Kanina pa nakakulong si Boss simula nu'ng sinabihan ko s'yang mag-sorry sa kanyang ama. Umalis na rin ang kanyang mga magulang at sinabihan pa nga ako nila na ingatan ko raw ang anak nila.
Ginawa ba naman akong tagabantay ng isang baby damulag. Hay nako mukhang 'di magkaayos ang ama at anak kitang kita mo talaga sa kanilang mga mukha na hindi nila gustong magkita ang isa't isa. Ewan wala na akong pakialam d'yan sa buhay nila.
Nagluto na lang ako baka sakaling magugutom na s'ya at least may pagkain ng nakahanda sa hapagkainan. Tapos na rin akong maglinis sa condo unit niya kaya napagdesisyonan kong umuwi na dahil gabi na rin.
Kinuha ko na ang sling bag ko pero maka ilang hakbang lang ako ay napahinto ako dahil may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko ito kong sino humawak.
"Ihahatid na kita baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo," cold na sabi niya. 'Di ko talaga mapapatawad ang sarili ko dahil sa inasal ko kanina ang kapal talaga ng mukha ko bakit pa ako nakikialam sa kanila pero nasa katarungan naman ako.
"Kayo po ang bahala sir," ngiting sabi ko. "Pero bago n'yo po ako ihahatid sir kumain na muna po kayo para 'di kakalam 'yang sikmura mo 'pag nasa byahe na tayo," dagdag ko pero tumango na lang s'ya at pumunta na sa kusina habang ako naman ay nakaupo lang sa sala.
••••••
Nakakabinging paligid ang awkward ng pangyayaring ito. Nasa kotse nga kami habang s'ya naman ay busy lang sa pagmamaneho. Bahala s'ya kung 'di n'ya ako kayang kausapin edi 'wag ang ka-cornihan naman.
"Sorry pala kanina napahiya pa kita tuloy sa mga magulang mo," pagbasag ko sa katahimikan.
"Okay lang," walang kabuhay-buhay n'yang sabi. Wala talaga akong mapapala sa kumag na'to nakakainis ako na nga itong lakas loob na kausapin s'ya pero ang liit lang ng reply n'ya sa akin. Pwes! Bahala ka sa buhay mo.
"Sir, galit po ba kayo sa'kin?" Tanong ko sa kanya. "Hindi naman," he said directly. Kung ako pa sa 'yo Leyana tumahimik ka na lang wala sa mood mag-talkative sa'kin ang boss mong may tupak. "Arogante," mahinang sabi ko.
"Leyana, I'm warning you 'wag mong pakialamin 'yong buhay ko," seryosong sabi n'ya.
Gusto kong umiyak sa sinabi n'ya pero 'di pwede may mali ba akong ginawa sa kanya para lang sa ganon ay affected na ako. Okay fine kung ayaw n'ya ng tulong sa iba titigil na lang akong tulungan s'ya.
"Sir, ibaba n'yo po ako d'yan mag-taxi na lang po ako para hindi na po kayo maabala," mahinahon kong sabi. Gusto ko s'yang sakalin, bugbugin, o kung ano pa pero hindi ko magawa nanggigil ako sa hitsura n'ya.
Pinahinto na n'ya ang sasakyan sa tabi ng daan pero bago pa ako bumaba sa kotse ay may sinabi na muna ako sa kanya.
"Thank you po sir sa paghahatid n'yo po sa'kin at sa mga araw na naging kasama kita, pero 'wag kang mag-alala sir ito na ang huling beses na makikita mo pa ang pagmumukha ko," sabi ko at isinirado ko na ang pintuan ng kotse n'ya.
BINABASA MO ANG
I'm His Anti Fan (Ongoing)
General FictionLeyana Kim Jadura is a hardworking woman who can do everything just to provide with their needs especially to her mother who have a Heart Disease and also she have a younger sister. Her favorite habit is taking a picture/Photographer. Dahil sa hirap...