Niyakap na lang ako ni Clea at hinagod hagod ang likod ko. Pero kahit anong gawin niya hindi pa rin matigil sa pagluha ang aking mga mata. Ang sakit sakit ang katotohanang hindi ko kayang tanggapin na wala na talaga. Lahat ng mga alaala namin ay tandang tanda ko pa.Andito kami para sana mag enjoy pero nasira dahil sa akin. Nagpaalam na lang si Clea kay Maverick na uuwi na kami at hindi na siya nagtanong kung bakit at hinayaan na lang kami.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Bumaba na ako at nangunang pumasok na sa loob. Ang bigat bigat. Umupo muna ako sa sofa at inihilig ang aking ulo at pumikit. Wala naman akong ginagawa pero pagod na pagod ako.
Naramdaman ko na naman ang mga mainit na likidong nagsisilabasan sa aking mga mata. Gusto ko mang punasan ngunit hinayaan ko na lang, pagod ako. Pero ang mga luhang ito hindi pa rin napapagod.
"Sorry sana di na lang ako sumama sana nakapag enjoy ka pa." Nasabi ko na lang ng pabulong ng hindi siya tinitignan,pagod ako eh, lumuluha pa rin ang mga mata. At parang wala akong lakas para magsalita ng hindi pabulong.
"Ano ka ba okay lang yun, kung ako lang mag isa eh ang boring na nun. Tsaka nag enjoy naman ako na makasama ka ng first time sa isang bar kahit na hindi ganun naging maganda ang kalalabasan." Maunawa niyang sagot. Ang swerte ko kasi meron akong kaibigan na tulad niya. Na kahit malayo man siya ay ipaparamdam niya sayong anjan lang siya sa tabi mo, ipaparamdam niyang hindi ka nag iisa. Kaya laki ang pasasalamat ko dahil nakilala ko siya at kaibigan ko siya. At wala akong pagsisisihan dahil sinabi ko sa kanya ang lahat, na nasasaktan pa rin ako dahil sa kaibigan namin na sobrang minahal ko.
"Tama na, wag ka na umiyak oh pagpahingahin mo muna sarili mo. Wag ka na umiyak Rapie nasasaktan ako sayo eh.." Gumagaralgal ang boses niyang sabi. Tinignan ko siya, alam kong gusto na niya akong bulyawan. Nagpipigil siya ng mga luha niya dahil alam kong gusto niyang ipakita na kahit nanghihina ako ay meron siya na makakapitan ko. Alam kong hindi niya gustong maging mahina rin dahil alam niyang siya lang ang makakapitan ko sa mga oras na ito.
"Ma-masakit... masakit pa rin talaga Clea.. hindi ko na alam parang ma-mababaliw na ako k-kakaisip kung ano bang d-dapat kong g-gawin para hindi na siya ma-maalala." Humihikbi kong saad sa kanya. Hindi ko na talaga napigilan pa ang mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. Mga matang hindi na napagod kakaiyak. At sa puntong iyon ay niyakap na lang ako ni Clea.
Clea's POV
Naaawa na talaga ako sa kaibigan ko, simula nang makabalik ako rito ay gabi gabi siyang umiiyak. Laging namumugto ang kanyang mga mata, kung hindi umiiyak ay nakatulala. Kung pwede ko nga lang sana kunin ang sakit na nararamdaman niya ay ginawa ko na.
Alam kong pagod na siya, kahit hindi niya sabihin alam kong pagod na pagod na siya. Kase gaya ng sabi niya, tao lang rin siya napapagod din.
Nakatulog siya sa aking mga bisig, hinayaan ko na lang. Inihiga ko na lang siya sa sofa saka ako kumuha ng unan at kumot niya. Dito na lang din ako sa baba matutulog. Pinatay ko na ang ilaw saka ako nakahiga. Ang payapa ng kanyang tulog. Hindi mo aakalaing may sakit at hirap siyang dinadala.
Hindi ko makalimutan yung araw na umamin siya sa akin, at nasaktan ako dahil sa nalaman ko. Pero wala ng mas sasakit pa sa katotohanang wala siyang nakapitan, wala siyang napagsabihan ng kanyang totoong nararamdaman. At laking pasasalamat ko dahil sa akin niya sinabi lahat.
~FLASHBACK~
Andito ako ngayon sa Cebu, nagbabakasyon, wala rin naman nang klase.

YOU ARE READING
The Painful Love
Genç KurguSome parts of this story are based on what really happened in my life. But I changed something, when it happened, what exactly happened, the names of the characters and the gender, and I can't help but add something more interesting. I hope you all...