Chapter 1

26 2 0
                                    




I was lying on my bed, staring at the ceiling, wondering, why does life have to be this so unfair?  Do i deserve this? This pain, sufferings, sorrows and this shit? I don't think so.

Nagmamahal lang naman kase ako bakit kailangan pang masaktan? Diba pwedeng maging masaya na lang ako? Nang walang kapalit na sakit? Pero wala atang ganun, sana di na lang ako nagmahal kung sakit lang naman ang kapalit.

Pero ang tadhana ay sadyang malupit, nilayo niya ang tanging taong anjan para sakin. Ang tanging taong karamay ko sa mga problemang dumadaan sa buhay ko. Ang tanging taong nakakaintindi sa nararamdaman ko. Ang tanging taong nagparamdam na mahalaga at importante ako. Ang tanging taong nagmahal sa akin ng totoo, bukod sa pamilya ko.

Ang kaibigan ko, kaibigan ko na hindi na ata kaibigan ang turing sa akin, ngunit kaibigan pa rin siya sa akin, siya pa rin yung taong nakaintindi ng nararamdaman ko. Siya yung kaibigan ko na hanggang ngayon minamahal ko pa rin.

Di ko na namalayan ang mga luhang nag uunahang pumatak sa aking mga mata. Ilang taon na rin ang nakalilipas, pero andito pa rin. Andito pa rin yung pagmamahal, yung sakit, pero yung taong nag iwan ng mga yun, wala na. Wala na siya.

Wala na akong ibang dapat gawin kung hindi ang tanggapin. Tanggapin ang katotohanan na wala na talaga, na wala na siya. Wala na siyang pakialam pa sa aking nadarama. Wala nang natirang pagmamahal para sa akin. Wala na yung dating kami, wala na.

Bagong umaga, bagong araw, bagong paghihirap na naman dahil sa sakit na iniwan niya. Wala akong ibang mapagpipilian kundi ang magpatuloy, magpatuloy sa buhay. Hindi naman kase pwedeng itigil ko ng dahil lang sa nasasaktan ako. Life must go on.

Bumangon na ako kahit gusto pa ng katawan ko ang humiga na lang ng humiga. Pero hindi dapat yun maaari, tama na ang pagmumukmok. Tama na ang iyak ng iyak, pagod na ang mga mata ko na maglabas pa ng mga luha, mga luhang dahil lang sa iisang tao.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, at di na ako nagulat na ganun na lang kagulo ng buhok ko, kaitim ng mga eye bugs ko, kamugto ng mga mata ko, di na rin ako nagulat ng makita kong bumagsak na rin ang timbang ko. Kinuha ko na ang twalya ko at kumilos na para maligo.

Parang ngayon na lang uli ako nakaramdam ng tubig na dumadaloy sa aking katawan. Ang sarap sa pakiramdam, nakakagaan ng loob. Mahigit isang oras ako sa banyo bago ako lumabas at magpalit. White shirt na tinernohan ko na lang ng kulay itim na pantalon at sneakers. Wala akong plano kung saan ako pupunta, kung saan na lang basta yung makapag iisa ako. Maaari naman na dito na lang pero wag na lang, lilinisin ko na to bukas , ang gulo gulo na eh.

Kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko at nagmaneho na ako. Wala akong ideya kung saan ako pupunta.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na tinutungo ang daan papunta sa kung saan kami dating tumatambay. Sa mini park dito sa La Union, malapit sa paaralan namin noon dito sa Rosario La Union National High School. Nang makarating ako ay nagpark na ako at bumaba. Sinuot ko muna ang black eyeglass ko bago ako magsimulang maglakad. May ilang mga tao ang naroon. Mga nagpipicnic, may mga magjowang naghaharutan. Tss maghihiwalay din lang naman, walang forever! Echos lang, ang bitter ko pa rin.

Nilibot ko ng tingin ang lugar bago ako naupo sa paborito naming upuan noon, sa swing. Iwasan ko man ay naaalala ko na naman ang nakaraan naming dalawa. Gusto ko nang kalimutan lahat ng nakaraan namin dalawa, pero sadyang mahirap dahil mahal ko pa rin siya.

Naaalala ko pa rin lahat, pati ang swing na to naaalala ko pa rin. Dito kami madalas pumunta at umupo kapag gusto naming makapagsolo, yung makapag uusap kami ng kaming dalawa lang yung walang barkadang nakasubaybay. Dito ako umamin sa nararamdaman ko sa kanya, dito rin siya umamin sakin.

~FLASHBACK~

"Jamaeann, pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko kay Jamaeann kaibigan ko. Nakaupo siya sa kanyang silya at ako naman ay nakatayo at nakatingin sa kanya. Ang cute cute niya.

"Nag uusap na tayo Genie ano ba..." sagot niya saka siya tumawa. Parang timang talaga to kahit kailan tssk. "Seryoso boi may sasabihin lang ako sayo kita na lang tayo mamaya sa mini park mamaya pagkatapos ng klase." Boi minsan tawagan namin, ganun din naman sa kanya kadalasan yun ang tawag niya sa aming mga kaibigan niya. At di ko na hinintay pa ang sagot niya at dumeretso na lang ako sa likod para umupo at dahil dumating na rin ang guro namin.

Matapos ng klase ay lumabas na ako ng paaralan at nagtungo na sa mini park na sinabi ko kay Jamaeann. Hindi ko alam at hindi ako sigurado kung pupunta siya pero hindi naman masamang umasa na darating siya.

Aalis na sana ako dahil higit kinse minutos na akong naghihintay sa kanya, pero tinawag ni Jamaeann ang aking pangalan at dagli naman akong lumingon. Tumatakbo siya palapit sa kinaroroonan ko, nakaramdam ako ng saya nung dumating siya.

"Sorry natagalan ba ako? May pinag usapan pa kase kami ni Catharine kaya ayun di agad ako nakapunta dito." Hinihingal niyang sabi.

"Ano ka ba? Okay lang yun atleast dumating ka diba? Akala ko di ka na dadating eh." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Basta siya kausap ko ng kaming dalawa lang ay kinakabahan ako. Di na ako magtataka kung bakit.

"Di naman pwedeng di ako pumunta diba? Alam ko namang naghihintay ka, ano bang sasabihin mo?" Dahil sa sinabi niya feeling ko nakapa importante ko sa kanya, higit pa sa kaibigan. Umupo muna kami sa swing, dalawa naman yun at kami lang ang tao, dahil anong oras na rin kase.

Di ko alam kung saan ko sisimulan, hindi ko na kase kayang magpanggap pa kaya aamin na ako sa kanya. Kinakabahan ako na baka masira pagkakaibigan namin kapag aamin ako pero ayoko namang magpanggap na magpanggap na lang ako. Ayokong pagsisihan sa huli ang hindi ko pag amin sa nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko alam niya ang nararamdaman ko kahit di niya tanggapin. Handa akong tanggapin ang kahihinatnan ng pag aamin ko ng nararamdaman ko sa kanya.

"Nag meryenda ka na ba?" Iniba ko na ang topic. Siguro ay mamaya na lang ata ako aamin. Umiling naman siya.

"Lika meryenda muna tayo nagugutom ako eh hahahahah." Sabay kaming naglakad papuntang food court para makapagmeryenda muna. Matapos naming makabili ay bumalik rin kami sa mini park. Natapos ko ng kainin ang sakin at siya naman ay kumakain pa rin. Hindi ko maiwasang titigan siya, ganito ata talaga pag inlove hihihihi.

"Kung yelo lang sana ako ay baka kanina pa ako natunaw sa mga titig mo." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, ramdam ko rin na nag init ang aking mga pisnge. Jusko nakakahiya ka Genie! Tumawa naman siya dahil sa naging reaksyon ko, ediwow.

"Napapansin ko tingin ka ng tingin sakin, kung hindi lang kita kaibigan ay napagkamalan na kitang may binabalak sakin." Saad niya at tumawa. Whatt!!??? Napapansin niyang tingin ako ng tingin sa kanya? Holy crap.

Hindi ako nakasagot dahil mas lalo akong kinakabahan dahil sa napapansin niya. Napapansin kaya rin niya na gusto ko siya? Naku naku naiistress ako.

"Huy natahimik ka? Okay ka lang ba?" Mababakas sa kanyang tinig ang pag aalala. Tumango na lang ako.

"Umamin ka nga sakin," sambit nito. Ang lakas at bilis ng pintig ng puso ko, baka sa lakas nito ay marinig na niya. Jusko lupa lamunin mo nako huhu.

Mas kinabahan at nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.









Authors note:

Sorry sa grammatical errors tao lang ako at nagkakamali rin.

So ano kaya ang sinabi ni Jamaeann na ikinagulat muli at mas nagpakaba sa ating pangunahing bida?

Continue reading! Enjoyyyy!!

The Painful LoveWhere stories live. Discover now