Dream 1
"Kuya, konti nalang. Mapapantayan na din kita. Mag antay ka lang."
Nakatitig ako ngayon sa poster ng boyband na "The Crudes". Yes, I'm a fan. Binubuo ang banda ng limang miyembro.
Sejin Bryle Cruz. Stage name; JB. Main Vocals.
Reign Ian Lopez. Stage name; Rain. Sub Vocals.
Earl Lauren Gonzales. Stage name; El. Main Dancer.
Donny Chiu. Stage name, Don. Main Rapper.
And last, Marck Kendrick Saldovar. Stage name, Em. Lead Rapper.
He's my brother. We were close. Yes, were. Past tense. We were close years ago but not anymore. Palaging may competition sa aming dalawa. Walang alam ang mga kagrupo niya na may kapatid siya. Ikinakahiya niya ako, alam ko yun. One of the reasons that I am pursuing music is that, gusto kong ipakita sa kapatid kong kaya din akong ipagmalaki ng iba. Na hindi ako dapat kinakahiya. Pero despite sa galit namin sa isa't isa, isa pa ring ako sa humahanga sa mga musika nila.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko din kasi inaasahan na magiging ganito kalayo ang loob namin sa isa't isa. We grew up together. Pero ng madiscover siya at sumikat, dun na siya nagsimulang lumayo. Akala ko dahil busy lang siya, o kaya ay palaging pagk kaya okay lang sakin. Pero habang tumatagal, palayo na siya ng palayo na parang hindi niya na ako kilala.
"Good Morning Ma'am, I'm sorry I'm late" bungad ko kaagad pagpasok ng classroom. Nakatulog akong umiiyak kagabi kaya tinanghali ako ng gising.
"Ms. Saldovar, pang ilang late mo na to ah. Tapos palagi pang lunes. Malapit na ang midterms niyo, paalala lang. Kung wala kang balak magcollege dahil jan sa pagkanta mo, ay wag mo nang ituloy yung pagpasok mo. Nakaka istorbo ka sa pag aaral ng mga kaklase mo."
"Sorry po" yan nalang ang nasabi ko at dumiretso na sa upuan ko.
I'm a G12 student. Halata naman siguro na pati ang ibang mga guro dito ay against sa pagkanta kanta ko, particularly na ang adviser namin. Kesyo ang pangit daw ng boses ko, ang sama ko daw mag gitara. Alam ko sa sarili ko na may ibubuga ako. Hindi ko alam kung may problema ba sila sa pandinig o ano. Maganda daw ang boses ko, yan ang sabi ng Music Club President namin. Magaling daw akong mag gitara. Kaya yun ang pinanghahawakan ko na kaya kong umangat.
Nang matapos ang klase ay dumiretso muna ako sa parke. Wala sina Ronnie. Absent na naman, ganyan talaga sila eh.
Naghanap ako ng bench na walang laman. Sinalpak ko ang earphones ko at nagpatugtog ng mga kanta ng The Crudes. Sinabayan ko na lamang ang paborito kung kanta nila.
"The playgrounds, they get rusty,
and your Hearbeats,
another ten thousand times before
I got the chance to say,I miss you..."
Patuloy lang ako sa pagkanta. Napalingon ako ng may tumikhim sa gilid ko.
"Uhm, excuse me po. Sorry po kung naiingayan ka, lilipat na lang ako" saad ko sa taong katabi ko na pala.
"No, it's fine. Just keep singing" sagot niya. "I like your voice", bulong pa niya.
Ano daw?
"Huh? Di ko narinig yung sinabi mo eh?" Tanong ko.
"Nothing, just don't mind me."
Tinitigan ko ang lalaking katabi ko. Weird, yan lang ang masasabi ko. Ang init init ngayon tapos naka black jacket siya, naka scarf tapos may matching cap pa. Yung totoo? Goons ka ba kuya?
Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang ulit sa pagsabay sa kanta.
"By the way, what song are you singing? Never heard that before." Tanong sakin ni Goon. Di ko siya kilala eh, kaya yan nalang.
Seriously? The Crudes tong kantang to, THE CRUDES! tapos di niya alam? Saang planeta ba galing to?
"You don't know this song?" Ayan, napa english tuloy ako. English kasi ng english eh, nasa pilipinas po tayo kuya! Duhh
"Do I need to know this song?"
Sabagay. Siguro nga may mga tao talaga na walang hilig sa musika.
"New Released song ng The Crudes to eh. Yung sikat na boygroup ngayon." Sagot ko.
"Boygroup? Like boyband?"
Tumango nalang ako.
"So you're a fan?" ewan ko, pero parang may nahihimigan akong may pagka sarcastic yung sinasabi niya.
"Is it wrong to be a fan?" medyo asar kong tanong sa kanya.
"I never said that." defensive niyang sagot.
Di nalang ulit ako nagsalita. Dahil nawiwirduhan pa rin ako sa suot niya, naglakas loob na akong nagtanong sa kanya.
"Uhm what are you? Are you some kind of celebrity? Or a goon? Are you part of the cult? Ang weird kasi ng suot mo eh."
He chuckled. "I'm neither."
_________________________________
YOU ARE READING
Dreamers
Teen Fiction||ON- HOLD|| "You'll never know unless you try." --**-- Date started: 07/19/20 Date completed: ----