Chapter 19.

369 8 0
                                    

Denessa's.

"HULIHIN NYO SILA!!" sigaw ni Alfonso habang binubuhat ang walang malay na si Yel.

Isa isang sumugod samin ang mga tauhan nila.

Sinipa ko sa mukha ang lalaking pasugod sakin.

"Hayaan nyo na lang kaming lumabas." bulong ko sa kanila. Ngunit isa isa silang naglabas ng kutsilyo. Napapikit ako at napabuntong hininga.

"I-on mo ang phone mo at imessage mo si Jayda ng SOS. Wala pang limang minuto ay nandito na sya." walang emosyong sambit ko kay Tyler.

Agad nyang nilabas ang phone nya habang ang kabilang kamay nya ay sinusuntok ang mga lalaking palapit sa kanya.

Nakipag-agawan ako sa lalaking kaharap ko ng maramdaman kong may sumaksak sakin sa likod.

Buong lakas kong inagaw ang kutsilyo at sinaksak ang lalaking sumasaksak sakin.

"DENESSA!" rinig kong sigaw ni Tyler habang nakikipaglaban sa tatlong lalaki.

Nilapitan ko sya para tulungan.

Una kong hinawakan ang lalaking nasa kanan ko sa balikat at sinipa ang likod ng tuhod nito sabay sapak sa tiyan nya.

Agad akong nilapitan ni Tyler ng mapatumba na nya ang dalawa.

"N-nasaksak ka.." bulong nya sakin.

"Alam ko." sagot ko sa kanya.

Nilingon ko ang mga lalaking susugod kay Tyler.

Agad kong nilapat ang mga labi namin at kasabay non ay ang pagalingawngaw ng mga putok ng baril at sabay sabay nagbagsakan ang mga susugod sana sa kanya.

Nilayo ko na ang mga mukha namin at maglalakad sana palayo ng hilahin nyang muli ang kamay ko.

He kissed me. It's full of love and sincerity. Naglandas ang mga luha sa mata ko dahil dito.

"I'm sorry.." bulong ko ng maghiwalay na kami.

Nginitian nya lang ako at nagpaputok sa likod ko.

"Si Yel at Alfonso.." bulong kong muli.

"Hinahabol na sila nila Jayda. Matatapos na lahat Denessa." yun ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

---

Minulat ko ang mga mata ko at una kong nasilayan ang aking inang naka hawak saking kamay habang natutulog.

Hinaplos ko ang buhok nya na naging dahilan ng paggising nya.

"A-anak. Kamusta ka? NURSE! NURSE!" sambit nito kaya napangiti ako.

"I'm sorry for making you worry." nakangiting saad ko kaya naman napangiti rin ito sakin.

"M-may nagsampa ng kaso sayo. May pinatay ka daw few years ago, hindi ako-"

"Totoo po ma." mapait akong napangiti at lumingon sa bintanang nasa tabi ng kama ko. "Oras na po para pagbayaran ko lahat ng mali ko noon." sambit ko.

"I will hire the best lawyer in town or kung gusto mo pwede nating bayaran yung Judge-"

"Ma, hindi natin dapat binabayaran ang batas." hinawakan ko ang kamay nya at tinignan sya deretso sa mata. "I'm sorry kung kakakita lang natin e mawawala nanaman ako. Pero hindi ho makatarungan kung hindi ho makukuha ni Tyron ang hustisyang para sa kanya." bulong ko rito.

Napatango naman si mama at pinunasan ang mga luha nya.

"I'm proud of you anak.." sambit nya kaya napangiti ako.

Third Person's POV.

"The court found the suspect Hennessy Cruz, guilty for murder."

Agad namang napatayo ang mga kaibigan ng dalaga sa narinig.

"H-hindi pwede to.." bulong ni Crystal habang nanghihinang nakatingin sa kaibigan.

Nagyakapan silang apat at nilingon si Tyler na nasa kabilang panig ng korte na tahimik lamang na nakatingin kay Hennessy na mas kilala nila bilang Denessa.

Nilingon sya ng dalaga at nginitian bago ito lumabas sa court.

Denessa's.

"Magiging okay ka ba talaga dito?" paulit ulit na tanong ni Crystal sakin kaya natawa ako.

"Kailangan kong pagbayaran lahat ng ginawa ko noon Crystal." sambit ko kaya naman napatango ito.

"Sya nga pala, alalayan nyo si mama at papa habang nandito ako." nakangiting sambit ko bago ako ipinasok ng Pulis sa loob ng selda.

Napaupo ako at napangiti ng mapait.

Totoo ngang hindi tamang gumanti kahit ano pa ang nagawa sayo ng isang tao. Hindi ito sagot lalong lalo ang karahasan kung may nais kang makamit na hustisya. Hindi tamang ilalagay mo sa iyong mga palad ang batas. Kailangan kong pagdusahan ang lahat ng nagawa kong mali hindi dahil ito ang sinasabi ng batas kundi dahil ito ang tama.

Nilason ng galit at sakit ang utak ko kaya naman eto ang nangyari sakin ngayon. Natutunan ko na ring magpatawad ng nalaman kong dinala sa isang mental institute si Yel samantalang gaya ko, ay nakulong si Alfonso.

Naiintindihan ko si Yel, naiintindihan ko kung saan sya nanggagaling. Alam kong sabik sya sa pagmamahal ng magulang dahil kasabay ko syang lumaki at kilalang kilala ko sya kaya hindi ko sya masisisi.

Naiintindihan ko rin si Alfonso dahil nabulag lang sya ng inggit at selos kaya sya nakagawa ng mga hindi karapat dapat na bagay.

At si Tyler, hindi na kami nag uusap ngayon pero hinihiling ko na sana ay patawarin nya ako. Ako ang nagtulak sa kanyang sampahan ako ng kaso dahil wala syang balak. Hindi dahilan ang nararamdaman nya sakin para ipagsawalang bahala ang krimeng nagawa ko.

At ang mga taong alam kong huhusga sakin, sila ang mas lalo kong naiintindihan. Naiintindihan ko sila dahil hindi nila alam ang buong kwento, hindi nila alam ang buong pangyayari.

Napapikit ako.

"Sana hintayin mo ko Tyler, sana." bulong ko sa hangin.

"Cruz!"

Napatayo ako ng marinig yon.

"Po?"

"May bisita ka." dali dali akong lumapit at lumabas papunta sa visitor's area.

"Tyler?"

Napalingon sya sakin at sinenyasan akong umupo.

"Kamusta ka dito?" bungad nya sakin. Nginitian ko sya at lumingon ako sa paligid.

"Ayos lang naman, wala namang ma-attitude na preso dito kaya okay lang ako." sambit ko sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay kong nakaposas at hinalikan ang likod nito.

"Hindi mo na kailangang gawin to, napatawad na kita.." bulong nya pero sapat na para marinig ko.

Umiling ako sa kanya at hinawakan pabalik ang mga kamay nya.

"Ikaw napatawad mo na ako, pero si Tyron alam kong hindi pa. Hindi makatarungan ang ginawa ko sa kapatid mo Tyler.." tinignan ko sya deretso sa mga mata nya at pinagmasdan ang mga luhang namumuo rito.

"Alam kong hindi magiging madali ang buhay ko rito at tanggap ko yon, pero ito ang pinili ko. Dahil ito ang alam kong tama sana maintindihan mo ako." sambit ko rito. Napayuko naman sya.

"Sana mahintay mo pa ako.." bulong ko rito.

---
Epilogue na next, say goodbye to our Tyler and Denessa.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon