"By next month kailangang n'yong maipasa lahat ng requirements. Sinabi ko na ito ng maaga para kung may mga kulang kayo ngayon ay magawan ng paraan. Okay ba? So class dismissed."
Sa wakas tapos na rin ang napaka habang seremonyas ng aming Professor. Nag inat ako saglit at agad agaran kong sinukbit ang aking bag at inayos ang upuan bago lumabas ng kwarto.
Saan na nga ba ako pupunta neto? Maaga pa para umuwi. Nilabas ko muna ang cellphone ko sa aking bulsa at tinignan kung may mga nag text ba, at hindi nga ako nagka mali sabog na sabog ang notification ko ngayon dahil sa dami.
"Hi? are you Aleck Manrique?"
"Bibigyan kita ng dalawampung libo, maalis mo lang ito"
"P50.00 prepaid credits was loaded to ur mobile# 0977******. Trace No: 97******* 02/12/202x 3:00PM"
Natawa ako ng bahagya dahil sa huli kong nabasang message, akalain mo yun nakalibre pa ako ng singkwenta tamang tama magpapa load pa man din sana ako. Pinatay ko ang cellphone ko at inilagay ito sa bulsa.
**
Tinignan ko ang kalangitan at tumingin sa aking orasan.
"5:30 pm", pabulong na sabi ko sa aking sarili. "Kailangan ko ng umuwi".
Sa aking pag lalakad hindi ko maiwasang tignan ang kalyeng aking nilalakaran. Kaliwa't kanan ang mga nag bebenta ng bulaklak, mga pag kain at kung ano ano pa. Patuloy lang ang aking pag lalakad hanggang sa ako'y nakaramdam ng kakaiba.
Nang gagaling iyon sa isang eskinita at tama nga ang aking nararamdaman. Tumakbo ako papasok sa eskinitang iyon at hinabol iyon. May mga nakasalubong akong kapulisan at mukhang may tinutugis din.
"Hoy!!! bumalik ka dito!", malakas na sigaw ko.
Napatingin naman ang mga tao sa aking gawi, gulat silang napa tabi at nabigyan ako ng daan. Ang galing mabilis ko iyon na mahahabol. Kumaliwa ako at nasa kabilang kalye na ako na marami ring tindahan.
Kasunod ko ang mga kapulisan at sinisigaw nilang habulin ko iyon. Napangiti ng bahagya at muling tumakbo ng mabilis.
Malapit ka na.
Konti na lang.
"Hopia!!", tumalon ako sa kariton na maraming gulay. Gusto ko sanang humingi ng patawad sa nag titinda ngunit wala na akong oras.
"Kuya! susuko na ako," sabi ng lalaking kanina pa rin tumatakbo, eto ata yung hinahabol ng mga pulis. Pero wala akong pake dahil hindi sya ang aking pakay.
Nilagpasan ko lang s'ya at tumakbo ulit para habulin yun. Tae! hindi ko pa ata makukuha yun.
Marami na sigurong nagtataka kung bakit ako takbo ng takbo eh wala naman akong hinahabol. Well, nakakita lang naman ako ng mga hindi nila nakikita. At ayun ay ang mga multo.
Simula pagka bata ko, nakakakita na ako ng multo. Pero noon ay takot pa ako dahil ako ay isa lamang paslit. Ngunit sa aking pag laki nang ako'y ay nagka muang na, natutunan ko rin kung paano gamitin ang aking abilidad. At ngayon ay ginagawa ko na syang trabaho. Tamang side line lang para mabuhay ako sa pang araw araw dahil wala na akong kinalikahang magulang.
Kailangan kong gumawa ng paraan para mabuhay at maraming salamat sa aking abilidad.
BINABASA MO ANG
Hello, My Ghost [On Going]
ParanormalSi Aleck Manrique ay isang exorcist kung saan sa kanilang bayan ay siya ang tinatawagan kapag may nangyayaring kababalaghan. Isang gabi sa kanyang pag lalakad pag tapos gawin ang kaniyang trabaho naka bunggo siya ng makulit na multo na malaki ang ma...
![Hello, My Ghost [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/234082176-64-k663625.jpg)