"S-sorry about kanina." Pagpapa umanhin niya."Don't be sorry, it's okay." I said and I smiled at him. He smiled me back. He's handsome, yes, pero hindi naman kasi yung physical appearance yung minamahal at nagugustohan ko sa isang tao. And I'm still into someone.
"Na inlove ka na ba?" I suddenly asked. Andito kami ngayon sa veranda. Mamaya na daw kami pupuntang beach dahil tulog pa si Clea.
"A-ahm yes, why?"
"Wala naman. Swerte naman nung taong yun." Swerte naman talaga diba?
"Anong swerte? Eh hindi nga alam nung taong yun na may nararamdaman ako para sa kanya." And he sadly laughed. "Bakit hindi mo aminin? Para alam niya diba?" I suggested.
"Hindi naman madali yung umamin." Sagot niya. "Well, yes. Hindi nga ganun kadali pero why don't you give it a try? Malay mo di ba gusto ka rin niya?" Malay natin, baka yung taong gusto niya ay gusto rin siya. Edi happy. Ako nga noon umamin kahit na imposible na magustohan niya rin ako. Pero dahil nag try ako, ayun nalaman ko yung nararamdaman niya. Tss ano bang pinagsasabi ko.
"Ayoko munang umamin, ayoko."
"Bakit? Dahil natatakot ka? Natatakot ka na malaman yung nararamdaman niya? Na wala siyang nararamdaman para sayo? Are you waiting for that someone to love you back?" Saad ko. Wala namang masama kung susubukan niya eh. Wala naman atang mawawala. And kung hinihintay niyang mahalin rin siya ng taong mahal niya ay hindi rin naman iyun masama.
"Kung hinihintay mo, edi sige maghintay ka lang, maghintay ka hanggang sa hindi mo na kayang maghintay. Masakit maghintay hindi ba? Dude, the worst part of loving someone is when you are waiting for that someone to love you back. Alam mo, hindi naman kailangang ibalik rin sa atin yung binibigay nating pagmamahal. Hindi naman kailangang mahalin ka rin niya, na gustohin ka rin niya." Sabi ko at natahimik naman siya. Natahimik na rin ako.Nakatingin lang siya sa kawalan.
"Binalak ko noong aminin sa kanya yung nararamdaman ko, pero hindi ko itinuloy kase yun, natatakot ako." Pagbabasag niya sa katahimikan. Nakikinig na lang ako sa sinasabi niya.
"Nagpakaduwag ako, natorpe ako. Kase alam ko naman na wala akong pag asa sa kanya. May gusto siyang iba, may mahal siyang iba. Ano ba namang laban ko dun sa taong mahal niya di ba? Oo, hinihintay ko siyang mahalin ako pabalik, pero malabo. Ni hindi nga ako kilala." Dagdag niya. Huminga siya ng malalim. Ibinaling ko sa kanya ang aking tingin at nagulat na lamang ako dahil namumuo na kanyang mga luha. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya.
"Sasabihin ko ang totoong nararamdaman ko para sa kanya? Kahit wag na, guguluhin ko pa isip niya, papahirapan ko lang siya pag sinabi ko. Ilang taon ko tong tinatago kaya kahit wag na." Ilang taon? Grabe naman talaga mainlove tong si Maverick. Swerte nung taong yun.
Hinagod hagod ko ang kanyang likod. Pero hindi ata tama ang ginawa ko dahil tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"Do you still love her?" I asked and he looked at me with his sad eyes. He nodded.
"Yes, I still love her." He answered. "You? Do you still love her? As much as you loved her before?" He asked back, still staring into each others eyes.
I nodded my head. Yes, I am still in love with her. Even if it hurts a lot.
Ganun naman minsan kapag nagmamahal hindi ba? Yung kahit nasasaktan ka na, kahit sobrang sakit na, mahal na mahal mo pa rin yung taong yun. Kahit na pagod na pagod ka na, kahit na wala na, hindi mo pa rin binibitawan, kase nga mahal mo. Pero minsan nakakagago, kahit alam mong wala na talaga, umaasa ka pa ring pwede pa, na maibabalik pa.

YOU ARE READING
The Painful Love
Teen FictionSome parts of this story are based on what really happened in my life. But I changed something, when it happened, what exactly happened, the names of the characters and the gender, and I can't help but add something more interesting. I hope you all...