0
                                    

Denessa's.

"Natatakot akong umuwi." nakayukong sambit ni Jessy habang pinalalaruan ang mga daliri.

Agad naman itong dinaluhan ni Crystal at Jayda.

"We're here for you." nakangiting saad ni Crystal sabay himas ng likod nito at hinalikan sa gilid ng ulo.

"What if-" naputol agad ang sasabihin nya ng ilagay ni Jayda ang daliri nya sa tapat ng bibig nito.

"Shh, pag sinabi naming andito kami for you maniwala ka okay?" she smiled after saying that.

We're on our way home dahil ito ang hiling ko sa kanila. Tatlong araw pa lang kaming nandito pero gustong gusto ko na umuwi. And until now, hindi pa rin kami nag-uusap ni Tyler.

Hinawakan naman ni Louise ang kamay nito.

"Ako bahala, sagot kita." Jessy smiled after hearing that at lumingon sakin sabay buntong hininga.

"Let's do this." determinadong tugon nito, napangiti ako dahil don.

Agad kaming nagsibalikan sa mga kanya kanyang kwarto at nag ayos ng gamit.

Naligo na rin ako at nagbihis habanh tumitingin sa wallclock.

Pinagmamasdan ako ni Jayda at naweweirduhan na rin sakin.

"May nangyari ba at hindi kayo nagkikibuan ni Tyler?" my eyes are widened ng marinig yon though alam kong hindi yung naiisip kong 'nangyari' ang tinutukoy nya.

I feel so guilty about it.

Umiling ako at kinuha ang passport sa sling bag ko kasama ng mga tickets na binili ko.

Unlike us ay magpapaiwan muna sila Tyler para magrelax.

Or maybe para umiwas din sayo? bulong ng utak ko. Napangiti ako ng mapait. Maybe. Maybe because nakuha na nya ako ay ayaw na nya sakin.

That will never make me less as a woman, nakakapangsisi lang dahil pinangako kong ibibigay ko yon sa mapapangasawa ko. Well, virgin or not I'm still a woman. Virgin or not, I can still stand on my own feet.

Kinuha ko na ang maleta ko at nauna ng lumabas sa kwarto.

Sakto namang paglabas ko ay lumabas din si Tyler sa kwarto nila. Nag iwas agad ako ng tingin ng tumama ang mata nya sa mga mata ko. Nakakapaso.

Yumuko na lang ako at hinintay sila Louise na lumabas sa kanya kanya nilang kwarto.

"Ngayon na ang alis nyo?" nagulat ako ng magsalita si Tyler lumingon ako sa paligid ko para siguraduhing ako ang kausap nya sabay turo sa sarili ko.

Napakunot ang noo nito sa ginawa ko ngunit agad ding nakabawi at tumawa.

"E-ehem. Oo ngayon na may mga aasikasuhin pa kasi ako." sagot ko dito.

Napatango ito. "Take care." saad nya sabay alis.

Napahawak ako sa dibdib ko ng makaalis nya, it's beating too fast. Kabadong kabado talaga ako pag nandyan sya.

I'm not fool, alam kong may nararamdaman ako sa kanya na higit pa sa attraction at affection. But it's not as strong as love.

Napaayos ako ng tayo ng isa isang lumabas ang mga kaibigan ko na may bitbit na mga maleta.

"Let's go." aya ni Crystal. Tumango kaming lahat at nagsimula ng bumaba sa hotel na yon.

Sumakay kami ng cab at bago makaandar yon ay nakita ko si Tyler na may kausap na ibang babae.

I know what exactly I am feeling right now, pain. Oo, nasasaktan ako kahit hindi naman dapat. Nasasaktan ako kahit wala akong karapatan.

"Just because wala kayong label ay wala ka ng karapatang masaktan, may karapatan ka kasi may nararamdaman ka." bulong ni Jayda sakin. I turned my gaze on her direction and she just smiled at me and turn her attention to the road.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon