CHAPTER 4

15 5 0
                                    

GUSTONG pabagalin ni Payton ang takbo ng kotse nya para matagal pang makasama ang dalaga. Pero di naman nya maaatim na mainis ito sa kanya dahil late na late na raw ito.

Napakaresponsableng babae, isa iyan sa nagustuhan nya rito. Maya maya pa ay natatanaw na ni Payton ang main hospital nila Diana.

"We're here" ani ni Diana at hininto na nya ang kotse nya sa harap ng entrance.

Nalukungkot siya at tapos na ang masasayang sandali na kasama nya ang dalaga , at ang tanong kung mauulit paba ito?

'Sana..'ani ng munting tinig sa kanyang isipan

Bumaba na silang pareho ng sasakyan. Ngumiti naman sa kanya si Diana at mukhang may sasabihin ito.

"Ahm... Mr.Fournier.. Tha--" naputol ang sasabihin ng dalaga ng may yumakap rito. Familiar iyon kay Payton kaya pinakatitigan nya ito ng ilang segundo.

Naomi Park... isa sa kaibigan ni Diana.

"Kanina pa kaya kita hinihintay!" ng makita sya nito ay ganun din ang reaksyon nya. Agad syang ngumiti baka galit din ito sa kanya pero di nman brutal ang kaibigan nito sa pag kakaalala nya.

"Mag kakilala kayo? " tanong sa kanila ni Diana, at agad naman silang umiling

"N-No... This was the first time we met" tumango tango siya, it was the better to do.

"Okay... Para kase kayong magkakilala" ani ni Diana at nagdilim ang mukha nito at tinignan sya ng masama.

"You can leave now, Mr.Payton and by the way salamat" ani ni Diana at nagmamartsang naglakad kasama ang kaibigan.

Napaisip tuloy sya kung may nagawa ba syang masama or nasabi rito. Kung bakit nagagalit ito sa kanya?

Napailing iling nlang sya di naman nya puwedeng pilitin itong sabihin sa kanya dahil di nya pa nakukuha ang loob nito, ni parang strangers palang sila para sa dalaga.

Pinagmasdan na lamang nya ang papalayong bulto ng dalaga.

Nginitian nya ito ng mahuli nyang lumingon ito sa kanya. Pero tinarayan lamang sya nito at bumilis lalo ang paglalakad.

TOOT TOOT

Agad na kinuha ni Payton ang Cellphone nya at tinignan kung sino ang nagtext. Si Liza iyon at kapareho nya ito parin ang no. nito, dito sa pilipinas.

CONVERSATION

LIZA: Yow? di ka parin ba nag papalit ng number? Ito parin ba?

PAYTON: Yeah ito nga... pabalik na sana ako diyan para makapag usap tayo

LIZA: Ay? ganun ba sorry Payton may aasikasuhin ako for now eh pero ito number ni Diana "0927------"

PAYTON: Thankyou, sige next time nlang

Inilagay na nya sa bulsa  ang Cellphone nya at nagtungo sa kotse nito.

Pupunta siya sa Condo niya, dahil matagal siyang hindi na nakapunta roon, sa trabaho nya kase di uso ang mag istay sa iisang lugar.

Maya maya pa ay tumunog na naman ang Cellphone nya kaya agad nyang kinuha ito, at ng makita kung sino ito ay agad na kumunot ang noo nya.

"Agent Clever" ani ng nasa kabilang telepono

"Sir.Carter, susunod naman ako sa usapan. Hindi ako tatanggap ng kahit na  anong misyon, may usapan tayong within this year makapag pakasal na ko diba? diko sinasayang lang ang 7 months na binigay nyo" ani nya masyado ata syang maraming sinabe pero ayun naman kase ang lahat ng gusto nyang sabihin.

DESPERADA GIRLS 1: DIANA MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon