Dream 2
JB's POV
"Yuck Jb! What are you wearing?"
"Fuck off El."
Tinanggal ko muna ang jacket ko pati ang scarf ko. Pucha! Ang init nga! Kaya siguro ang weird ng tingin sakin ng babae kanina.
Speaking of which, she sounds good. She's singing our song. I didn't notice her face a while ago because I'm wearing my cap, but dude! She sounds amazing. Not far from now, I'm sure she will be discovered.
"San ka galing?" Tanong ng manager namin.
"Pake mo?" Sanay na silang ganyan ako. I'm never polite. Manners? What's that? They say a boygroup is composed of a bunch of gentlemen. Tss, stereotype. We're different. Maybe that was a reason why we, five, ended up together.
"TC, may practice kayo mamaya para sa mall show niyo bukas."
Well, mall shows.
"Mall show? So we're playing?" Asked Don.
"Yes, you're playing. Sa concert pa kayo sasayaw kaya tutugtog lang layo bukas."
That is what I like about mall shows. We are given a chance to play instruments.
"Where's Marck? Hindi ko yata siya napapansin." Tanong ko sa kanila na dapat pala ay hindi na lang.
"Fuck bro! You're hurting our pride. I'm right here, Rain's over there, Don is on your side and yet, your searching for Em?"
"Fuck you a hundred times El!" I said while showing him my middle finger.
There goes my bandmates. We may be rude to others, but we're warm towards each other.
Rian's POV
'The Crudes posted an update.'
Yan agad ang bumungad pagkabukas ko ng social media account ko. Update? Ano naman kaya yun.
Curious, clinick ko yung notif at tiningnan ang updtae na sinasabi nito.
"Mall show, tommorow. 8 am. See you there Cruders!"
Ahh, mall show. Wait what? Mall show? Ibig sabihin tutugtog sila? Mabilis kong tiningnan ang schedule ko bukas sa school. Class recit lang pala. Okay lang yun. Babagsak din naman ako dun kaya wag ka nang pumasok Rian. Tama tama.
Dali dali akong naghanap ng isusuot ko bukas sa mall show. Shuckks! Makikita ko na naman ulit ang paborito kong banda. Not to mention my brother, tss.
"Ang gwapo niyo TC!"
"Notice me JB pleasee!"
"Imiss you El!"
"Don, I love you!
"Rain ang pogi mo!"
"Isang smile naman jan Em!"
Ilan lang yan sa mga ingay sa paligid ko. Walang mababakas na ngiti sa mukha ng tatlo, while there's Rain and El na todo smile sa kanilang fans.
Nagwink si El sa kanila kaya mas dumoble ang tilian ng mga kababaihang narito ngayon.
Nagsimula ng tumugtog ang The Crudes sa pangunguna ng drummer na si Rain. El is handling keyboards. Don is holding the bass. Then there's Em who's playing guitar together with JB who's the vocalist.
Yes, I'm a fan. But that doesn't mean that I am one of these loud fans. Kumbaga, ayos na sakin ang makita lang sila ng malapitan, ang marinig silang kumanta at makitang nag eenjoy sa kanilang ginagawa.
Nahanap ako ng paningin ni Em kaya dali dali akong nag iwas. Walang gulat na makikita sa kanyang mukha, instead there's disappointment in his eyes. Alam kong disappointed siyang makita ako ngayon dito. Parang takot siya na anytime ay malalaman ng kabanda niya na may kapatid siyang failure, na malaman ng mga humahanga sa kanya na na may kapatid siyang nakakahiya. Yes, it hurts. But I think that's how life works.
Umuwi akong pagod at gutom sa bahay. Nagtaka ako dahil walang ilaw sa loob. Hindi naman ugali ni lola na pumatay ng ilaw. Natatakot na ako sa mga pwedeng dahilan na umiikot sa isip ko kung bakit walang ilaw sa bahay.
Scared, pumasok pa din ako. Hinahanap ko ang switch ng ilaw pero naalala kong sira pala ang ilaw na malapit sa pinto kaya dumiretso ako sa may sala kung nasaan ang isang switch ng ilaw.
"La, nakauwi na po ako! Lola? Lola!"
Patuloy lang ako sa paghahanap ng kasama sa bahay habang hinahanap ang switch.
Nang mahanap ang switch ay agad kong binuksan ang ilaw. Nagulat ako sa bumungad sa aking harapan.
This. Can't. Be.
"Happy Birthday Rian!"
Sabay sabay nilang sigaw sakin. Andito si Ronnie at Ryan kasama ni Lola. Muntik ko nang makalimutan na birthday ko nga pala ngayon.
"Yieee 18 na siya oh! Blow the candle na bunso!"
Nagwish muna ako tapos hinipan ang kandila. Napayakap ako sa kanilang tatlo dahil kahit nakalimutan ko ang kaarawan ko, nariyan sila para ipa alala sakin ang importanteng araw sa buhay ko.
Umuwi din naman sila pagkatapos naming kumain. Pumasok ako sa kwarto ko at nagtaka dahil may kahong malaki na nakapatong sa kama ko.
"Lola, ikaw ba yung naglagay na kahon sa kama ko?"
"Oo anak, may nagdeliver kasi kanina niyan eh, para sayo daw. Regalo ata sayo. Naku ikaw ha, may hindi ba ako nalalaman sayo?"
"Si lola talaga, wala nga po eh. Sige po, titingnan ko na lamang ang laman non."
I opened the box only to find my dream guitar. Nang inangat ko ang gitara, may nahulog na papel.
"Happy 18th Baby. Kuya loves you, always remember that."
Yan lang ang laman ng letter. Tss. Mahal? Scam ka kuya. Napakalaki mong scam.
Bothered by the gift sent by kuya, lumabas muna ako ng bahay at nagtungo sa parke na madalas kong tambayan.
Pagdating ko, andun na naman ang taong weird. Cap, shades, scarf. Yung totoo? Naka drugs ba to? Gabing gabi tapos nakashades.
Umupo ako sa gilid niya dahil di naman ata niya ako napansin eh. May nakasalpak na earphones sa tenga niya kaya hinayaan ko nalang.
"Hey, kanina ka pa?"
Napalingon ako ng kinausap niya ako. Marunong naman pala mag tagalog to eh. Pero wait, familiar yung dating ng boses niya eh.
"Hindi naman." Sagot ko nalang.
Nilapag ko muna ang cellphone sa gilid ko para bumili ng inumin. Wala naman atang kukuha neto kasi andito naman siya.
Pagbalik ko ay wala na ang lalaki. Ang bilis naman umalis. Dahil malamig na, kinuha ko nalang ang cellphone ko at umuwi.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Teka lang. Kaninong cellphone to?
HINDI SAKIN TO!
__________________________________
YOU ARE READING
Dreamers
Teen Fiction||ON- HOLD|| "You'll never know unless you try." --**-- Date started: 07/19/20 Date completed: ----