ENTRY # 10

427 8 1
                                    

Nathalie POV

Nasinagan na na ng araw yung mukha ko, kasi umaga na, tanghali na pala, SOBRAAANG WIERD NG PANAGINIP KO!! Hinalikan daw ako ni Ivan. EEEEEEEEWWW YUCK!WAIT!!.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Paano ko napunta sa kwarto ko? Tiningnan ko yung ilalim ng kumot, yung suot ko pa din na enchanted na tshirt. Para sure na wala akong immoral na ginawa. Paano nga ba ko napunta dito? Teleport? Taruuush. Pero seryoso? PAANO?

Nagpunta muna ko ng C.R bago ko bumaba. .Arrrgh meron napala ko, may dalaw na. Seriously? Bakit kasi of all things? Why blood? Bakit hindi nalang fairy dust or something. Dahil nga  andyan na si montlhy period, maliligo na ko.

Tapos na ko maligo at nakabihis na. Sunday ngayon kaya andito pa din sa bahay. Bumaba ako para dumeretso sa ref gutom na ko e, nakita ko naman sa sala si Ivan na naglalaro sa Ipad n'ya. Naglabas ako ng mga
egg, bacon and hotdog, para lutuin.

"Hoy , Ivan kumain ka na ba?" tanung ko sa kan'ya pero di sya sumagot.

Lumapit ako para himiyaw sa tenga n'ya.

"KUMAIN KA NA BA KAKO!" Nagulat naman sya sa hiyaw ko.

"ANO BA SAKIT SA TENGA"

"E ang binge mo e " sabi ko, binge kasi nya

"Narinig ko, ayoko sumagot naglalaro kasi ko!"

"Nyenye, palusot pa sige mauna na ko kumain "

Nauna na ko kumain, sasabayan ko pa ba s'ya? Duh! gutom na ko. Pagkatapos ko kumain pumunta na ko sa kwarto ko may binabasa ko e e yung A Gangster's Nurse by Hana07  basahin n'yo maganda ;) nakita ko bago ko dumeretso sa kwarto ko nadaanan kong bukas yung kwarto ni Ivan sumilip ako para icheck yung room n'ya, at napakagulo! Grabe pag talaga kwarto ng lalaki.

Nagkalat yung mga damit tapos yung kama nya di pa ayos!.

"Anong ginagawa mo dito! Doon ka nga! "

"AY! pusang kinalbo" nagulat naman ako sa   bigla n'yang pagsulpot.

"LABAS KA NGA!!" tapos pinulot nya yung nakakalat na brief sa lapag .Yuck!!

"Akala ko kasi  may gubat na dito sa bahay e! ayusin mo nga yang kwarto mo" sabi ko habang nagmamasid sa paligid

"Bakit ba kwarto ko to e"

Lumabas na ko at dumeretso na sa kwarto ko. At dalidaling  nahiga sa kama. Nagbabasa lang ako hangang sa makatulog na ko.

-----------------

IVAN POV

Nakakainis bakit hindi ako makatingin sa mata n'ya, yung kagabi , hindi ko naman sinasadya ah! Aakyat na ko sa kwarto ko para kunin yung phone ko kaso nandun s'ya. Nagulat naman ako napakagulo ng kwarto ko. Nung nakatira kasi ko sa Condo ko dati may katulong ako, sya na bahala magayos  ngayon sinadya ng Tatay kong kumag na wag kaming ipaghire ng katulong para daw magtulungan kami sa bahay tss.

Tinabi ko lahat ng gamit ko pati yung brief. Pinalalabas ko na s'ya pero nagmamasid pa rin sya, yung parang mukha nya parang turn off. Lumabas na din sya agad ko namanh inayos yung mga gamit ko.

Tuluyan na kong naglinis  ng kwarto, ewan ko ba kung san ko nakuha yung urge na maglinis paki ko ba. Mali ka! hindi dahil don sa mukha nyang naturn off pakialam ko ba sa kanya! Hindi nga! Ang kulet! Nakakainis lang sya e, napaka pakialamera! Bakit ba kasi sya pumasok sa kwarto na to? Akin 'to! hindi n'ya ba alam yung privacy !

Pagkabuklat ko nung drawer nakita ko na may photo album, huminto muna ko sa paglilinis para tingnan yung photo album at naupo ako sa couch.

Mga picture n'ya, nakabistida pa s'ya dito tapos nakaheadband, nakahawak s'ya sa isang lalaki,  ito siguro yung tatay n'ya, hawig sila ng mata, I flip the page, close up ng mukha ni Nathalie. Pinagmasdan ko yung mukha n'ya halos walang pinagbago yung mukha nya. Yung mata yung hugis ng mukha, yung labi.

those lips, those sweet lips, sweetest and softest to all that-

Ano bang iniisip ko? Patay na talaga,  nassisiraan na ko na bait. Naligo na ko, aalis ako magpaparty hopping ako, I need to relax .

*Bar*

Maraming akong nakakausap na babae, minsan sila  pa ang lumalapit,

But I'm not in the mood parang basta, di ko talaga maintindihan sarili ko. Ang weird! Nakakainis para naman akong bading! Ngayong ko lang kasi 'to naramdaman parang, parang ewan lumabas na ko at dumeretso na lang sa isang coffee shop.

Habang nag kakape ko naririnig ko na naguusap yung mga babae sa gilid.

"Di ba sya si Ivan Lawrence, nagaaral yan sa H.U , ang gwapo noh, doon nagaaral yunh pinsan ko , sobrang sikat nya daw dun at mayaman pa nafeature pa nga sya sa isang magazine"

Grabe talaga minsan ang babae, ang dali kang ma stalk!..Gwapo ko kasi e.

-------------

Nathalie POV

Paggising ko  bumaba ako, tapos parang ako lang magisa dito sa bahay, sumilip ako sa kwarto ni Ivan, Biglang linis ah, pero wala s'ya dun

Bumaba na ule ako, napansin 'ko na wala yung kotse n'ya sa garahe wala nga s'ya.

3:00

Alas tres na pala ang tagal ng itinulog 'ko ah, bawing bawi ako. San kaya nagpunta si Ivan, well ayos! Ako lang magisa dito. Haha Pumunta ko sa backyard, eto yung pinakapaborito kong part ng bahay tsaka yung porch.

May swing dito tapos isang bench, naupo ako para magmuni muni. Si Ivan, hmm, hindi naman pala s'ya ganun kasama ang  ugali, konti lang. May topak lang talaga. Nagbuzz yung phone ko na nokia lang na may keypad pa, old model pwede ng ipamato sa tumbang preso.

From:+6391236*****

Hey NatNat ! I got your number at the gasaline station, Its Lewin. Just text you, ala ka na daw dun sa gasoline station? Why?

Arrgh. Paano ko ba papalusutan itong si Lewin. Di magtatagal malalaman din naman ng lahat na fiancè ko si Ivan, siguro dapat sabihin ko na sa kanya parang naman di ko sya kaibigan maiintidihan nya ko for sure,mabait naman sya e.

To: LEWIN HEARTHEART

Tomorrow sasabihin ko sayo.

Sending........

sent √

Bilis ko nasave number nya sa contacts di ba . Mwahaha. Gabi na ala pa din si Ivan. Bahala nga sya, gusto ko sya itext pero wala naman akong number n'ya e peymut yun e. Tss.

Kumain na ko at niligpit na yung pinagkainan ko. Nanuod ako ng GGV, nakakatuwa  talaga si Vice.

10:00

Ala pa din si Ivan, hanggang sa nakatulog na ko sa sofa.

------------------------

Paggising ko patay na yung T.V tapos may kumot na ko bigla.

6:30

Tsk umaga  na pala, umakyat na ko kwarto ko para magbihis nakita ko naman na bukas yung ilaw yung kwarto ni Ivan, anong oras kaya yan dumating kagabi. Dumeretso na ko sa kwarto ko para maligo at magbihis.

Pag labas ko ng kwarto bumaba na ko and readyng ready na, nakita ko naman na nasa baba na si Ivan .

"Sumabay ka na s'akin " sabi n'ya sabay start ng kotse

"Okey" syempre noh, ayoko na magtaxi!.

SHE 'S MARRYING THE CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon