Entry #9

421 12 0
                                    

"O? tara na" Sabi ko sa kanya. Nakaupo parin kami sa bench e.

"Tsk." Sabi ni Ivan na halatang iritable.

"Sakay tayong space shuttle" Yaya ko sa kanya

Bigla naman s'yang napatingin sa pagkataas taas na rides na yun. WAIT TAKOT BA SYA SA HEIGHTS?

"Dont tell me takot ka?" accused ko sa kanya.

"Hindi ah, huli natin yan, teka nga bakit ikaw nagdidikta kung san tayo sasakay?!?"

"E GUSTO MO LANG KASI MAUPO E!!"

"Pasalamat ka nga sinamahan na kita dito e"

"NYENYE! "

"ANO!"

"ALA! GWAPO MO KAKO!! "

"GOOOD!!"

"binge naman" Bulong ko, kitam di n'ya narinig! bingi talaga.

Pumila kami sa Anchors away. Yung Pirate ship ride. Nanunuod kami ng hiyawan ng mga tao na sumakay. Parang isisway yung bangka Right Left Right Left, tapos pataas ng pataas. Turn na namin ni Ivan, gusto ko sumakay sa pinaka dulo para mas maganda. Hinatak ko s'ya don pero para syang linta na di natinag sa kinatatayuan nya.

"OY! don tayo! Sa taas, dali "

"Naiihi na kasi ko tara na kaya "

"TAGAL TAGAL NG PINILA NATIN E" NAKAKAINIS NA S'YA!!

Aakto syang baba na sa exit, pero hinablot ko s'ya at dinala sa dulo.

Tapos naupo na kami dun tapos nilock na ng staff yung mga seatbelt na bakal.

"Duwag ka lang e"

"Di ako duwag mahihiluhin ako! "

"Hindi yan basta hihiyaw ka lang pag nasa taas ka na"

*CHUG-CHUG-CHUG*

"o ayan na!! HUUUUUUUUUUU! " hiyaw ko.

S'ya nakahawak lang sa bakal. At mukha ngang takot s'ya sa height! Hahaha. Yung mukha n'ya parang nagaalalang ewan.
hiyaw ko sa kanya .

"Wag ka pumikit!! " sabi ko sa kanya, paano n'ya maeenjoy kung pipikit lang s'ya.

Pataas na kami ng pataas at parang slowmo na yung pagbaba nya.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH" napaka lakas ng hiyaw nga. HAHAHAHA.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH" Nakisabay din ako sa kanya.

Pabagal na ng pabagal yung rides. At mukhang okay na si Ivan. Bumaba na kami pero sabi n'ya bagalan daw namin yung lakad kasi nahihilo na s'ya

"Don muna tayo sa Swan lake para matangal hilo mo"

Nagpunta na kami dun, buti walang pila kaya nakasakay agad kami.

"Si Ivan Lawrence takot sa heights! ano kayang sasabihin ng mga babae sa school pagnalaman yun"

"Di nga ako takot sa height! mahihiluhin lang ako!" Tangi nya

"Sinabi mo e"

"TSS.tangal na hilo ko tara na"

Kung saan saan kami sumakay at nagpunta rialto, jungle log jam, grand carousel. Etong isa ang arte! kelangan pa ng pilitan pero Sobrang enjoy.

"Doon na tayo sa Rio grande pagkatapos natin mabasa sa SPACE SHUTTLE NA TAYO!! "

SHE 'S MARRYING THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon