Chapter 3

10 1 0
                                        




Bumuntong hininga muna ako bago ako sunagot. "Eto lang kase ang alam ko para mabawasan kahit unti lang yung sakit, napapagod ako, oo, pero di ko maiwasan eh." Ganun na lang kabilis namuo ang mga luha sa aking nga mata, nanlalabo na ang aking paningin. "Ewan ko nga ba, ganun ko ata talaga siya kamahal. Na-naaawa na nga ako sa s-sarili ko eh, tang*na naman kase tong pagmamahal na to nakakagago." Humihikbi kong patuloy sa aking sinasabi. Hindi ko na kailangang pigilan ang emosyon ko lalo pa't mas makakagaan sa akin ang pag iyak.

Nakita ko sa mga mata ni Clea ang awa bago niya ako yakapin. Ganun na ba talaga ako nakakaawa? Na pati kaibigan ko naaawa na rin sa akin? Siguro nga, pati nga ako naaawa na sa sarili ko, kaibigan ko pa kaya? Alam niya ang pinagdadaanan ko and she's concern na baka ano na naman ang gawin ko sa sarili ko.

"Rapiee wake up," Rinig kong sabi ni Clea habang niyuyugyog ang balikat ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin sa kwarto.

"Nakatulog ka kakaiyak, kaya hindi na kita ginising kase alam kong kailangan mo yun. Hindi na rin kita ginising para maghapunan dahil masarap tulog mo, pagod na pagod ka." Sambit niya. Umaga na pala, ang haba naman ng tulog ko kung ganun.

Naligo muna ako bago ako sumunod kay Clea sa baba. Nung makababa na ako ay naghahanda na siya ng umagahan namin. Siya yung bisita pero siya yung nag aasikaso pa sakin, nakakahiya. "Wag kang mahiya, kaibigan kita at alam ko namang di mo na naaasikaso sarili mo dahil puro ka na lang iyak, puro na lang siya." Nagugulat akong tumingin sa kanya? Paanong? Nababasa niya ba ang nasa isip ko? Tss

"Mahal ko eh," Sagot ko at umupo na, bumuntong hininga na lang siya. Kumain lang kami at hindi na kami nag usap pa dahil may respeto kami sa kinakain namin. Ganun kami, kapag nasa harapan ng hapagkainan ay kain lang ang gagawin namin hindi kami mag uusap. Share ko langg hehheeh.

Matapos naming kumain ay napagdesisyonan naming manood na lang. Wala naman kaming alam kung saan kami pupunta.

"Anong gusto mong panoorin?" Tanong niya at tumitingin sa mga CD's na nandoon. "Kahit ano na lang basta may papanoorin." Sagot ko na lang dahil wala akong ideya kung ano basta kahit ano na lang.

Patayan, barilan, yan ang mga gusto niya kaya yun ang kinuha niya. Jusko anong maganda dun? "Clea naman pwede namang love story na lang bat yang mga patayan gusto mo? Tss kung di lang kita kaibigan baka napagkamalan na kitang tomboy jusko." Iiling iling kong saad, tumaas ang isa niyang kilay hmmp magtataray na naman.

"Sa ganda kong ito? Pagkakamalan mong tomboy? Maraming nagkakagusto sakin tapos tomboy? Bigwasan kaya kita!?" Galit galitan niyang sabi. Parang mokong. "Hahahahahahahahhaaha" Tawa ang naging sagot ko sa kanya, galit galitan amp hahahhah

"Love story gusto mo? Tapos ano? Makakarelate ka tapos? Maaalala mo na naman siya? Tapos iiyak ka na naman? Ang ending ikaw na naman ang masasaktan?" Sarkastiko niyang sabi. Hindi ako makasagot sa kanya kaya ibinaling ko na lang sa iba ang paningin ko. Alam kong nag aalala lang siya sakin, pero hindi ko naman kase maiwasang maalala siya, masaktan ako, na umiyak ako.

Hindi na namin itinuloy pa ang panonood dahil nawalan na ako ng gana. Sana mawalan na rin ako ng gana na mahalin siya, pero hindi eh.

"May pupuntahan ako mamaya," Sabi niya matapos siyang makaligo. Andito kami sa kwarto ko dahil wala naman na kaming alam na gagawin pa. Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nung dumating si Clea dito.

"Saan? Sino mga kasama mo? Anong oras ka pupunta at uuwi?" Sunod sunod kong tanong sa kanya, napatawa na lang siya. Anong nakakatawa dun? Abnormal talaga. "Boyfriend na pala kita ngayon bestie hahahaha." Tatawa tawang saad niya. Wow nagtanong lang boyfriend agad? Iba rin to mag isip eh.

The Painful LoveWhere stories live. Discover now