Pumunta na muna ako sa restaurant sa may foodcentrum 'yong hindi magara walang gaanong tao ayokong pumasok sa mamahalin na restaurant dahil nga sa ako'y singer. Hindi ko gusto na magkakagulo pa ang mga tao rito.
Nilibot ang tingin ko sa palagid grabe madami palang tao rito anong gagawin ko. Pumasok ako sa loob ng foodcentrum pero walang nakakapansin sa'kin ni isang tao man lang, wala ring television or radyo dito.
Dahil nga sa madaming tao, umupo na ako sa bakanteng table set pero may bago lang siguro na kakatapos kumain dito sa pwesto ko. Time check it's 3:30 pm kaya pala nagugutom ako.
Tumingin ako sa mesa pero napatawa ako ng kunti dahil ang takaw kumain, madaming mga plato sa mesa akalain mo 'yon kaya niya itong ubusin sa isang iglap lang pero laking gulat ko na may bills pa nakaiwan at nakaipit sa plato.
"What the heck!" I murmured napamura ako ng 'di oras nito.
"Excuse me po sir kaylangan niyo na po bayaran 'yong bill," sabi ng waiter. Ano akala niyo sa'kin ako kumain nito lahat imposible naman.
"Hindi ako kumain dito at kakaupo ko lang tapos ako na ang magbabayad nito!" sabi ko at tinuro ko ang bill sa mesa.
"Sir bayaran niyo na lang po 'yan baka girlfriend niyo po 'yong babae tapos na late kayong dumating at napagod s'ya sa paghihintay sa'yo," saad ng waiter. Aba ang kapal ng babaeng 'yon, girlfriend?!
"Sabi ngang hindi ko siya girlfriend eh!" inis na sabi ko. Dumating na 'yong lalaki sa harap ko siguradong may-ari ito ng restaurant na 'to.
"Sir! Kailangan niyo po itong bayaran baka girlfriend mo 'yong babae kanina, umalis lang ng hindi nagbabayad sa lahat na order niya. Ako po ang may ari rito," sabi ng may ari. Hindi ko siya girlfriend at sino ka bang babae ka?!
"How many times do I have to tell you hindi ko siya girlfriend at hindi ko s'ya kilala. Bago lang ako umupo rito and its not my fault kung nagtatanga-tangahan lang kayo rito sa restaurant niyo!" Iritableng sabi ko kanina pa gusto lumabas 'yong inis ko.
"Kung hindi niyo po siya girlfriend bayaran niyo na lang po baka nagsisinungaling lang po kayo hindi natin alam magkakilala kayong dalawa," sabi ng may-ari. Ako pa talaga ang magbabayad ang kapal ng pagmumukha nu'ng babaeng 'yon.
"What the heck! Fine babayaran ko na lang kayo. If ever makita n'yo ang babae na 'yon tawagan n'yo na lang ako at magkikita kami sa prison," inis na sabi ko. No choice ako gusto ko nang kumain dahil gutom na ako. Nakita ko nang umalis na sa harapan ko ang owner nitong restaurant uupo na sana ako nang biglang magsalita ang waiter.
"Sir ayon po ang girlfriend niyo po!" sabi ng waiter at sabay turo sa babae na ngayon nagtatago sa sling bag niya.
"Bingo!" I murmured. Tumakbo siya ng mabilis palabas tapos sinundan ko siya ka agad. Nakakapagod pala ang tumakbo ng mabilis hinihingal na ako at ang bilis n'yang tumakbo.
BINABASA MO ANG
I'm His Anti Fan (Ongoing)
General FictionLeyana Kim Jadura is a hardworking woman who can do everything just to provide with their needs especially to her mother who have a Heart Disease and also she have a younger sister. Her favorite habit is taking a picture/Photographer. Dahil sa hirap...