Entry #12

489 7 5
                                    

Nandito kami sa penthouse. At gulantang na gulantang sila sa balita. Nakaupo kami lahat sa sala, lahat sila nandito kumpleto ang barkada. Nang malaman nila Vivian, Chad, Erika, ang tungkol sa sinabi ni Ivan na agad na kumulat sa school dahil may isa pala ang nakapagvideo sa pagkakasambit ni Ivan ng "She's my fiance" na pinost sa website ng H.U  na agad namang kumulat sa iba't-ibang social networking site.

Si Vivian at Erika grabe makatanung daig pa judge. Ipinaliwanag naman namin sa kanila. Siguro mabuti nadin na sinabi na ni Ivan,  hindi naman kasi talaga magtatagal at malalaman din yun ng lahat. Pero halatang di sila makapaniwala at akala pa nila ay nangtitrip lang kami ni Ivan.

Dumapo naman ang tingin ko kay Lewin na kanina pa tahimik. Bakit kaya? Nalungkot ba s'ya? At bakit? dahil ba sa nalaman n'yang fiance ko si Ivan? Assuming ka Nathalie, yan ka na naman e Baka naman may ibang dahilan.

"Ivan, paano ba yan tali ka na pala e " pang aasar ni Chad.

"Ulul!" Inis na sabi ni Ivan kay Chad.

Nangaasaran sila at pamaya-maya naisipan nilang magvideoke pero wala sa mood si Lewin kaya mauuna na daw s'ya umuwi. At napansin naman ng lahat yun, parang ang awkward nga e.

*****

Gabi na. Napagdesisyunan ng lahat na dito nalang matulog lahat sa penthouse. Pinahiram ako ng damit ni Erika dahil may mga damit na sila dito dahil madalas din na dito nalang sila natutulog kapag naisipan. Magkakatabi kami ni Erika, Vivian sa isang  dalawang kamang pinagtabi. Girl night daw, yung mga lalaki kasi nasa ibaba pa din nagiinuman.

"Nakakatuwa naman tatlo na tayo noh Vivian" sabi ni Erika kay Vivian

"Oo nga e, madalas kasi, Nathalie, kami lang dalawa ang magkatabi dito sa kwarto"

"Ala na ba kayong ibang barkadang babae?" tanong ko.

"Mmm, meron pero nasa Canada e" sabi ni Vivian.

Nakahiga kaming lahat sa dalawang pinagdikit na kama, ako ang nasa gitna nila.

"So nung pinakilala ka ni Lewin samin nung nandito ka alam nyo ng magfiance kayo ni Ivan" curious na tanong ni Vivian.

Tumango ako. "E ewan ko ba, sa totoo lang nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon" I think its about time na magopen naman ako sa kanila I need a friend na mapaglalabasan ko ng problema,

"Matagal pa naman kami ikakasal, next year when I turn 18, and I could'nt imagine myself marrying someone I dont love" I sighed.

"Haay, I understand you, alam ko namang si Lewin ang gusto mo e" sabi ni Vivian.

"HUH?!? hindi ah," pag dedefend ko

"It's so obvious my friend" pangalawa ni Erika. "Nakikita ko kanina na panay ang tingin mo kay Lewin"

"Porket ba gan-" before I could finish my statement Vivian interupted me.

" O ang ilong namamawis, deny pa, alam mo tayong mga babae, malakas ang  radar kaya wag ka na magkaila dyan"

Natawa nalang ako. Parang hindi ka pwedeng humindi sa dalawa na ito wah. Nagkwekwentuhan lang kami ng kung ano anong bagay habang nakahiga at nakatingin sa kisame  hangang sa kung san san na napunta yung usapan tapos bigla na tumahimik si Erika, tulog na pala.

Hangang sa natulog  na din kami ni Vivian.

I miss the feeling, to have a girl best friend at dalawa pa best friends with s, siguro naman matatawag ko na sila na kaibigan, I smiled at the realization I close my eyes until I lost in my dreams.

*********

Papalakad na ko papuntang room at nghihikab pa din ako dahil inaantok pa din ako, hindi na ko sumabay papasok kay Ivan, nagcommute nalang ako, center of attention   kami pag ganun lalo pa at maiinit pa ang issue.

Nakita ko si Lewin at nakita ko na nakita n'ya din ako pero hindi n'ya ko pinansin at lumiko s'ya bigla para di kami magkasalubong. Iiiwasan ba n'ya ko? Tumakbo ako para sundan yung dinaanan n'ya pero di ko na sya makita. Tiningnan ko yung wrist watch  ko  malalate na din pala ko, maya ko nalang s'ya kakausapin.

Dumeretso na ko sa room, bumait sakin ang mga kaklase ko, ang swerte swerte ko naman daw. Pati mga prof. Okay? Anung nangyari? Ang akala ko pa naman kukuyugin ako ng mga fans ni Ivan? nalaman lang nila na fiance na? Ganern? .

Nagsusulat lang ako sa likod ng notebook ko, nagdadrawing  ng kung ano-ano  ala ako sa mood makinig sa prof ko. Tapos may biglang  pumasok na na mga studyante para i announce ata  yung event sa isang linggo.

"Okay magkakaroon ng madaming booth, pataasan ng kita ang bawat booth dahil ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa  foundation at mga bahay ampunan"

The whole week walang klase, eto lang ang event na palagi kong sinasalihan every year,  fund-raising kasi sya. Next week na pala yun. Ano kayang pakulo naman ang gagawin ngayong taon.

"For this year, magkakaron kami ng isang  tournament, its like an amazing race, two pairs and the mechanics is katulad lang din nung sa amazing race. may mga gagawin kayo at kung sino ang pinaka mabilis na pair ang  makakagawa nung lahat ng instruction  ang pinili nilang foundation or charities ang tutulungan ng school" paliwanag nila.

"And bawat classroom may representative dapat kaya magkakaroon nalang ng bunutan para fair sa lahat"

Naglagay kami ng name sa isang bowl. Its a charity at lahat gustong mabunot lalo na yung mga attention seeker. Ibobroadcast daw kasi ang game sa school   at ife-feature ang laro sa Big screen ng school. Its a big event.

"Nathalie Samonte"  sabi nung babae habang hawak yung papel ni binunot nya sa bowl.

*****

Sinama ko ng mga committee ng event sa isang room para malaman daw yung pairing nung game. Good thing kasi magkakaroon pala ng extra points ang lahat ng sasali sa game.

Nasa loob kami ng isang conference room  at unti unti ng dumadating yung mga participant. Magkakaroon daw ng 15 pairs.  Ineexplain na nung isang tao sa harap lahat ng magiging laro at kung paano ang mangyayari. At pumasok si Ivan kasama ang yung nga organizer din nung game. Kasama sya sa participant. Ang mga babae naman nangagarap na sana daw sila ang makapair ni Ivan, ang haliparot talaga, dumating lang si Ivan di na nakinig. Natingin naman sakin si Ivan at tumabi sakin. Tss.

Pamaya maya pumasok din sa loob si Lewin. Isa din s'ya sa mga participant. Natingin s'ya s'akin pero umiwas agad s'ya. Iniiwasan nya nga ata talaga ko.

"Okay write again your name at this card magkakaron ule tayo ng bunutan sa pairing nyo. Sabi nung isang lalaki na committee din ng game.

Sinulat ko naman at nilagay na ule sa bowl. At iniaanounce na din nila.

"Charm Megumi and Neil Sparks  "

"Karmen Choi and Gladys Wilson"

"Ken Chui and Xyril Anderson"

.......

"John Lewin Hutchinson and Nathalie Samonte"

Okay magkatabi na kami ngayon dahil magkakatabi ang lahat ng pair, at still nakikinig lang sya at nakatahimik lang.

"Ivan Lawrence and Summer King "

Para namang inis na inis si Ivan sa kapartner nya, Isa ata iyun sa mga stalker nya.

"Ahm.. Lewin? " tawag ko sa kanya lumingon sya pero  parang poker face lang

[to be continue.......]

SHE 'S MARRYING THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon