CHAPTER 09

26 13 1
                                    

LEYANA'S POV

Nandito ako ngayon sa malawak na lupain puno ng mga bulaklak at mga damo. Masarap ang simoy ng hangin at dinama ko ang bawat pagdampi ng hangin sa pisngi ko. May nakita akong malaking puno at agad ko itong tinakbuhan.

Bigla na lang ako tumigil ng may nakita akong familiar na mula sa kanyang likuran ay 'di makakailang siya ito pero ano ginagawa niya rito. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong inabutan ng bulaklak na rosas sobrang ganda nito.

"Para sa'n naman 'to sir. Nakakahiya naman po ito," ngising sabi ko habang nakaturo ako sa bulaklak na hawak ko ngayon.

"Para sa 'yo 'yan binili ko para sa taong pinakamamahal ko," ngiting sabi niya. Ano? Nalilito ako ano ba ang nangyayari. No panaginip lang ito. Nanaginip lang ako nito. Oo panaginip lang ito. Pero hindi eh parang totoo.

"Ayos ka lang ba mahal ko?" Tanong sa'kin ni Oliver. Confirm hindi talaga panaginip.

"A-ahh o-oo ayos lang ako," utal na sabi ko. Humakbang palapit sa'kin si Oliver, agad na hinila ang kamay ko, at walang sabing niyakap niya ako. Mga ilang minuto lang ang pagyayakapan namin ay agad naman siya nagkalas at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Kung panaginip lang ito ayaw ko ng gumising pa. Dahan-dahan na lumapit ang mukha ni Sir Oliver sa'kin at walang sabing hinalikan niya ako. He kissed me.

Nagising na lang ako dahil sa pagkakayugyog sa'kin ng kapatid ko. Sabing panaginip lang ang lahat pero para sa'kin totoong naghahalikan talaga kami. Bumalik na lang ako sa reyalidad ng bigla akong hinampas ng unan sa mukha ko.

"My Sister! Are you okay? Para kang timang d'yan sa kama ngumiti lang ng walang dahilan," ngising sabi ni Lealanie ang kapatid kong makulit.

"I'm sorry Lealanie may napaginipan lamang ako na 'di dapat mangyari sa totoong buhay ko," wika ko. Lumapit sa'kin si Lealanie at niyakap niya ako.

"Ate! Panaginip lang ang lahat pangako ko sa'yo na hindi 'yan totoo," aniya ni Lealanie. Bigla na lang kumalas ang kapatid ko sa pagyayakapan naming dalawa. Umupo siya sa may dulo ng kama ko. Hindi ko mabasa ang kanyang isipan.

"My sister! Curious lang ano ba ang napaginipan mo at bakit masaya ka," tanong sa'kin ng kapatid ko.

"Wala lang bunso no," pag-iwas ka sa tanong n'ya.

"Bunso! Promised me na hindi mo ako isusumbong kay mama okay?!" Pagmamakaawa ko. Hindi ko dapat sasabihin kay mama na nagtatrabaho na ako, ayoko siyang magulat sa mga pangyayari. Tumango na lang si Lealanie bilang sagot n'ya.

I'm His Anti Fan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon