Entry #6

516 12 1
                                    

Nagiintay na ko sa gate, sabi ni Lewin dito ko daw sya hintayin e, tumingin ako sa bintana ng sasakyan, inayos ko yung buhok ko tsaka yung damit ko, haha feeling ko naman ipapakilala ko sa magulang hahaha feeling ko naman girlfriend ako!! wag kang assumera Nathalie! Hindi ka frog! DYOSA KA! mwahahaha

"Hey  Nathie,  kanina ka pa ba dyan, may dinaanan pa kasi ako e"

"Hindi naman, kakadating ko lang din "

"Tara na, " Hinawakan nya ko sa balikat para ilead sa daan, pero tinangal nya din agad!! PAG-IBIG NA ITUU!

Dumeretso kami sa parking lot, grabe sasakay kami sa isang red jaguar na sasakyan! WOW! parang  ayokong hawakan ah! Ang kinang e.Pinagbuksan nya ko ng pinto. A perfect gentleman. Sa sasakyan nakikinig lang kami ng music, soft music lang.

Huminto kami sa isang resthouse, tambayan lang nila to! Woah! Pinagbuksan nya ko ng pinto at pumasok na kami sa loob. Pagpasok pa lang maririnig mo na yung ingay nila. Nasa backyard sila at nagluluto ng barbecue yung iba nagswiswimming sa pool.

"HI EVERYONE!!" Napalingon naman silang lahat  kay Lewin at napatitig sakin. Sabi nung babaeng kulot na mukhang barbie.

"Si Nathalie, friend ko" Ngumiti naman ako sa kanilang lahat

" I'm Chad " sabi nung lalaki naka salamin na mukhang korean

"Erica!" yung mukhang barbie

"Vivian" Sabi nung babaeng mukhang supermodel

"Drew " Mukha naman ang seryoso nito!

"Lewin , di mo namang sinabing mga  model pala yung kaibigan mo"

"I like you na hah Nathalie you're so honest"

"Model ka dyan, baka takas sa mental"

Pagkatapos namin kumain, nasa sala na yung mga lalaki naglalaro ng Xbox, kami naman nila Erica at Vivian nandito sa  Kusina, nagbabake si Vivian e.

"Alam mo, sa tagal na naming magkakaibigan ni Lewin, ngayon lang sya nagdala ng babae dito" sabi ni Erica

Nakakatuwa naman pala.

"Magkaibigan lang naman kami e"

"hahaha wala naman akong sinasabi ah! ikaw ah !!" Tease  ni Erica

Namula naman ako bigla , argh! ASSUMERA !

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

IVAN POV

POTA! Bakit ba iniisp ko pa din yung babae na yun! Lintsak! E ano kung ayaw nya sakin! ABA! Dami daming babae dyan noh. Feeling maganda! Wala namang dede! Flat chested naman! Sa gwapo kong to!

Pinark ko na yung  sports car ko, yung parking lot mukha ng car show dahil sa sports car namin. Pagpasok ko sa loob nasa sala sila Chad.Napatingin sila sakin lahat! GWAPO KO E ! Sa katunayan ako ang pinakagwapo sa lahat.

"YOW MAMEN BRO!" Bati nila na parang mga cool kid sa america.

"Yow dude" Tsaka namin ginawa yung famous handshake namin tsaka kami patalon na nagbangaan ng mga dibdib. Mga mongoloid talaga sila.

"Si Chad, may kasamang Chika babe!"

Wala pang pinapakilala kahit isang babae samin si Chad, simula nung mabasted sya nung nililigawan nya, ngayon palang , kaya BigDeal talaga yun samin. Akala nga namin bading toh e.

SHE 'S MARRYING THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon