Prologue

11 3 0
                                    

"When it gets hard,
I got a little stronger now,
I got a little braver now.

And when it gets dark,
I got a little brighter now,
I got a little wiser now.

Before I give---"

"Ano ba naman yan, maganda sana yung kanta kaso ampangit ng kumakanta."

"Paulit ulit pa. Di ka ba nauumay sis? Parang ginawang basura yung original music eh."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa paligid ko. Bago ko pa matapos ang last line ng kantang inaawit ko, ayan na naman ang sandamakmak na panghuhusga sa aking musika. Tinapos ko na ang pagtugtog sa gitara ko at nilagay na sa lalagyan. Andito ako ngayon sa madalas kong tambayan na parke pag walang klase.

Mahilig ako sa musika. Mahilig din akong mag gitara. Sinasabi nila na wala daw akong patutunguhan sa ginagawa kong to. Well, sinong may pake? Sila ba ang mawawalan sa pagtugtog ko? Kaya hinahayaan ko nalang.

"Lolaaaa! Nakauwi na po ang napakaganda mong apo." Bati ko kaagad kay lola pagbaba ko ng bike ko. Lumaki ako sa  puder niya mula ng mamamatay ang mga magulang ko.

"Kamusta ang lakad mo anak?" Tanong niya sakin na may halong pag alala. Alam ni lola na maraming may ayaw sa pagtugtog ko.

"Ganun pa din po la. Sanay na sanay na naman po ako eh. Hindi na bago yun."

"Ikaw talagang bata ka. Dumaan kanina sina Ronnie hinahanap ka. May lakad daw kayo. Pasaan na naman kayo?" Tanong niya sakin.

"Huh? Bakit nam---. Shettt oo nga pala. Sige po la. May pupuntahan pa pala ako. Bye lolaa!"

Takbo na ang ginawa ko sa sobrang pagmamadali dahil nakalimutan kong mag aauditon nga pala kami ngayon. Bat ko pa kasi nakalimutan.

"Oo na, papunta na nga. Saglit lang"  sagot ko sa tawag ni Ronnie sakin.

"Rian bilisan mo, malapit na tayo eh. Ngayon ka pa talaga nakalimot eh."

"Taxii!" Sigaw ko nang may dumaan na taxi sa harap ko. "Sa White Ent. po kuya. Pakibilisan nalang po."

Bumaba agad ako pagkabigay ko ng bayad kay kuyang driver. Sayang yung sukli ko huhu. Chineck ko muna kung okay ang dala kong gitara. Pagdating ko sa venue ay nasa stage na pala sina Ronnie at Ryan.

"Ronnie, Ryan, Rian. Asan ang isa? Dapat nagsisimula na kayo."

"Na traffic lang po ata si Rian, papunta na din daw po siya eh." Kumaway ako sa banda nila para sabihing andito na ako. "Ayan na po siya ma'am."

"Bilisan mo Rian. Bilis kasi". Pagmamadali sakin ni Ryan.

"Pwede na kayong magsimula." Sabi ng isa sa panel of judges ata yon.

"1, 2, 3---"

"Rian yung gitara mo" napakunot noo naman ako sa sinabi ni Ronnie. Gitara? Andito yung gitara ko ah.

"Andito ah, andito o---." Napahinto ako ng marealize na hindi ko hawak ang gitara ko.

"Hehe sorry po." Napapahiyang kinuha ko ang gitara ko. Hindi ko kayang tumingin sa judges dahil sa hiya. Sigurado akong masama na ang titig nila sakin ngayon.

"Wag kang kabahan Rian. Kaya natin to" pampalakas loob sakin ni Ryan na siyang pinakamalapit saking pwesto. Siya kasi ang nasa drums, tapos gitara kaming dalawa ni Ronnie.

Tingggggggg--

"Rian ano yan!?"

Nahihiyang nag angat ako ng tingin sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko inaasahang mapuputol ang isang string ng gitara ko. Okay pa naman to kanina nung ginamit ko eh.

"Sorry po talaga, sorry po."

Naglalakad na kaming tatlo pauwi ngayon. Hindi ako nagsasalita dahil hiyang hiya talaga ako sa kanila. Nalate na nga, pumalpak pa. Hays.

"Antahimik mo ngayon Rian. Parang hindi ikaw yung kasama namin ah. Hoyy Ryann! Dalawa lang ba tayong naglalakad ngayon?"

"Naku Ronnie, siguro nga. Hindi nagsasalita yung isa eh."

"Kasi naman eh! Sorry talaga mga pre. Dahil sakin-hik, napahiya kayo-hik!" Opo, umiiyak na talaga ako. Grabeng kahihiyan talaga ang ginawa ko kanina eh.

"Awww yung bunso namin umiiyak. Tahan na Rian, madami pa namang auditions jan eh." Pagpapatahan sakin ni Ronnie.

"Ron, bili tayo ice cream, nagpapabili lang ata yung bunso natin eh." Dagdag naman ni Ryan.

"Di kayo galit sakin mga pre? Syempre pangarap niyo yun eh. Tapos andun na, tapos tapos, wahhhhhhhh! Sorry talaga huhuhu!" Sabi ko pa.

"Natin. Pangarap natin. Naku, Wala nga yun eh." Sabay nilang sabi. "Teka Ron, wala ka bang nararamdaman? Parang may kakaiba eh." Biglang sabi ni Ryan.

"Huh? Anong kakaiba oy? Wag kayong magbiro ng ganyan!" Kung kanina naiiyak ako, ngayon natatakot na ako!

"Oo nga Ry eh. Kala ko ako lang nakaramdam non." Dagdag naman ni Ronnie. Putek talaga oh! Alam ko namang pinapagaan lang nila ang loob ko, pero wag naman sanang ganito!

"Isa, dalawa, tatlo takbo!"

Kumaripas ako ng takbo pagkasabing takbo ni Ronnie.

"Hahaha ang epic mo Rian, grabe! HAHAHAHA dapat nakita mo yun eh!"

"Naku sinabi mo pa. Pucha HAHAHAHA"

Tumigil ako sa pagtakbo ng narinig ko silang tumatawa. Napangiti ako. I felt relieved. Alam kong hindi sila galit.

Ronnie Jimenez, Ryan Lu at ako, Rian Kendra Saldovar. We're siblings by heart. Mga kabataang pinagtagpo dahil sa pangarap na magtagumpay sa larangan ng musika. We're binded by our love and passion in music. Pinupuna man ng karamihan dahil sa aming mga kakulangan, kami ay patuloy pa rin sa pag abot ng aming mga pangarap.

"Ice cream tayo mga pre bilis. Nagutom ako kakatakbo eh". Nakangiti na ako ng lumapit sa kanila.

_____________________________

Song: A Little Braver by New Empire. I'm also a fan of New Empire, lalong lalo na po ang song na yan hihi.

Dreamers Where stories live. Discover now