CHAPTER 10

22 10 0
                                    

Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, bumangon na ako na may ngiti sa labi ko. Lahat ng mga nangyari nu'ng nakaraang araw na 'yon ay patuloy na manumbalik sa isip ko.

FLASHBACK:

Pagkatapos n'yang hawakan ang kamay ko ay bumalik na s'ya sa pag-jojogging sinundan ko naman s'ya sa pagtakbo. Maya't maya pa ay hindi ko kinaya at umupo na lang ako sa may upuan dito sa Park.

A few minutes later pumunta si Oliver sa gawi ko and he bend his knees hudyat ng gusto n'ya akong i-piggy back ride.

"Anong ginagawa mo sir Oliver?" Tanong ko sa kanya. Pa choosy ka talaga Leyana ikaw na nga itong nilapitan choosy ka pa!

"Sumakay ka sa likod ko, anong gusto kong gawin sa 'yo gusto mo bang buhatin kita na para bang bagong kasal," he said with a sarcastic tone. Hindi ko talaga kaya kinikilig ako!

"May paa naman ako at kaya kong maglakad hindi ako pila--," na putol na lang ang sinabi ko nang bigla n'ya akong kinarga na para bang bagong kasal buti na lang at nakasuot na s'ya ng face mask kung 'di lagot talaga kami nito.

"Sir, ibaba n'yo na ako baka may makakita pa sa atin dito kawawa ka naman," sabi ko sa kanya at nagpumulit ako sa kanya na ibaba n'ya ako.

"Pwede ba 'wag kang malikot at yumuko ka para 'di ka ma-capture ng mga paparazzi sa paligid natin," seryosong sabi niya. Ginawa ko na lang ang sinabi niya dahil anytime and anywhere talaga ang mga paparazzi.

A few minutes, nakarating na kami sa may kotse niya grabe talaga 'tong tao na 'to ang lakas niya daig pa si Superman e. Ipinasok niya ako sa passenger seat, at umikot na siya para buhayin ang makina saka na kami umalis sa Park.

I'm His Anti Fan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon