Chapter 15.

254 8 0
                                    

Denessa's.

Nakalatag ang isang sapin sa buhangin habang nakahiga kaming nakatanaw sa mga bituing nagniningning sa langit. Naka-unan ang ulo ko sa kamay ni Tyler.

Sakto namang may dumaang shooting star kaya napaupo ako.

"Magwish ka!" pag-alog ko kay Tyler bago pumikit at humiling.

Sana matapos na lahat to.

Pagdilat ko ay nakapako sakin ang mga ngiti nya habang may ngiti sa mga labi. Saka tinuon muli ang mga mata sa langit.

"You're here, beside me. There's nothing I could wish for. Your presence is enough." sagot nito habang nakataas ang mga kamay na tila ba may ginuguhit sa hangin.

I lay down and wrap my hands around his waist. He did the same and kissed the top of my head.

"Do you think it's the both of us until the end?" tanong ko sa mahinang boses.

"Our future will depend on how we want it to happen. Ikaw ang gusto ko makasama hanggang dulo Denessa, at sana ganon ka rin." bulong nito. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

I'm using my luck too much so I wonder what will happen kung maubos ko na to.

"I won't took away your virginity if I'm not sure about you love." sabay halik sa noo ko.

Napalingon naman kami ng biglang tumunog ang phone nya kaya agad kaming umupo. Tumayo muna sya at lumayo bago sinagot ang tawag.

Luminga linga ako sa paligid hanggang sa mapansin kong may pares ng mata na nakatitig sakin sa madilim na parte ng dalampasigan.

Tumayo ako at lalapit sana sa kanya ngunit agad itong tumakbo paalis. Hahabol sana ako ng mapansin ang isang litrato at note na nasa buhangin.

It's a picture of Yel, hanging herself. Agad napatakip ang bibig ko dahil sa nakita.

Sige lang, hayaan mong lasunin ka ng pag-ibig mo Denessa. Baka nakakalimutan mo kung sino at ka-ano ano ng nangrape kay Arielle ang kasama mo? Gumising ka.

Napayukom ang kamao ko sa nabasa saka yumuko at lumingon sa gawi ni Tyler na may kausap ngayon sa cellphone.

Tyler's.

Sinagot ko ang tawag mula sa unknown caller.

"Ano na Tyler? Nahibang ka na ba?" salubong nito sakin.

"The woman you are with right now is the same woman you're looking for years and yet wala kang ginagawa?" natatawang saad nito.

"Sino ka ba?" tanong ko.

"Hindi na mahalaga kung sino ako, ang mahalaga ay makuha mo na ang hustisyang nararapat para sa kapatid mo."

Napalingon ako sa gawi ni Denessa na ngayon ay nakayuko sa madilim na parte ng buhanginan.

Agad nagtama ang mga mata namin.

Third Person's POV.

Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay isang tahimik na tensyon ang nagyari. Kapwa nangangapa ng mga salitang maaaring sabihin sa isa't isa.

Naglakad palapit ang dalawa at tumigil ng nasa harapan na sila ng isa't isa.

Magsasalita pa lang sana si Denessa ng bigla syang yakapin ni Tyler.

"Don't. Please don't talk.." he whispered to her ears.

Agad namang tumango ang isa dahil nalunok na rin nya ang mga salitang binuo nya sa isip nya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon