Chapter 4

826 36 22
                                    


Chapter 4

Malishka

"WHAT do you want for dinner, baby?"

"You." I was shocked with Nathan's answer.

First, because I was talking to my daughter and not to him. Second, napaka-landi ng sagot niya. Third, ang assumero naman nito para isipin na tinatanong ko siya.

"I'm not asking you, si Scarlet ang tinatanong ko." Naka-irap kong sabi.

Dumungaw ang anak namin sa pagitan namin at tinukod ang kamay sa center console box ng sasakyan.

"You want to eat mommy, daddy?! You want her to be your dinner?!" Scarlet gasped in horror.

Nathan smirked at me, "Yes, my Princess."

"Oh my gosh! So, you're a..." Scarlet faced me, "What do you call a person who eats humans na, Mommy?"

Ngumiwi ako sa tanong ng anak, "Uhhh, cannibal, baby."

"That!" Humarap naman ito sa ama, "Cannibal ka, daddy? OMG! Noooo!" My daughter let out a dramatic scream.

"I ate your mommy last ni—"

"Nathan, ano ba! Kung ano ano sinasabi mo sa bata!"

Hindi na niya inisip ang lumalabas sa bunganga niya!

Nathan's laugh filled the entire car. Maluha luha pa ito kakatawa sa kalokohan. Huminga ako ng malalim at napamasahe sa sintido. Tatanda ata ako ng maaga ngayong makakasama na ata namin ng madalas si Nathan. Well, for my daughter's happiness, fine. Kahit magkawrinkles pa ako agad agad. May botox naman or collagen.

Paglingon ko sa anak ay nakasandal na ito sa back seat at naka-halukipkip lang ito at masama ang tingin sa ama. Pinalo ko tuloy sa braso si Nathan at tinuro ang anak sa likod. Tumingin naman si Nathan sa rear view mirror at napatawa sa itsura ng anak.

"So, what do you want for dinner, Scarlet?" Sinadya ko ng sabihin ang pangalan ng anak para di na naman umepal ang ama nito.

"I want menudo and donuts, mommy." Ngumiti ako at tumango sa gusto ng anak.

Scarlet loves menudo. And donuts, maybe, because dun ko ito pinaglihi? Original glaze from Krispy Kreme to be exact.

Habang nag-luluto ako ng menudo ay nasa sala naman ang mag-ama ko.

Mag-ama ko? Seriously, Crimson?

Tinutulungan ni Nathan si Scarlet sa mga assignments nito.... or more like si Nathan na ang sumasagot. My daughter is just playing with the toys her father bought. Nagalit pa ako kanina dahil andami dami na namang laruan na binili na paniguradong pagsasawaan din naman ng anak ko agad.

Nathan reasoned out that he brought Scarlet to the mall and bought her tons of toys to cheer her up. Pinalagpas ko na lang.

I dont want Scarlet to grow up a brat like me so as much as I can, hindi ko iniispoil ito. But it's just very impossible since everyone loves to spoil my daughter. Basta nagkakaroon ng anak ang isa saaming mag-kakaibigan, be it Nathan's circle of friends or my friends, iniispoil nila ang mga bata. Rason ng mga ito ay may pang-spoil naman daw sila so why not.

Plus mine and Nathan's parents spoils my daughter rotten.

Mula sa kusina ay tanaw ko ang likod ng dalawa sa glass table. Nilagay ko muna ang carrots at patatas at hinalo ang niluluto. Scarlet loves carrots and potatoes so I made sure na marami 'yun. Mahirap pakainin si Scarlet ng gulay kaya pag ganitong Menudo ang niluluto ko ay niraramihan ko na ng carrots at patatas.

Shades of CrimsonWhere stories live. Discover now