Isa.

121 2 1
                                    

ISA.

"Nay ako na po dyan" sabi ko kay nanay , dala dala nya kase yung mga paninda nya para sa araw na ito, sasabay na lang ako kay nanay sa paglalakad para may mabawasan naman yung bibitbitin nya .

"O' ito na lang ang dalhin mo, mabigat yung iba baka madumihan pa yang uniform mo at hindi ka pa makapasok alam mo namang nag-iisa lang yan " sabi ni nanay , kinuha ko yung binigay ni nanay pero kumuha pa rin ako ng isa pa.

"Hay napakakulit talaga , O sya tayo'y lumakad na magpaalam ka na sa tatay mo" napangiti na lang ako sa sinabi ni nanay , lumakad ako papunta kay tatay at nagpaalam na.

Heto kami ni nanay at tahimik na naglalakad. Si nanay isa syang tindera, nagtitinda sya sa may palengke ng palaman ng tinapay, mga lutong ulam, at mga matatamis. Lahat ng tinitinda ni nanay ay gawang bahay , tulong tulong kami sa pagawa ng mga paninda. Si tatay naman isa syang trabahador sa isang factory.

Ako naman isang estudyante sa isang kilalang eskwelahan , paano ako nakapasok simple --scholarship yun naman palagi e , i think hindi naman ako ganoon katalino, masipag lang ? Idk. Ayokong magbuhat ng sariling bangko.

" Nak eto na yung baon mo ha , tipid tipid muna tayo ha " sabay abot sa akin ng baon kong pagkain at pera.

"Opo nay sige po , ayaw nyo po bang ihatid ko kayo sa pwesto ?" Tanong ko .

"Huwag na baka malate ka pa " tumango naman ako , maaga-aga pa naman kaya maglalakad na ako papunta sa school. Sa Orlaine Academy (OA) ako nag-aaral , kilala ang OA dahil sa malawak ito at magagaling nitong estudyante. Simula kase pre-school , kinder , elementary, highschool, college ay hinahawakan ng school , simula Gr. 7 lang naman ako lumipat dito sa Orlaine nakakainis nga at naabutan pa ako ng K12 mas dadami gastos nina nanay at tatay ,hindi naman kase ako yung fully scholar na estudyante , ang alam ko ang binabayaran lang nina nanay ay ang books e , alam ko aabot ng 30000 ang books namin sa iba kase ito kinukuha.

Buti pa sa Public libre books , computer fee at pambayad lang sa Janitor dati kase akong sa public , ang gusto ko nga sana e Public pa rin nung Gr.7 ako kaso ang sabi nina nanay mag Private daw ako para makaranas daw kahit malaki ang bayad.

Laking pasasalamat nga namin at naging scholar ako basta maintain lang ang grades. Balak ko nga sana ngayong year, ngayong Grade 10 ako ,kausapin ko yung isa sa office kung pupwede na i-fully scholar na ako , para wala ng po-problemahin sina nanay at tatay.

Andito na ako ngayon sa Orlaine Academy. Kitang-kita yung mayayaman na mga estudyante nagpapayabangan ng mga bagong bag , gadgets , sapatos basta kung anong pwedeng ipagyabang nila sa buhay nila.

At kami yung mga scholars eto walang ipagyayabang na mga ari-arian, pero sana balang-araw magkakaroon kami ng mga ari-arian. Ang maipagmamayabang na lang namin ngayon e yung mga utak at sipag namin yun lang.

"A-aray ! " sabi nung babae, na nakaupo na sa may sahig at hinihilot yung ibang parte ng katawan nya , yung mga gamit nya naman nasa sahig at nakakalat.

Aalis na sana ako kase 25 minutes na lang at klase na.

" hoy ! Miss hindi mo ba ako tutulungan ikaw kaya nakabunggo sa akin ! " napalingon ako .. ako ? Ako talaga ? Ba't di ko man naramdaman , tinuro ko pa yung sarili ko.

" ako ? " sabi ko.

" Oo ikaw .... Ahh a-aray ko " sabay hilot hilot nya pa yung puwetan nya.

Tumakbo naman ako papunta sa kanya . Ba't di ko naman namalayan na nabunggo ko na pala sya. Hindi naman ako nag s-space out hayss ! Matulungan na nga lang.

Kinuha ko na yung mga gamit na bumagsak ,at tinulungan ko na rin syang tumayo.

" ahmm ? Ah yung gamit mo .. sorry talaga ! Di ko namalayan na nabangga na pala kita sorr--" pagpapaumanhin ko.

Simula Pa Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon