ENTRY # 16

199 9 3
                                    

Nagising ako sa sunlight na sumisilaw sa maganda kong mukha. Nakahiga na ko sa kama pero wala na si Ivan sa kama, ako nalang magisa dito sa kwarto nya. Teka, anong oras na ba, tumingin ako sa side table at naghehello sa akin ang oras na 8:30. Napa balikwas naman ako ng bangon. Hinayudas na pusang kinalbo! 8 am ang pasok ko. Nagmamadali akong lumabas at dumeretso sa kwarto ko. Di na ko maliligo nagbihis na ko nagtoothbrush tinali ng isang mabilis ang buhok. Pinagsasaksak ko nalang yung mga libro na kelangan ko sa bag ko at nag sapatos wala ng medyas medyas! Sugod na! Agad na kong bumaba. Nakita ko si Ivan na nasa sala at kumakain ng Jollibee, nagpa deliver s'ya.

" Hoy magaling ka na ba? HATID MO KO SA SCHOOL!"

"Ha? E teka magbibihis muna ko, mamaya pa klase kong 1 e" Sabi n'ya na akmang gagayak

"Wag ka ng magbihis! Malalate na talaga ko! May report ako sa Consti ngayon!"

Kinuha n'ya ang susi at agad nyang pinaharurot yung sasakyan nya. Nakakainis, binuklat ko naman yung mga libre ko at agad na nagrerecap sa mga inaral ko. Punyemas. Sana naman payagam ako ng prof ko na mag report pa kahit late na late na ko. 8:40 nasa school na kami, putek! 40 mins na akong late!

"Hoy! Sige mauna na ko"

Bumaba ako ng sasakyan at nagtatatakbong dumeretso na sa room ko.

Pagdating ko sa room si Jhudy na yung nagrereport. Hala!! Pumasok na ko sa loob at kakausapin si yung prof ko na kamukha ni Squidward

"Sir! Pwede po ba kong magreport pagkatapos n'ya? Nagkaproblema lang po kasi kaya nalate ako"

"Hindi na pwede Ms. Samonte, you know thed rules. Magiging unfair sa mga kaklase mo, At isa pa consider ka ng absent dahil 40 mins ka ng late alam mo namang 15 mins lang ang acceptable na late ang nakalagay sa handbook"

"Sir sige na, saglit lang po aki magrereport"

"Im sorry Ms. Samonte pero I can give a special project for you, i sesend ko nalang sa email mo kapag nakaisip na ko ng ipapagawa sayo"

******
Natapos na ang klase ko. Nakakasama talaga ng loob! Ready na ready ako sa report ko e. 35% daw kasi yung ng grade namin! Nakakainis. Nakakainis talaga.

Latang lata akong pumasok ng bahay matutulog nalang ako puyat ako kagabi kasi nga nag nanay nanayan ako kay Ivan. Nahiga ako sa sofa. Walang tao sa bahay Ako lang magisa siguro pumasok na si Ivan. 1 na kasi.

*****
Ivans POV

I parked my car at the garage. Ang dilim, 6 pm na din kasi. Ang dilim na ng bahay. Pagsuksok ka ng susi sa pinto nagulat ako kasi 'di naman pala nakalock at bumungad sakin sa sala ang tulog na tulog na si Nathalie na tumutulo oa ang laway at naka sukbet ba ang bag sa likod. Grabe, nakokonsensya naman ako halatang puyat na puyat sya. Nilapitan ko sya sa sofa at tumalungko ako para maging kalevel ko sya at matiigan ko sya ng maayos. Sa totoo lang maganda naman sya e, masyado lang simple. Masyadong plain na plain. Kibuyog kuyog ko sya para magising.

She open her eyes at pinunasan yunv tulo laway sa gilid ng binig nya at uunat unat

"Ahm, gusto mo magdinner sa labas?" Tanong ko

"Bakit? Anong meron? Di ako pwede e, inaantay ko yung email ng prof ko, nalate ako kanina di ba? di ako nakahabol sa report at quiz kaya may ipapagawa nalang daw sya sakin" Paliwanag ko

"Sorry" Sabi ko, ayan na! Nakokonsenya na talaga ko

"Okay lang noh! Readyng ready pa naman ako sa report na yun dami ko pang hiniram na libro sa library! Okay lang talaga tapos napuyat pa ko kakareview! Okay lang talaga! hahahaha Joke lang! E ganhun talaga"

"Kinokonsenya mo pa ko e nakokonsensya na nga ako!"

"Hahaha joke lang binibiro lang kita pero effective pala"

"Tutulungan nalang kita sa ipapagawa ng prof mo"

Nakokonsensya din pala ang kumag.

"Joke lang noh, tsaka baka mabinat ka noh"

"Magaling na ko noh! Ang galing kaya ng nag-alaga sakin" sabi ko with kumindat pa

"Kilabutan ka nga Ivan!"

"Kunwari ka pa kinikilig ka naman"

"Kapal mo ah"

*****
N

ag lalaptop sya dito sa sala habang ako nanunuod ng TV.

"Ayan na nagemail na yung prof ko" sabi n'ya kaya nakidungaw na din ako sa laptop nya.

Pinapagawa sya ng short research paper about juvenile delinquency.

Kaya pumanik ako sa kwarto ko para kunin din yung laptop ko like I said tutulungan ko sya.

"Tutulungan kita para madali ka matapos"
sabi ko. Nakatingin lang sya sakin at hinipo yung leeg ko at noo ko.

"May sakit ka pa ba? Teka? HINDI IKAW SI IVAN!"

"Tutulungan na nga kita e. Eto naman! "

"Di lanh ako sanay na mabait ka sakin tsaka for the record di mo pa ko sinasagot ng pabalanh ah!"

I just hiss. Grabe naman. Ganon ba ko kasungit!

So yun na nga tinutulungan ko sya at nandito pa din kami sa sala kahit mag aalas dos na. Pero almost done na naman kami kahit pwede naman namin to tapusin bukas since saturday naman pero gusto nya na kasi matapos.

Research dito, type here, type there. Ayun knock out na kami pareho. Nakahiga ako sa sofa, s'ya naman nakadukmo na sa table.

***

(Natalie POV)

Tapos na ko sa research paper ko pero si Ivan naghihilik na sa sofa. Niligpit ko na yung mga gamit para makatulog na kami. Si Ivan kinuha ko ng kumot para naman di lamukin tsaka unan, kawawa naman baka mangawit leeg.

Nakaupo ako sa gilid habang nilalagay ko sa ulo nya yung unan nang bigla nya ko niyakap. Tapos bigla sya dumilat.

"Ay akala ko unan sorry" With that maharot na smirk

"Bitawan mo nga ako! Tsansing ka!" tsaka ko tinakip yung kumut sa mukha na para di sya makahinga

" 'Wag"sabi nya habang tawa ng tawa

"Kapag nahalikan na naman kita kasalanan ko na naman ah"

"ARGH! Bwisit ka talaga, pasalamat ka tinulungan mo ko sa reseach paper ko"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHE 'S MARRYING THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon