Dream 4

1 1 0
                                    

Dream 4

Rian's POV

Ang napagkasunduang lakad kinaumagahan ay natuloy talaga. Nagkita kami sa sakayan at sabay na pumunta sa venue ng audition.

Pagdating namin, labas palang ng building ay malalaman mo nang mga bigatin ang mga taong nagtatarabaho or more like, sikat na sikat ang mga galing dito. Kung titingnan, aabot ng 28-30 floors ang building na may nakalagay na logo ng agency sa taas.

Pagpasok sa loob ay sumisigaw ng karangyaan. Sa bawat gilid ay naroon ang naglalakihang mga poster ng mga artistang kilalang kilala ngayon. Ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang poster na nakapaskil sa may pinakagitna.

"The Crudes". Basa ko sa nakasulat. Mukha nilang lima ang nandoon na nakasuot ng formal suits. All black and white.

"Are you here for the audition?" Tanong samin ng mukhang staff.

"Yes." Sabay naming sabing tatlo.

"School?" The staff asked, again.

"Del Pilar High."

Inakay kami ng staff papunta sa tamang room ng audition. It was an auditorium-like room but smaller. It can cover up to 50 to 70 persons only but the stage is, sort of, pang concert. Parang mas binigyang emphasis ang stage kesa sa mga upuan dito. Well, siguro mga private or intimate affairs lang ang pwede dito.

Totoo nga ang sabi ni Sir Bong. Isang kalahok lamang ang dapat bawat paaralan. Sa tingin ko ay seven schools ang nandito ngayon kaya hindi masyadong crowded ang space. Ang ibang mag aauditon ay puro mga babae, maybe aiming for a girl group, some were just solo, others are in the form of idol group but mostly, like us, bands.

"Uy bunso, natahimik ka na ah. Okay ka lang ba? Are you nervous? Nagugutom ka ba? Ano?"

Natawa naman ako sa sunod sunod na tanong ni Ryan. "Wala, nanibago lang. Andami pala tapos akala ko kasi puro banda lang."

Well, that was Sir Bong told us. Pero andito na din kaya, kakayanin namin to. Tama tama!

Minutes later then we were called to be ready dahil magsisimula na. We were number 3.

Nagsimula na ang audition at mas lalo akong kinabahan dahil ang gagaling ng mga nauna samin. The two boys look unbothered, or maybe not.

"Number three."

That's it! Kami na. It's our turn. Dala ang gitara ay nagtungo na kami sa stage.

Magsisimula na sana kami ng may biglang nagsigawan sa may bandang entrance kaya napatingin na rin ako.

In front are the five boys screaming with elegance. The Crudes. They are here. Kung nasa baba ako ay paniguradong isa din ako sa mga nagsisigaw ngayon. That's The Crudes for Pete's sake!

Hinagilap ng tingin ko si Marck, and to my surprise, he's staring at me, darkly. Nagtagal ang aming titigan that others are already eyeing us two, a bit bothered by our staring contest. Maybe others are already concluding that we are a thing, amd my brother didn't seem bothered by those stares.

"Hoy Rian ano na? Tama na yang titig jan, matunaw yan oh." Saway sakin ni Ronnie.

Right. Wala nga palang alam silang dalawa. Dali dali na rin kaming nagsimula ng tumila na ang sigawan kanina.

Nagsimula na rin akong kumanta kasabay ng pagtugtog ko ng gitara. Napatingin ulit ako sa harapan and again, my eyes found my brothers. Nagpatuloy lang ako sa pagkanta habang nakatingin sa kanya.

Marck's band is now staring at me curiously. Siguro iniisip nila na may something samin kasi kanina pa kami titig na titig sa isa't isa. Hinagilap ko ng tingin ang bawat miyembro ng banda habang patuloy sa pagkanta.

El is grinning widely at me, Don's just listening while we play, Rain's flashing the same grin as El's while there's JB who's staring at me intensely. Nagtaka naman ako sa pagkatitig niya dahil I've never met him. His stares are giving me chills that made me felt a little awkward and conscious. May binulong siya kay Marck while looking at me.

Nagsalubong naman ang kilay ni Marck pagkatapos ng bulong ni JB. Wait. Don't tell me alam ni JB na kapatid ako ni Marck? But it didn't seem that way.

Tinapos namin ang kanta at nagpasalamat sa mga judges. We were told that the results will be out maybe next week kaya ico- contact nalang daw ang aming school for the results of the audition.

Pababa na kami ng stage ng namataan kong paalis na rin ang banda. Nilingon ko ang mga kasama ko at nagulat sa tinging ipinupukol nila sakin. They are watching me with those accusing eyes. Maybe if looks can kill, I'm definitely lying already on the grounds.

"You owe us an explanation." Sabi ni Ronnie at nauna na pababa ng backstage. I was shocked the way he said those words, coldly. He isn't that way before. He's always the jolly type kaya nagulat ako.

"He's just confused bunso. Grabe din kasing titigan yun kanina sa dalawang idol eh. Ano? Crush mo yun diba?" Asar sakin ni Ryan. Well, Ryan's like the Kuya among us three while Ronnie and I are just, a bit childish.

Kinuha agad ni Ronnie ang kanyang gamit at dali daling lumabas na, without waiting for us. Mabilis din namin siyang sinundan palabas but in the hallways, there stood Marck gazing at me like he's been waiting for me this time. Nang nakita niya ako ay lumapit siya sakin.

"Follow me."

Iyon lang ang sinabi niya at umalis na expecting me to follow him. Nang siguro ay napansin niyang wala akong planong sumunod ay huminto siya at tiningnan ulit ako. Napatingin naman ako sa paligid only to find out some stares from different personalities.

Nakayuko akong sumunod sa kanya para hindi na makadagdag sa atensyong nakukuha ko.

_____________________________________________

Dreamers Where stories live. Discover now