Chapter 2

13 1 0
                                    




"Umamin ka nga sakin," sambit nito. Ang lakas at bilis ng pintig ng puso ko, baka sa lakas nito ay marinig na niya. Jusko lupa lamunin mo nako huhu.

Mas kinabahan at nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.

"May gusto ka ba sa akin?"

Panahon na ba para sabihin ko sa kanya ang totoo?

"H-ha! A-ano? Ako may g-gusto sayo? Nagpapatawa ka ba?" Saka ako tumawa ng peke. Hindi ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko. Siguro ay hindi pa ako handa na malaman niya at sa kahihinatnan ng pag amin ko.

Nakita ko sa kanyang mga mata na nasaktan siya dahil sa aking sinabi o baka guni guni ko lang? Oo baka guni guni ko lang, tsaka bakit naman siya masasaktan? Inaasahan ba niyang may gusto ako sa kanya? May gusto rin kaya siya sakin?

Wag ka na umasa Genie! Kaibigan lang ang turing niya sayo..

"Hindi ako nagpapatawa, seryoso ako," seryoso nga siya dahil hindi man lang siya nakisabay sa 'peke' kong tawa. Ayokong umasa na may gusto rin siya sa akin. Dahil alam kong imposible, parehas kaming babae.

"Wala akong g-gusto sayo okay?J-jamaeann magkaibigan tayo, parehas tayong babae." Siguro mas mabuting hindi ko na sabihin sa kanya ang totoo kong nadarama. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Ang pagkagusto ko sa kanya? Sa akin na lang yun at alam kong mawawala rin ito.

"Kahit kailan h-hindi ako magkakagusto sayo d-dahil kaibigan lang ang turing ko s-sayo." Bumagsak ang kanyang mga balikat, nakita ko rin na parang naluluha na siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Nasaktan ko ata siya dahil sa mga sinabi ko.

"Hey J-jamaeann, bat ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko. Umiling lang siya at pinunasan ang sariling luha. Ngumiti siya sa akin ngunit alam kong pilit.

Huminga siya ng malalim. "Wala kang gusto sakin dahil kaibigan lang turing mo sakin?" Tanong niya sakin. Hindi ako sumagot.

"Same to me, kahit kailan hindi ako magkakagusto sayo dahil kaibigan lang rin ang turing ko sayo." Para akong binumba dahil sa sinabi niya. Nasaktan ako, naramdaman ko na lang ang mga luhang naglaglagan sa aking mata.

"I'm sorry love, I lied.." Handa na pala akong sabihin sa kanya ang totoo. Tatanggapin ko na lang ang kahihinatnan nito.

"I l-like yo-you so much, hindi ko a-alam kung kailan n-nagsimula basta gusto kita."
Huminga muna ako ng malalim tsaka pinunasan ang aking mga luha.

"Sa tuwing may ka-kausap kang iba, nakakaramdam ako ng se-selos kahit na
w-wala akong k-k-karapatan." Kahit na nahihirapan na akong magsalita dahil sa pag iyak at paghikbi ko ay nagpatuloy pa rin ako. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luha.

"Gusto kitang a-angkinin, gusto ko s-sakin ka lang, pero walang t-tayo para maangkin kita. Ang hirap u-umasa na sana g-gusto mo rin ako, kase alam kong imposible dahil magkaibigan tayo at p-pareho tayong babae." Deserve niya malaman ang lahat. Hindi pa rin siya nagsasalita at nakikinig na lang siya sa akin.

"Hindi ko na alam kung simpleng pagkagusto lang ito o baka mahal na kita. Nakakatawang isipin na nahulog ako sayo, na hanggang kaibigan lang ang turing sakin." Para na akong baliw, tumatawa ako habang nag uunahan pa ring bumagsak sa aking mga mata ang mga luhang patuloy na umaagos dahil sa iisang tao.

"Tatanggapin ko kung ano man ang kahihinatnan nitong pag amin ko sayo." Huminga ako ng malalim.

"I'm sorry love.." Malumanay kong sabi tsaka siya niyakap ng mahigpit. At ako na ang kusang humiwalay sa kanya at nagsimula na akong maglakad papalayo kung nasaan siya.

The Painful LoveWhere stories live. Discover now