CHAPTER 05

49 30 26
                                    

Para akong binuhasan nito ng malamig na tubig dahil kaharap ko ngayon ang may-ari ng boses sa restaurant.

Nakaramdam ako ng hiya at takot baka ipakulong pa niya ako jusko anong gagawin ko!

"So ikaw pala 'yong babae do'n sa restaurant tama ba ako?" Ngiting sabi niya. Hala ba't ang gwapo niya kapag nakangiti siya. Erase wala ka sa oras na magpantasya ngayon Leyana wake up.

"Hehehe sorry po babayaran naman kita, hito ang bayad ko," sabi ko at dali-dali kong kinuha ang wallet ko.

Pero bigla na lang niya ako hinila at pumasok kami sa isang room ng hotel. Nagulat ako sa ginawa niya anong balak nitong damuho na 'to.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya pero deadma lang ito kapal ng mukha kaya ginawa ko ay hinila ko pabalik ang kamay ko. Medyo masakit na ito dahil sa higpit na pagkakahawak niya.

"At tyaka susunod naman ako sa iyo ah kung maka hila ka parang kilala mo ako kapal masakit 'yong kamay ko," inis na sabi ko sa kanya pero ang sakit ng pagkakatingin n'ya sa'kin parang anytime kakainin n'ya ako.

"Uyy! Babayaran naman kita ah hito pera," sabi ko. Inabot sa kanya ang pera pero wala epic iniwasan niya at umupo sa harap ko, nasa gitna siya ng couch grabe ganon ba siya ka maldito kung ayaw niya ng pera eh 'di 'wag kasalan ko ba. "I don't like your money," sarkastikong sabi niya.

"Huh? Bakit ayaw mo sa pera ko? Kung ayaw mo aalis na lang ako," sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako ng bigla s'yang magsalita.

"Don't you dare to go out without my permission or else y--" putol na sabi niya dahil inunahan ko na siya magsalita.

"Or else papakulong mo ako o ipapatay sa mga assassin's mo. 'Di ba ganyan naman kayo mga mayayaman. Oh come on! Babayaran naman kita so ayan na ang pera tapos hindi mo ito tatanggapin anong problema mo," irap na sabi ko. Inilagay ang pera sa mesa at tumalikod na sa kanya pero bago pa ako maka isang hakbang nagsalita na ulit siya na ikinagulat ko.

"Para mabayaran ang utang mo. I need your body," ngiting sabi niya. Aba! Bastos kang unggoy ka.

"BASTOS!" Inis na sabi ko para akong kumukulo na tubig nito dahil sa sinabi niya.

"I mean para mabayaran ang utang mo be my slave," sabi niya. What? Slave n'ya ako?

"May pera naman ako, so babayaran ko na lang pwede?" Saad ko. Pero deadma lang ang unggoy. Ewan ko ba kung bakit unggoy tawag ko sa kanya gwapo naman siya sadyang makulit lang siya.

I'm His Anti Fan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon