Chapter 11.

223 7 0
                                    

Denessa's.

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo at katawan ko. Napatingin ako sa katawan ko at napaupo ako bigla ng makitang wala akong damit na kahit ano. Lumingon ako sa tabi ko at nakita kong tahimik na natutulog si Tyler.

Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi dahil clueless na clueless ako.

"Shit." bulong ko habang nakadilat ng malaki ang mga mata.

Wala pang label nagjugjugan na, jusko.

Napasabunot ako sa sarili ko ng maalalang ako pa ang naunang humalik sa kanya.

Dahan dahan akong bumangon at pinulot ang mga damit ko sa sahig bago dumeretso sa cr. My sensitive part is aching so bad. Nagbihis na ako at naghilamos bago lumabas ng kwarto. Pagpasok ko ay sumalubong agad sakin ang tatlong lalaking natutulog sa sahig.

Nakadapa si Jack habang nakaunan sa pwetan nya si Henry. Nakahiga naman si Karl at nakapatong sa mukha nya ang paa ni Henry.

Napailing ako sa nakita ko. Dumeretso ako sa kama at nakita ko si Crystal na kakagising lang habang ang dalawa ay natutulog pa.

I headed to the bathroom to wash my self at para pagalitan na rin ang sarili ko.

I am not against pre-marital sex, it's not just my thing at hindi ko alam kung bakit ako bumigay kagabi.

"Ang rupok rupok mo naman!" sabi ko sa sarili ko sabay sapok sa ulo.

Nagbabad lang ako sa shower habang nag iisip isip pa rin. Hindi ko nga alam pano ko haharapin si Tyler ngayon.

"Denessa? tapos ka na ba? nasusuka ako!" daing ni Jayda na malakas na kumakatok sa pinto ng cr kaya naman pinatay ko na ang shower at nagbihis na.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong gising na silang lahat pero mga bangag pa.

Agad agad pumasok si Jayda at sumuka. Napailing naman ako dahil don.

"OMG PAANO AKO NAKABALIK SA KWARTO KO KAGABI?!" tanong ni Jessy na hinihingal pa dahil sa pagtakbo nya.

"Hinatid ka nung lalaki na nakilala mo sa club." inaantok na sagot ni Henry habang nakadapa pa sa kama at halatang inaantok.

"LALAKI?! OH MY GOSH BUO PA BA AKO?!" sagot nito sabay check sa sarili nya. Napatigil sya ng batuhin sya ni Louise ng unan.

"Napakaingay mo naman!" reklamo nito.

"You guys are so loud." sabat naman ni Crystal habang kinukusot ang mata.

Napabuntong hininga ako sa ayos nila.

Alak pa mga tanga.

Tyler's.

Nagising ako sa ingay ng cellphone kong nagriring.

"Hello?"

"Good morning sir." Napaupo agad ako ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.

"What's the catch?" tanong ko rito.

"I emailed you some files na makakatulong sa paghahanap mo kay Hennessy Cruz. Check it urgently dahil balita ko ay na-hospital ang asawa ni Mr. Cruz." pagbabalita ni Xyra sakin, ang secretary ko.

I ended up the call at tumayo sabay nagbihis na rin. Last night with Denessa is fantastic, one of the best night of my life.

I went out of that room at pumasok sa kwarto ko sabay bukas ng laptop. I opened of the emails at napakunot ang noo ko sa nabasa.

Daughter of Hector Cruz—missing.

The news flew fast when the Cruz revealed that their one and only heiress was abducted by three men on her way home. She is only 5 years old and possessing a birthmark on her back. She is also wearing a nursery uniform. Her bodyguards are now on the critical condition after getting shoot by the hostage takers.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon