Dream 8
"Because of you I never stray too far from the sidewalk
Because of you I learned to play on the safe side so I don't get hurt
Because of you I found it hard to trust not only me but everyone around me
Because of you
I am afraid...""Nice voice..."
Napalingon ako ng may narinig.
"J...JB.." utal kong sabi.
Nagulat ako dahil akala ko ako lang ang narito ngayon sa rooftop. Dito ako dumiretso pagkatapos namin lumabas ng conference room kanina.
Napatulala ako dahil narealize ko na andito si JB sa harap ko. Oh. My. Gosh. It's Sejin Bryle Cruz! Alam kong mukha na akong tanga ngayon dahil sa pagtitig sa kanya but can you blame me? Hindi lahat ng fans ay nabibigyan ng opportunity para makita ang idolo nila ng ganto kalapit!
JB wearing black casual long sleeves partnered with dark maong pants and white shoes is standing in front of me! I am so amazed because he is smiling right now when we, fans, knew that he has this usual poker face expression.
JB chuckled.
What the!? Mas lalo akong napatitig ng tumawa siya. Oo alam kong gwapo siya pag hindi nakangiti, pero hindi ko aakalain na may igagwapo pa pala siya ngayong nakangiti na siya!
"Are you done staring?" he asked me.
At kinausap niya pa ako! Fangirl's dream number one: check!
"Huh? Ahhm sorry..." ngayon lang ako tinablan ng hiya. "S...sige, baba..bababa na ako..."
Pababa na ako ng marinig ko ulit siyang tumawa. He laughed omg! Not just once!
"Relax missy, I don't eat..." natatawa niya pa ring sabi.
Get yourself together Rian! Wag mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng idol mo!
Sumandal si JB sa may railings nitong rooftop, nakatingin pa rin sakin.
"You can stay if you want to, I don't mind..." he said.
Like what he said, he doesn't mind me being here so I stayed at humarap nalang sa railings.
"So you're a trainee here..." it wasn't a question, it was a statement.
"Yes, pinalad eh..." sagot ko nalang, ngayon mas maayos na dahil naka adjust agad ako.
Mabilis akong maka adjust. First meeting, I act like an idiot who doesn't know what to do or what ti say, but when I found this person comfortable to be with, I can be who I am and luckily, I found JB to be comfortable with. Hindi ko alam pero kasi feeling ko this is not the first time I was alone with him, which is not so true.
Nilingon niya ako ng sinagot ko siya ng walang halong kaba.
"Wow. You're not stammering anymore..."
"Yeah, I am adjustable..." nagawa ko pang mag joke kaya natawa din siya.
"Nice..." he said while smiling.
"I never knew you can laugh..." di ko na napigilan kaya sinabi ko na ang gusto kong sabihin kanina pa.
Upon hearing those words, he immediately went back to his old self, the poker faced JB.
"Did I?" saad niya na ngayon ay wala ng mababakas na tawa.
Napangiti ako.
"Maybe you're just seeing things..." tanggi niya pa.
"Well I guess I am..." sagot ko nalang.
Iniwan ko siya doon sa rooftop dahil sa tingin ko'y gusto niyang mapag isa doon. Bumaba na rin ako dahil baka hinahanap na din ako nila.
"Tommorow will be your first official practice as trainees. We already informed your school na palabasin kayo ng 1 pm dahil that is the start of your practice till 6."
School sa umaga, practice in the afternoon then home. Nice, I guess may nadagdag sa usual routine ko.
Binitawan na rin kami bandang alas tres at pinauwi na. Si Ryan ay may pupuntahan daw ganun din si Ronnie, kaya heto ako ngayon naglalakad sa aking paboritong tambayan.
"Jin?" tanong ko nang mamataan siyang nakaupo mag isa sa bench. Black longsleeves, cap then scarf. Pangit kaya to kaya tinatago niya ang mukha niya?
"Rian." sagot niya.
"Pamilyar talaga ang boses mo eh. Hindi ko lang talaga maalala kung saan ko narinig..."
May nakita akong nagbibenta ng ice cream kaya bumili ako ng dalawa.
"Oh..." bigay ko sa kanya.
"I don't eat dirty ice cream..."
"Tss, arte. Kunin mo na, sayang din kung itatapon ko lang..." pilit ko sa kanya kaya kinuha na din niya.
Nakaupo lang kami doon habang kumakain ng binili ko. Natawa pa ako dahil kinain din naman niya at ang bilis pa niyang naubos iyon.
"Alam mo bang--" naputol ang dapat sasabihin ko paglingon ko sa kanya. Para siyang natutulog. Hindi kasi makita ang mukha niya dahil sa cap at scarf.
"Jin?" tanong ko para masiguro kung natutulog ba talaga siya.
Naawa ako sa posisyon niya kaya nagmagandang loob nalang ako na lumapit sa kanya. I placed his head carefully on my shoulders. I wonder how he looks like. Kunin ko kaya ang sombrero niya? Kaso baka magising kaya wag nalang and also, I respect his privacy.
"Rian..."
Hmm? Oh shoot! Nandito nga pala ako sa park.
Napatayo ako bigla ng na realize kung ano ang position ko ngayon. Huling alaala ko ay nilagay ko ang ulo niya sa balikat ko, pero ngayon... ako na ang nakadantay sa kanya. Hindi lang sa kanyang balikat kundi nakasandal ako sa dibdib niya! Siguro kung nakita kami ng ibang tao ay iisiping couple kami dalawa.
Well, ang bango niya tapos ang tigas pa ng dibdib. Parang nagwowork out. Ano ba tong iniisip ko!
"Sorry, mabigat pa naman ako."
He chuckled. "Oo nga, ang bigat mo."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Mabigat ba talaga ako?
"Just kidding... Madilim na, hatid na kita." he offered.
Choosy pa ba ako?
Naglalakad kami ngayon pauwi sa amin. Hinablot niya ang kamay ko ng biglang may dumaan na mabilis na motorsiklo.
"Dito ka nalang, baka masagasaan ka pa..." he said while still holding my hand.
Parang anliit tuloy ng kamay ko dahil sa kamay niya.
Hanggang sa nakauwi ay hawak niya pa rin ang kamay ko.
"Dito na ako." sabi ko.
"Pasok ka na." his voice is a bit muffled maybe because of the scarf.
Lumingon lingon siya sa paligid namin kaya sinamantala ko yung pagkakataon. Tumingkayad ako para maabot siya to give him a peck on his cheeks.
"Good night..." sabay takbo ko papasok sa loob. "Nakakahiya omo" I giggled.
"Dapat tiningnan ko nalang ang mukha niya edi sana kilala ko na siya." bulong bulong ko habang nakahiga sa kama.
_________________________________________________
Song: Because of you by Kelly Clarkson.
YOU ARE READING
Dreamers
Fiksi Remaja||ON- HOLD|| "You'll never know unless you try." --**-- Date started: 07/19/20 Date completed: ----