Lia's POV
Hindi pa rin ako makapaniwalang may kasama ako ngayong araw ng mga puso, sana pala matagal ko nang na bangga itong si Aleck.
Marami na rin kaming napuntahan sa parkeng ito at medyo pagod na rin kami. Umupo muna kami sa bench na wala masyadong dumadaang tao.
"Salamat ha? mabait ka rin pala," nahihiyang sabi ko sakaniya.
"Wag ka nga, ginawa ko lang 'to para di mag kautang sayo. Tsaka sayang din yung perang pang date ko sana sa dapat kasama ko ngayon," sabi niya naman.
Agad naman akong napatingin sa kaniya at nanlaki ang mata.
"Ikaw magkakaroon ng date ngayon?" luminga linga ako sa paligid ko. "Oh nasaan yung date mo? di ka sinipot? HAHAHAHA," agad naman akong napahalakhak.
Sinimangutan niya lang ako. Grabeng lalaking 'to daig pa babae sa pag tataray.
"Ay, matanong nga kita, paano ka nakakakita ng mag katulad namin?" pag tatanong ko na lang rito.
"Sa akin na lang yun," yun na lang ang kaniyang sinabi at wala nang nag salita pag katapos nito.
"Bata pa lang ako, siguro mga lima o anim na taon ako nung nalaman kong mag ganito akong kakayahan," pang bungad niya at napatingin ako sa kaniya. "Noong unang beses ko makakita natatakot pa ako, ikaw ba naman sinong bata ang matutuwa kapag nakakita ka ng pangit na mukha?" bahagya naman siyang natawa sa kaniyang sinabi."Hanggang sa nasanay na lang rin ako,"pag tatapos niya.
"Ngayon, masaya ka bang nakakakita ka?". tanong ko ulit.
"Ang dami mong tanong, halika na. May pupuntahan pa tayo." ayun na lang ang kaniyang nasabi at tumayo na.
**
Aleck's POV
Hindi ko alam kung tama bang isinama ko ito ngayon sa pupuntahan ko, wala siyang tigil sa pag dadaldal.
Pupunta kami ngayon kung saan natagpuan yung mga binata na nasa balita, sa abandonadong gusali.
"Huy, saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Sumunod ka na lang", wika ko.
Sa aming ilang minutong pag lalakad nandito na kami sa tapat ng gusali. Napaka tahimik ng lugar kahit na hapon pa lang. Kung meron mang mga bahay mga ilang kilometro pa ang layo rito.
"B-bakit tayo nandito?" nauutal niyang tanong.
Agad namang kumunot noo ko sa kaniyang naging aksiyon. Agad naman niyang nakitang nakatingin ako sa kaniya at bumalik na sa dati ulit ang kaniyang mukha.
"Aleck, hmmm... may iba pa pala akong gagawin. P-paalam". tumakbo siya papalayo sa akin at nag laho.
Napatunganga ako sa ginawa niya pero bumalik rin ako sa aking pag iisip.
Tinignan ko ang abandonadong gusali sa aking harapan at masasabi kong nakakatakot nga tignan ito mula sa labas. Huminga ako ng malalim at humakbang papasok sa gusaling iyon.
Pag tapak ko palang sa entrance umihip ang hangin ng napaka lakas. Agad nag sitayuan ang aking mga balahibo at napayakap ako sa aking sarili.
Tama naman sigurong pumunta ako dito diba? kasi nararamdaman kong may mali dito.
~Krik
Agad akong napatingin sa naapakan ko. Picture frame? Agad ko itong pinulot at tinignan ang basag na picture frame. May mga bata at madre, bahay ampunan?
Sa aking pag iisip biglang may kumalabog sa ikalawang palapag, agad akong napaakyat at wala akong nakikita kung hindi mga sirang lamesa, upuan, at kung ano ano pa.
Hanggang sa ako ay may marinig na tawa sa aking likuran, nilingon ko iyon pero wala na roon iyon.
"Habulin mo ako," ani ng tinig na iyon.
Siya ay nasa dulo ng hallway malapit sa hagdan papunta sa ikatlong palapag. Nakatayo lang siya roon at iniikot niya ang pang ibaba ng kaniyang dress.
Hahakbang na sana ako papunta sa kaniya nang ito ay mawala ulit.
"Sayaw tayo," bulong nito sa likuran ng aking tainga.
Lumayo ako ng bahagya para hindi madikit sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya habang paatras ako nang paatras.
Ang makikita mong saya kanina sa kaniyang mata ay biglang nawala at napalitan iyon ng galit.
"Pinatay niyo ako—pinatay niyo ako!!!!" at walang pasabing sinakal ako.
Tinatanggal ko ang kaniyang kamay sa aking leeg pero mas lalo niyang hinihigpitan ito at mas lalo akong hindi makahinga.
"H-hindi ako m-makahinga". Hindi pwede 'to, hindi ako pwedeng mamatay lang dahil sa isang 'to.
Humugot ako ng lakas at tinadyakan siya sa kaniyang tiyan. Ako naman ay hinahabol ang aking pag hinga at umubo ubo dahil sa higpit ng kaniyang sakal.
"Pinatay n'yo ako," wika niya habang humahagulgol.
Pumunta ako sa harap niya para patahanin siya kaso mali palang lumapit ako dahil sinakal niya na naman ako at ako naman ay napahiga dahil sa lakas ng pag kakasakmal niya sa akin.
"Hindi mo ako maloloko HAHAHAHA," pumula ang kaniyang mata at para akong nahihipnotismo dahil doon.
Ito ata ang dahilan ng pag kawala ng mga binata ginamit niya ang kaniyang mata para mahipnotismo sila at dalhin dito sa abandonadong building.
Hindi pwede 'to, agad kong pinikit ang aking mga mata. Pilit niyang binubuksan ito gamit ang isa niyang kamay.
~Booog
"Ganito na lang ba lagi magiging senaryo natin? Lalaki ka ba talaga?" sa boses pa lang na yun kilala ko na.
Napamulat ako ng mata at tumayo ako ng bilis. Tinignan ko ang babaeng sumakal sa akin na ngayon ay hinihamas ng ulo.
"Ako ata ang lalaki sa ating dalawa eh," pang aasar niya sa akin.
"Saan ka nag punta?"tanong ko rito.
Ngumiti naman siya ng bahagya at pinaningkitan ako ng mata.
"Mga hayop kayo!" agad naman kaming napalingon ng kasama ko sa kaniya.
Napatingin kami sa isa't isa at ngumisi. Tumakbo kami sa direksyon niya at sinipa namin ng sabay sa tiyan.
Napaatras naman ito at napa upo pero tumayo rin ito agad. Nagulat kami nang bigla itong mawala kaya mas naging alerto kami.
"Aray ko!" sigaw ng makulit na multo.
Lumingon ako dito at sinasabunutan siya ng babae sa likuran. Humarap naman yung makulit na multo at nakipag sabunutan.
"Alam ko, kung nasaan." napatigil naman ako sa sinabi nung makulit na multo.
"H-hoy ano bang sinasabi mo d'yan?" medyo sigaw kong sabi sa kaniya.
Nakahawak pa rin yung babae sa buhok niya pero bumitaw ito nang marinig niya yung sinabi ng makulit na multo.
"Nandito lang yung katawan mo tama ba?" tanong niya.
Agad namang naluha yung babae at tumango tango. Agad akong tumawag ng mga pulis para dito.
At ilang minuto lang ay nandito na ang mga pulis at kinuha na ang katawan malapit sa abandonadong building na ito. Palabas na sana kami ng makulit na multo pero tinawag kami ng babae. Ngumiti ito at nag pasalamat at nawala na ito.
Araw ng mga Puso pero ito ako—dalawang beses sa isang araw makipag babakbakan sa mga multo.
BINABASA MO ANG
Hello, My Ghost [On Going]
ParanormalSi Aleck Manrique ay isang exorcist kung saan sa kanilang bayan ay siya ang tinatawagan kapag may nangyayaring kababalaghan. Isang gabi sa kanyang pag lalakad pag tapos gawin ang kaniyang trabaho naka bunggo siya ng makulit na multo na malaki ang ma...
![Hello, My Ghost [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/234082176-64-k663625.jpg)