Chapter 17.

266 8 0
                                    

Denessa's.

"Did you guys received an invitation for the Cruz' party next week?" Crystal asked while sipping on her milk tea.

Andito kami ngayon sa mall para mamili kunno ng mga damit nila sakto namang nauhaw kami kaya huminto muna kami sa bilihan ni milk tea.

"Ah yung about sa anak nilang matagal na nawawala?" tanong naman ni Louise.

Napatango naman si Crystal dito.

"Grabe no? mantakin nyo ha sa yaman ng mga Cruz, ang swerte nya!" sumbat naman ni Jessy habang nagbrobrowse sa phone nya. "Look!" dugtong nito.

"Owns an airline and 156 five star restaurant and hotels. At may sariling shipping line?!" gulat na sambit ni Jayda habang nakatingin sa phone ni Jessy.

"I badly want to meet her, sana mabait." Crystal said while staring at nowhere.

"Sana hindi kuripot." dugtong naman ni Louise kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"What? gusto ko sya kaibiganin no!" natatawang sagot niya sa mga mapanghusgang titig namin.

"Why are you so obsessed to know her?" I asked.

Lol, I'm in front of you bitches. Ang sarap sanang sabihin sa kanila yon pero gusto kong masurprise sila sa araw ng party.

"Eh ikaw? hindi ka ba curious?" takang tanong ni Jayda sakin.

I just shrugged my shoulders at sumipsip sa frappe na iniinom ko.

"Why would I? besides di rin ako pupunta sa party na sinasabi nyo kaya nga hindi ko alam bakit ako nandidito e." I answered while hiding my laughter because of the expressions on their faces.

"Sure ka te? sayang naman yon." tanong ni Jessy sakin.

"May lakad ako non."

Tumango silang lahat sakin at inubos ang mga iniinom namin.

We entered a shop and tons of beautiful and eye-catching dresses and gowns ang bumungad samin.

Nagsimula silang mamili ng mga gusto nila habang ako ay tahimik na nanonood at nagtitingin din ng damit paminsan minsan.

"Denessa? lumipat ka ba ng bahay?" tanong ni Crystal habang nakaangat ang isang kamay sa hangin na may hawak na purple gown na mababa ang neckline.

"Why?" tanong ko pabalik rito.

"Nagpunta ako don kahapon e kaso walang tao tas sabi ng mga kapitbahay mo lumipat ka na daw." she answered habang itinatapat sa katawan ang gown na hawak.

"Yes, lumipat ako sa mas maliit na apartment masyado kasing malaki yung bahay nalulungkot ako wala akong kasama." pagpapalusot ko.

A dress caught my attention at nung saktong kukunin ko na ito ay may humawak din dito. She has a pair of beautiful eyes, pointed nose at kissable red lips.

"Oh I'm sorry, I thought wala pang nakakakita." paghingi nito ng paumanhin sakin.

"No no you can have it." nakangiting sambit ko at binitawang ang dress saka naglakad pabalik sa pwesto nila Jayda.

Lahat sila ngayon ay nasa counter na at nagbabayad sa mga dress nilang pagkamahal mahal.

I can't blame them. Knowing my parents, the party will be grand at baka tawagin pang party of the century sa dami ng mga mayayamang businessman, politicians, models and even artists.

Nang natiyak kong nakasakay na sila sa kanya kanyang sasakyan ay sumakay na rin ako sa kotse ko at nagdrive pauwi.

The mansion is now chaotic at maingay dahil sa dami ng taong nandirito.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon