Aleck's POV
Gumising ako ng maaga ngayong araw para makapag ayos ako ng aking sarili. Nag ligpit na rin ako ng mga kalat para pag dating ng Tita ko ay hindi na ako sermunan.
Sa aking pag aayos ay may biglang kumatok."Baka si Tita na yun". Agad kong binaba ang mga gamit na hawak ko para mabuksan ko ang pintuan.
Nang buksan ko iyon, wala naman akong nakitang tao na nakatayo roon.
Siguro mga bata lang yun sa kabilang unit na naglalaro, agad naman akong napailing at sinara na ang pintuan. Pero mga ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa may kumatok ulit.
Binuksan ko ito at makitang wala na namang tao. Lumabas na ako ng tuluyan sa aking pinto para tignan ang hallyway, pero tahimik ang bumabalot dito.
Pag pasok ko sa aking unit may narinig akong pang batang tawa. Nilingon ko ang aking likod pero wala, mas nilakasan ko ang pandama ko para mahuli ko na ito.
Dahan dahan akong nag lakad, tinignan ang bawat sulok at narinig ko na naman ito. Ako sana ay lilingon ng biglang may bumulong sakin.
"Laro tayo," nanindig ang aking balahibo.
Tumingin ako ng dahan dahan dito at nakita ang batang multo, lumayo ako nang kaunti sa kaniya. Pinag masdan ko ang batang multo. Siya ay walang pang itaas na damit—makikita mo doon na maraming pasa, short na gutay at buhok na hindi mo kung anong nangyari dahil may mga parte doon na nakalbo na. Masasabi kong ikinamatay nito ay dahil sa pang bubugbog.
"Laro tayo," pag uulit niya.
Luluhod na sana ako sa harap niya ng may kumatok ulit sa pinto, agad akong lumingon dito at nung lilingon na ako sa bata—nawala na ito.
Binuksan ko na ang pinto at bumulaga sa akin ang aking titang naka pamewang.
"Kanina pa ako katok ng katok—", pinigilan ko na ang aking tita sa pag sasalita kasi alam kong wala na namang katapusan iyon.
"Tita, aalis ho ako, kumain na rin po ako at nag ayos na. Tatawag pa ako kapag nakauwi na ako," magalang na aking sabi.
Kinuha ko na ang aking phone at humalik na sa pisnge ng aking tiyahin.
"Happy Valentine's Day, Tita". At umalis na ako ng tuluyan.
Papasok na sana ako ng elevator nang marinig ko ulit yung tawa ng bata. Biglang nag patay sindi ang ilaw sa hallway dito sa palapag na ito.
Lumingon ako sa aking likod at hindi nga ako nag kamali nasa likod ko ang bata.
"Laro tayo," ganyan lang ang kaniyang sinasabi mula kanina. Hinarap ko ito at umupo para parehas kami ng tangkad.
"Bakit hindi ka makipag laro sa mga kaibigan mo o kaya sa mga magulang mo?" tanong ko naman dito ng malumanay.
"Papa? Papa? sorry po, Papa. Hindi ko na po ulit gagawin yun."bigla siyang lumuhod sa aking harapan at nagulat naman ako roon. Iyak lang siya nang iyak habang nang hihingi siya ng patawad.
Mukhang hindi pa matutuloy yung date namin ni Tanya. Huminga ako ng malalim. Tatawagan ko na lang siya para mag sabi na hindi matutuloy ang lakad namin ngayon.
"Tumayo ka na d'yan puntahan natin Papa mo," nagulat naman siya sa aking sinabi at napalayo. Hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang tumakbo palayo sa akin.
Tumayo ako sa aking pag kakaluhod para masundan ang bata. Hanggang sa pumasok ito sa isang unit na nasa dulo at mahahalata mo sa itsura ng unit na yun matagal ng hindi nagamit.
Nang may biglang humarang sa aking matabang babae na masasabi kong nasa kwarenta na ang edad.
"Huwag kang pupunta doon hijo, may nangyayari d'yan tuwing gantong oras," kumunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi.

BINABASA MO ANG
Hello, My Ghost [On Going]
ParanormalSi Aleck Manrique ay isang exorcist kung saan sa kanilang bayan ay siya ang tinatawagan kapag may nangyayaring kababalaghan. Isang gabi sa kanyang pag lalakad pag tapos gawin ang kaniyang trabaho naka bunggo siya ng makulit na multo na malaki ang ma...