Tinignan n'ya ako ng masama at nagulat s'yang nakatingin din ako sakanya.
"N-nakikita mo ako?", winagayway n'ya ang kanyang kamay sa mukha ko, hinawi ko ang kamay n'yang nasa mukha ko at nag patuloy sa pag lakad.
Akala ko hindi na s'ya sumunod pero akala ko lang pala iyon.
"Hala? nakikita mo talaga ako? di nga?", hindi n'ya makapaniwalang sabi at dinudutdut niya nang dinudutdut ang likuran ng aking balikat.
Pinag patuloy ko lang ang aking pag lalakad at nakasunod parin sa akin ang makulit na multong 'to. Madami pa s'yang sinasabi pero hinahayaan ko na lang ito.
At nang ako ay naiinis na sa kanyang kadaldalan, haharapin ko na sana s'ya. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay may naramdaman akong malakas na enerhiya.
Hindi ito nang gagaling sa multong katabi ko, pinakiramdaman ko ang paligid ko at masasabi kong nasa madilim na parte ng kalsada ito nag tatago yung sa posteng walang ilaw. Agad ko namang kinuha ang kutsilyo sa aking bulsa.
Nakita naman ng multo kong katabi ang ginawa ko at napalayo s'ya ng kaunti.
"Anong gagawin mo?", takang tanong n'ya. Agad ko naman s'yang pinatahimik at tumahimik naman ito.
Nakasunod lang s'ya sa likod ko, napapansin ko ring tingin s'ya nang tingin sa hawak kong kutsilyo.
Biglang bumigat ang atmospera sa aking paligid at nararamdaman kong malapit na ako sa kanya. Pabigat nang pabigat ang aking hakbang papunta sa tabi ng posteng walang ilaw. At biglang—
"Alam mo, para kang tanga sa ginagawa mo", sabi n'ya sa akin habang ang kaniyang dalawang kamay ay nakahawak sa magka bilang bewang niya.
"Mabuti pa kung ako na lang pumunta dun", aniya. Agad s'yang nawala sa aking tabi at pumunta sa posteng walang ilaw.
Sumigaw s'ya sa akin na wala naman daw problema roon, agad naman akong napa ayos ng tayo at huminga ng malalim. Nilagay ko ulit sa aking bulsa ang kutsilyo.
"Bakit ba ang kulit neto?", sabi ko sa aking sarili.
Pupunta na sana ako sa posteng iyon ng biglang s'yang humiyaw. Naalarma ako at tumakbo ng mabilis papunta sa posteng iyon.
"Tulong!!!! Ahhhhh!! ", sigaw n'ya.
Ngayon lang ako nakakita ng multong takot na takot sa kaperaha n'yang multo. Kakaiba.
Nang maabutan ko sila agad akong tumalon sa likod ng multong may hawak sa makulit na multo, ngunit hinagis rin ako nito ng walang kahirap hirap.
"Aray!", impit na aking sabi.
Napahawak ako sa aking likod dahil ayun ang unang tumama. Masakit yun sobra!
"Hoy! akala ko pa naman malakas ka! mahina ka rin pala! pwe!", sigaw sa akin ng makulit na multo na ngayo'y nakikipag laban sa isa pang multo
Sinuntok n'ya sa t'yan at tinadyakan n'ya yung mukha ng multong iyon. Napahinto naman yung multo ngunit akala ko tapos na pero.. ito ay may inilalabas na itim na usok. Patay. Kailangan kong gumawa ng paraan.
Agad agaran ko namang kinuha ang aking bag na malapit lang din sa akin at kinuha ko sa loob nito ang maliit na booklet at ang aking kutsilyo sa bulsa. Pinatong ko ang kutsilyo sa booklet at inayos ko ang pag kakaupo ko. Nilapag ko sa damuhan ang dalawang bagay na aking nilabas. Pinikit ko ang aking mata sabay bigkas ng isang ritwal na kayang mag tanggal ng malakas na enerhiya sa masamang espiritu.
"Hoy?! anong... ginagawa...ano... pang ginawa mo? !", hingal na n'yang tanong sa akin, agad ko naman s'yang tinignan at pinikit ulit ang aking mata.
Agad kong tinapos ang ritwal at tumayo.
"Hoy! ako ang kalabanin mo!", sigaw ko sa multong iyon. Agad namang nag liwanag ang kaniyang mata at makikita mo dun ang pag kasabik n'ya.
Tumakbo siya papunta sa aking kinaroroonan at sinalubong ko iyon. Sasaksakin ko na sana s'ya ng aking mahiwagang kutsilyo nang bigla s'yang mawala sa aking harapan.
Agad naman akong napatingin sa likod ko at nandoon nga s'ya. Bigla niya akong tinadyakan sa aking tiyan agad akong napasapo ng aking tiyan at dumura ng kaunting dugo.
"Hayop ka, wala pa akong kain", tumakbo ako ulit para suntukin s'ya at nagawa ko nga.
Napaatras s'ya ng kaunti at tinignan ako ng masama. Sisipain niya ulit sana ako ngunit naka ilag ako. Halatang sanay lumaban ang multong 'to kaya nahihirapan akong maka tiempo.
"Hoy, panget! sa... pu.. so!", hingal niya paring sambit.
"Ano?!", sigaw ko sa kaniya habang ako ito parin, nakikipaglaban.
"Sa puso mo s'ya tamaan!". Agad naman akong napatingin sa puso niya na ngayon ay lumiliwanag. Siguro ito yung weakness point niya.
Tumakbo ang makulit na multo palapit sa amin at pumunta sa likod ng isa pang multo. Kinuha n'ya ang mga kamay nito at nilagay sa likod.
"Isaksak mo na!!!", sigaw niya sakin.
At walang pag aalinlangang itinusok ko ang kutsilyo kung saan nandoon ang puso. Bigla bigla naman 'tong naging abo at hinangin na.
Sa wakas, tapos na.
Napa upo na lang ako sa sobrang pagod at gutom. Nang biglang may mag salita sa harapan ko.
"Ayos ka lang?", alalang tanong niya sa akin. Bigla naman s'yang umupo sa harap ko at tinignan ako nang naka nguso.
"Ha", pasinghal kong sagot, "sa tingin mo ayos pa ako sa lagay na 'to? nag aadik ka ba?", sunod kong sabi.
"Alam mo ako na nga itong nag aalala sayo, ikaw pa 'tong galit", tumayo siya habang sinasabi n'ya iyon.
Bigla n'yang nilahad ang kaniyang kamay sa aking harap at takang tinignan ito.
"Aanhin ko yan?", takang tanong ko. Napairap naman siya sa akin habang naka lahad pa rin ang kaniyang kamay sa aking harapan, "Siguro pinapakita ko lang yung magandang kamay ko— kunin mo na ang aking kamay at nang ikaw ay maka tayo na dyan!", sigaw niya sakin.
Tsk, maldita. Kinuha ko na ang kaniyang kamay at tinulungan na akong tumayo, pinagpag ko na rin ang bag at pwetan ko na alam kong nadudumihan na.
Nag inat inat ako at pinag patuloy na ang pag lalakad. Kailangan ko nang kumain, pinang merienda ko yung extrang bigay na pag kain ng aking tiyahin. Sa aking pag lalakad di ko namalayang naka sunod parin pala sa akin ang makulit na nilalang na 'to. Huminto ako at huminto rin s'ya, tinignan niya ako ng napaka inosente at tinignan ko rin siya.
"Bakit ka ba sunod nang sunod?", inis na tanong ko sa kanya.
"Eh bakit ka nakakita ng mga tulad namin?", tanong naman nito pabalik. "Bakit ba ang kulit mo?", tanong ko ulit sa kanya pabalik.
"Ano na lang pangalan mo?". Ngiting tanong n'ya sa akin.
"Pag sinabi ko ba ang pangalan ko, titigil ka na sa pag sunod sa akin?", tanong ko ulit sa kanya at tumango naman siya ng mabilis.
Humarap naman ako sa kaniya at inilahad ang kamay ko sa harapan niya.
"Aleck Manrique", pag papakilala ko. Ngumiti naman siya at akala ko ay makikipag shake hands siya sa akin ngunit tinabig niya lang ito at tumawa.
Agad naman akong naguluhan sa kaniyang inakto, mag sasalita na sana ako ng bigla siyang mawala.
Nasaan na 'yon?
"Nice to meet you, Mr. Manrique", sigaw niya.
Agad ko namang sinundan ang sigaw na iyon at nasa dulo na siya ng kalsada. Winagayway niya pa ang kaniyang kamay na parang nag papaalam at nawala na siyang tuluyan.
"Hindi ko man lang nalaman pangalan mo, makulit na multo". Iling kong sabi sa aking sarili at patuloy na ulit ako sa pag lalakad.

BINABASA MO ANG
Hello, My Ghost [On Going]
ParanormalSi Aleck Manrique ay isang exorcist kung saan sa kanilang bayan ay siya ang tinatawagan kapag may nangyayaring kababalaghan. Isang gabi sa kanyang pag lalakad pag tapos gawin ang kaniyang trabaho naka bunggo siya ng makulit na multo na malaki ang ma...