Chapter 9

8 0 0
                                        




Maverick's POV


Pagkatapos ng naging usapan namin ni Rap ay kaagad akong umalis. Hindi ko na sinabi kung saan ako pupunta dahil hindi rin naman siya nagtanong. Siguro ay alam niyang gusto kong makapag isa muna.


Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na. Habang nasa daan ay binuksan ko ang radyo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta kahit saan na lang. Pinunasan ko na ang mga natuyong luha ko.


"Ay mahirap nga yang sitwasyon mo na yan Sir Mark. Yung mahal mo siya pero hindi mo masabi sabi dahil alam mong may mahal siyang iba. Hindi naman masamang matakot pero Sir Mark, hanggang kailan mo itatago yang nararamdaman mo? Hanggang kailan ka matatakot? Haist pag-ibig nga naman." Sabi ng lalaki sa radyo. Tss katulad pala ako nung Sir Mark na yun na binanggit ng lalaking nagsasalita sa radyo. Wala akong nagawa kundi  patayin na lang ang radyo. May nakita akong Mall kaya nagtungo na lang ako sa parking lot at dun muna ako magpapalipas ng oras.

One sided love...

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa naisip ko. Naalala ko na naman yung naging usapan naman ni Genie kanina. Sana nga ganun kadali, sana ganun kadaling sabihin sayo itong nararamdaman ko. Pero ang hirap eh, may mahal kang iba, kahit na hindi na maibabalik yung dating samahan niyo, umaasa ka pa ring maibabalik pa, na maaayos pa. Ang sakit dahil habang minamahal kita, minamahal mo pa rin siya. Habang hinihiling kong maging akin ka, hinihiling mo naman na sana bumalik pa.


Umiyak lang ako. Nang gumaan ang loob ko ay napag desisyonan ko ng bumalik.


Pagkabalik ko ay bumugad agad sa akin sina Clea at Genie. "Saan ka galing?" Bungad sa akin ni Clea. "Jan lang." maikling sagot ko, at dumiretso na sa banyo para makaligo at makatulog na. Namumugto ang mga mata ko, kakaiyak. Matapos kong makaligo ay nagpalit na ako at lumabas na. Dumiretso ako sa kama ko ay natulog na.


ZzzzzzzZzzzzzzzzzzZZZzzzzzzzzzzzZ


Nang magising ako ay naghahanda na sina Clea dahil hapon na rin, punta na kaming dagat. Tumayo na ako at kinuha ko na ang damit ko at nagtungo na sa banyo para makapaghilamos at makapagpalit na. Beach shorts at white fitted sando na lang ang isinuot ko.



Nang matapos ako ay lumabas na at kinuha na ang mga dadalhin namin. Hindi na rin ganun kamugto ng mga mata ko. Binitbit ko na lahat at nanguna ng magtungo sa dagat. Maraming tao, may mga turista rin. Habang naglalakad ay may mga tumitingin sa akin. May mga nagbubulongan rin.


"Ang gwapo niya."

"Ang bango rin."

"May girlfriend na kaya siya?"

"Lika sundan natin hihihihi."


Ilan lamang sa mga yan ang narinig kong bulongan ng mga kababaihan. Kahit naman gwapo ako, hindi naman ako gusto ng taong gusto ko. Ramdam ko ang ilan sa likod ko, nakasunod sakin. Tss alam ko naman talagang gwapo ako, hindi na kailangang sabihin hahahah


Nang makarating na ako ay naghanap na ako ng pwesto at naglatag na. Wala naman atang magnanakaw ng mga dala ko. Kung may kukuha man, makakarma hahaa just kidding.


Tinanggal ko ang sando ko at nagtungo na sa tubig.


"Hey, hi?" Someone approached me and she smiled at me. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat at kulot ang dulo ng kanyang buhok. Matangos ang kanyang ilong, maganda siya.


"Hello." I greeted and smiled back. She has a pretty smile but Rap smile is the prettiest smile that I've ever seen.


"Wala kang kasama?" Tanong niya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Painful LoveWhere stories live. Discover now