Chapter 8

12 2 1
                                        

Aleck's POV

Lunes na naman at sobrang sakit ng katawan ko, nandito na naman ang aking tiyahin para kamustahin ako.

"Aleck, ano pang tinutunganga mo d'yan? kumilos ka na at may pasok ka!"sigaw ng aking tiyahin.

Tamad akong tumayo sa sofa papunta sa kwarto ko para kumuha ng damit. Pwede bang umabsent muna? nakakatamad talaga pag lunes.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Sa aking pag ligo di ko makalimutan ang mga ginawang pag tulong sa akin ng makulit na multo. Ngumiti ako ng bahagya kapag naalala ko mga pinag gagagawa niya. Pero di ko rin maiwasang isipin kung ano ba ang nangyari para maging ganun yun.

Tinapos ko na agad ang pag liligo ko dahil baka mabulyawan na naman ako ng tiyahin ko, mahirap na.

Nag paalam na ako sa aking tiyahin para pumasok sa eskwelahan.

**

"Huy, Aleck!" lumingon ako sa sumigaw.

Tanya..

"Sorry talaga ha? hindi ako nakasama sa gala mo kahapon," bungad niya sa akin.

Ngumiti naman ako dito at ginulo ang buhok. "Ano ka ba? ayos lang yun, tsaka marami rin akong ginawa kahapon, kamusta pala gala niyo ng pamilya mo?" napatigil siya sa akin at tinignan ko naman siya.

"Aleck, ano kasi—" napatigil siya sa pag sasalita dahil may biglang tumawag sa kaniya.

Nilingon ko naman ito, masasabi kong may katangkaran rin itong lalaki at may itsura. Pumunta siya sa gawi namin habang tumatakbo.

"Hi, babe". sabay halik sa pisnge ni Tanya.

Nagulat naman ako sa ginawa niya, kumunot ang aking noo at tinignan ni Tanya.

"Hmm.. Aleck, b-boyfriend ko". sabi niya habang di siya makatingin sa aking mata.

"Hi, bro. Marco nga pala," pakilala niya.

Nilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan, tinignan ko muna si Tanya bago ito kunin.

Kunwari akong tumingin sa aking orasan at sinabing mauuna na ako.

Pag pasok ko sa room, agad kong binagsak ang ulo sa desk at pumikit. Nang may biglang mag salita sa tabi ko.

"Ang ganda pala ng school n'yo no?" napatayo ako sa gulat dahil sa kaniya.

Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko, at agad akong pekeng tumawa. Kinuha ko ang phone ko at kunwaring may tinatawagan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, siya ang kunwaring tinatawagan ko para di ako mag mukhang baliw.

"Hmm.. Wala lang hehe," ngiti niya namang tugon.

"Umalis ka na sa upuan na yan, bago pa dumating yung katabi ko". sabi ko sa kaniya.

"Ayoko nga", pag mamatigas niyang tugon.

Gumilid ako ng upo at sinipa sipa ng marahan ang upuan sa kanan ko. Tinignan niya naman ako ng masama at kunwaring susuntukin ako.

Ang sunod kong ginawa ay tumayo ako at sadyaing tumbahin ang nasa tabi kong upuan. Agad naman nag si tinginan ang mga kaklase ko. Nang hingi ako ng paumanhin at itinayo na iyon

Mas lalo akong tinapunan ng masamang tingin ng makulit multo na ngayon ay nakasalampak sa sahig.

~Rrrringg

Hudyat na simula na ng klase. Tumayo na ang makulit na multo—bago siya lumabas ng kwarto, lumapit siya sa akin at binatukan ako.

"Aray!!" angil ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello, My Ghost [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon