Dream 11

0 0 0
                                    

Dream 11

"Where have you been?"

Tanong niya agad pagdating ko sa bahay.

"Naligaw ka yata?" sarkastikong sagot ko.

"Ano ka ba naman Rian, ngayon nga lang ulit nakadalaw yung kuya mo eh kasi sobrang busy nyan." singit ni lola dahil nararamdaman niya siguro ang tensyon sa pagitan namin ni Marck.

"Yun na nga lola eh! Bat pa siya pumunta dito eh SOBRANG BUSY nga niya?" sagot ko kay Lola habang nakatingin kay Marck, while emphasizing the word sobrang busy.

"Eh naku, maiwan ko na nga lang kayo jan! Lalabas na muna ako. Mag usap kayong dalawa jan at wag na wag kayong magbabasag ng gamit jan ha!" huling sabi ni Lola at lumabas na.

Nang nakalabas na si Lola ay iniabot si Marck na maliit na sobre sakin. Ano naman to?

"Hindi ko kailangan ng pera." tanggi ko agad kahit di ko pa naman alam kung ano talaga ang laman nun.

"I didn't say it is money." sagot niya agad.

Eh? Kung hindi pera, ano yun?

Hindi ko parin kinukuha ang sobre sa kamay niya, pero hindi ko inaalis ang tingin ko dun.

Sa inis niya siguro ay siya na rin ang kumuha ng laman niyon.

"Here." Binigay niya sakin ang laman ng sobre.

Woah! I did not expect that he will be giving me this! I thought he's against it?

"It's a VIP pass to our mall show on friday, next week. I can't stand seeing you there uncomfortable because of the loud fans." naiilang na sabi niya sakin.

Gusto ko mang ngumiti ay hindi ko magawa. I don't want him to think that I'm enjoying this scene because I don't, really. Maybe it's my pride talking, I don't want to give him the satisfaction that after a while, he's acting like a brother to me.

He chuckled. Napa angat ako ng tingin doon. I glared at him.

Nagring naman ang cellphone niya kaya tumalikod na muna siya sakin. I used that chance to walk into my room.

Habang tinitingnan ang hawak kong papel ay  hindi ko na mapigilan ang pagngiti. This will be my first time going to a mall show with a VIP pass.

Biglang may kumatok sa kwarto.

"I'm going now." Paalam niya sakin.

"Uhmm, tha...thank y..you." I awkwardly said.

"Hm? What did you say?" Tanong niya sakin kahit alam ko namang narinig niya.

"Wala, matutulog na ako." sabi ko sabay sarado ng pinto.

Dumiretso ako sa may bintana ng kwarto ko para tingnan kung nakaalis na siya, and yeah, he left already.

"I really missed you kuya..." bulong ko habang tinitingnan ang sasakyan niyang paalis na.

Nilagay ko na muna ang ticket sa ibabaw ng study table ko sa tabi ng kama ko at pinagmasdan ang nakasulat dito.

"New single?" basa ko doon. May bago na naman pala silang kanta. Nice.

Pumunta na muna akong banyo para maligo dahil ang lagkit ko na. Kanina pa ako pawis na pawis dahil sa practice eh.

Kumuha na rin ako ng pampalit at dumiretso na ng banyo.

"Rian! Baba ka na.. kakain na tayo." Rinig kong sigaw ni lola sa baba.

"Opo!" Sagot ko nalang at pinagpatuloy ang ginagawa.

Bumaba na rin ako pagkatapos kung magbihis. I just wore my cute pink pajamas and white oversized shirt as my pantulog.

"Bat umalis agad kuya mo? Pinaalis mo ba?" Lola said while giving me stares.

"Hindi ko pina alis yun." Tanggi ko dahil hindi ko naman talaga siya pina alis ah!

Kumain nalang kami ni lola. Wala naman na siyang sinabing iba dahil nakikinig siya ng balita. Hinayaan niya lang kasing bukas ang tv sa sala dahil makikinig daw siya ng balita. Paulit ulit lang naman niyan eh. Tss.

Umakyat na din ako pagkatapos dahil wala akong balak samahan si lola sa panonood. I'm not into tv news, nakaka antok eh.

Kinuha ko ang cellphone ko sa may study table hoping for a message from Jin, but there's none.

"Tawagan ko kaya?" tanong ko sa sarili ko. "Wag nalang, baka may ginagawa yung tao."

Tama tama. I nodded. Kaya napagpasyahan ko na munang magbukas ng social media accounts ko, IG, Twitter and FB.

"Watch out for the new single next week Cruders! And see you also on our mall show!" basa ko sa unang laman ng news feed ko.

Recently, palagi kong nakikita ng malapitan ang The Crudes, pero hindi ko talaga maipaliwanag ang excitement ko ngayong may mall show na naman sila. Maybe because I became a fan not because of their looks but because of their talents. Yeah, that's it.

Nicheck ko din ang mga messages ko and to my surprise, ang daming classmates, schoolmates and even some of the teachers are sending me messages! How did they knew about us being trainees? Oh yeah, I forgot, sinundo nga pala kami kanina ng company van. That itself is already a news.

"Ronnie added you to group."

Ano na naman kaya to? Nicheck ko na din ang gc na yun.

"Oh, meron pala nito." GC pala namin kasama ang manager. Wait, may gc na kaming tatlo dati ah. Dapat ni add niya nalang ang manager namin dun.

Tatawagan ko na sana si Ronnie nang may tumawag sa kin. Bigla akong kinabahan ng makita kung sino iyon.

Jin calling...

Instead of tapping the answer button, I accidentally tapped the decline button. What did you just do Rian?

Tatawagan ko na sana ulit siya but to my surprise, he's already calling me.

This time, I made sure I tapped the answer button.

"Uhm, hi!" sagot ko sa tawag niya. "Na decline ko kanina, sorry."

He chuckled before answering me. "Hey! You okay?" tanong niya sakin.

Napangiti ako. Just by hearing his voice makes me smile.

"Bakit naman hindi?" tanong ko din sa kanya.

"Nothing, I just asked."

Bat kaya english ng english ang taong to?

Hindi ako nagsalita at ganun din siya. We were just listening to each others breathing through the phone.

"Still there?" he asked. "Maybe I'll just call next time. You sound tired."

"Ah sige. Medyo napagod din kasi ako eh."

"All right. Good night then. See you tomorrow." He said then ended the call.

I sighed heavily after the call. Dun ko lang narealize na pinipigil ko pala ang paghinga habang kausap siya! Just what the hell!

Ang planong pagtawag kay Ronnie ay hindi ko nalang ginawa. Alam ko kasing maaasar lang ako dun and I don't want to let him ruin my night.

Humiga na ako pagkatapos. I guess I'll be having a really good sleep tonight.

_____________________________________________________________

Dreamers Where stories live. Discover now