Chapter 5.

282 16 5
                                    

Tyler's.

I was busy checking out for some cars ng tumawag si Mr. Cruz. Napaayos ako ng upo bumuntong hininga bago sagutin ang tawag.

"Nahanap mo na ba sya?" yun ang sinalubong nya sakin.

"I'm sorry sir but it's really hard to find her knowing that you lost her for years."

Narinig ko ang mabigat na paghinga nito dahil sa kabiguan.

"Balitaan mo agad ako kapag may balita na sa anak ko."

"Yes sir." I answered with all respect, that's the cue—he dropped the call immediately.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas ng office.

"Cancel all my meetings tell them na may urgent akong lakad." bilin ko sa secretary ko bago ako naglakad papunta sa elevator.

Napahawak ako sa bridge ng ilong ko due to frustration.

Bakit ba ang hirap mo hanapin?

Agad akong naglakad papasok sa kotse ko at isa isang pinuntahan ang mga ampunan malapit sa lugar kung saan nawala ang anak ng mag asawang Cruz.

"Ay yung batang maganda na masiyahin? aba e inampon yon ng mag asawang-"

"NAY!!" sigaw ng isang dalaga sa kinakausap kong matanda.

"Ano po yun nay? mag asawang ano po?" I asked her.

"Pasensya na hijo mahina na ang memorya ko hindi ko na matandaan ang pangalan nila."

Tumango ako at naglakad na paalis sa ampunan na yon.

I need to find her, I will find her.

Denessa's.

"Move faster Louise." utos ko kay Louise na umiiwas iwas sa mga bala ng pellet gun na ginagamit ko para maensayo ang bilis nya.

"Saglit lang naman sis, nakakapagod kaya." reklamo nya sabay hawak ng kanang kamay sa bewang at ang isa naman ay sa tuhod.

"Hindi ka pwedeng magsabi ng 'saglit' pag nakikipag away ka Louise.' paalala ko sa kanya.

"Okay okay fine fine." hinihingal na sabi nya kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at dumeretso sa kuhanan ng tubig, nandito kami ngayon sa training grounds namin ni Jayda.

Nagring ang phone ko at tinignan ko kung sino ang caller— it's Crystal.

Sinagot ko ito at masiglang bumati.

"Hey."

"OMG DENESSA, CAN WE EAT OUTSIDE? I'M FREAKING BORED AS HELL NA." halatang halata ang frustration sa boses nya kaya naman natawa ako.

"Sure, but I will bring my friends with me. Is that alright?"

"OPKORS DA MOR, DA MERRIER." tumawa sya pagkatapos sabihin yon.

"Okay, text me the address."

"Alright, gtg. Hugs and kisses muwah." she end the call right after. Humarap ako kila Jayda na nagkwekwentuhan ngayon.

"Let's go somewhere, may ipapakilala ako sa inyo." sambit ko kaya napalingon sila sakin ng malaki ang mata.

"Sinech?!" gulat na tanong ni Louise.

"LALAKI?!" sigaw na tanong naman ni Jayda.

"JOWA MO?!" napahawak ako sa noo ko sa mga tanong nila.

"OMG SIS KELAN PA?!" gatong naman ni Jayda.

"Babae.." akala ko matatahimik sila pag sinabi ko yon pero mas lalong nanlaki ang mata nila.

"TOMBOY KA?!" sabay nilang tanong.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon