Lia's POV
Yakap yakap ko ngayon yung bata at sobrang naawa ako sa kaniya, hindi niya deserved na mamatay dahil lang sa galit ng kaniyang ama.
Agad akong napahiyaw ng may biglang masirang lamesa, napalingon ako roon at nakita ko si Aleck na nawalan ng malay.
"Mga pakielamero!"baritonong sigaw ng lalaki.
Pumunta siya sa aking direksiyon at bago niya pa ako makuha, nag laho na ako. Hindi niya namalayan na nasa likod na niya ako. Tumalon naman ako sa kaniyang likod at sinakal siya.
Sa pag sakal ko sa kaniya, kinuha niya ang aking kamay at binuka iyon. Nahulog naman ako sa pag kakasakay sa kaniyang likod.
"Aw!" angil ko dahil masakit siya sa pwetan, sobra.
Tatayo na sana ako ng hilahin niya ang dalawa kong paa at hinagis sa kung saan. Buti na lang tumama ako sa sofa pero masakit pa din. Tinignan ko si Aleck na wala paring malay hanggang ngayon.
"Kahit kailan talaga!" ayun na lang aking sinabi at tumingin na ako sa aking kalaban.
Nakita ko kaagad kung saan ang kaniyang kahinaan— dalawa ito, isa sa kanang kamay at ang isa naman ay nasa puso. Napangisi naman ako. Kailangan ko lang masuntok kung saan ang kaniyang kahinaan. Kaya mo 'to, Lia.
"Yaaaaa!!!" sigaw ko at pumanta sa kaniya.
Nag teleport ako papunta sa kaniyang likuran at sinipa ito, napadapa naman siya pero tumayo naman siya ng mabilis. At bago pa siya tuluyang makatayo hinigh kick ko ang kaniyang mukha at hindi na ako nag dalawang isip suntukin ang kaniyang puso at tapakan ang kaniyang kamay.
Huminga ako ng malalim at pinakawalan ito. Nawalan na nang tuluyan ang ama ng bata.
"Tapos na," ayun na lang ang aking nasambit.
Agad ko namang naalala yung bata, nilinga ko ito at nakasilip siya sa pinto ng kwarto na kanina naming pinasukan.
Ngumiti ako sa kaniya at sinabi kong lumabas na siya. Unti unti siyang lumabas sa kwarto na iyon at pumunta sa akin.
"Maayos na ang lahat, nakuha mo na ang hustisya." sabi ko sakaniya.
Ngumiti naman ito at niyakap ako.
"Salamat po," ayun na lang ang nasabi niya sa akin tuluyan nang nag laho.
Malaya ka na bata at sinisigurado kong magiging masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. You may now rest in peace.
"Ouch." napalingon naman ako sa lalaking nagising na.
Pinag masdan ko siyang tumayo at inunat ang kaniyang katawan.
"Nasaan na siya?!" sigaw niya.
Tumawa ako ng napaka lakas at napalingon siya aking gawi. Biruin ko nga 'to. Binago ko ang timpla ng aking mukha.
"Na-nasa likod mo!!!!" naging alerto naman siya at natawa na lang ako sa ginawa niya.
Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa pero kasi nakakatawa talaga siya, lalo na yung mukha niya nung sinabi kong nasa likod niya iyon.
"Ano ba?! ubos na oras natin! nasaan na sila?" seryoso niyang tanong.
Nang mahimasmasan ako, tumingin ako sa kaniya at nagpakawala ng hangin.
"Tapos na," ngiti kong tugon. "Ha? a-anong tapos na?" lumapit siya sa akin habang tinatanong niya yun.
"The end na, wala na sila. May naririnig ka pa bang umiiyak? nag babasag? wala na hindi ba?" nakangiti pa rin akong nakatingin sa kaniya habang sinasabi iyon.
"Ikaw nakatalo?" tanong niya naman, ngiti naman akong tumango.
"Di ako naniniwala. Parang kanina lang naka kapit ka sa akin papasok dito tapos natalo mo?". di makapaniwala niyang tanong.
"Eh, nilakasan ko na loob ko, alangan mang hintayin ka pa namin magising edi mas lalo kaming napahamak". sabi ko, "At saka dapat mag pasalamat ka sa akin dahil kung hindi sa akin baka isa ka na rin sa amin," tuloy kong sabi.
Tahimik naman siyang nakitingin sa akin. Agad naman akong napa iwas at kinapa ang aking mukha.
"Hmm. Ganto na lang, dahil utang mo buhay mo sa akin," kumunot naman ang kaniyang noo sa aking sinabi, pero hinayaan ko lang yun at tinuloy na ang aking sasabihin. "I-date mo ako ngayon kasi diba araw ng mga puso, ayan na lang magiging kapalit". ngiting ngiti ako nang sinasabi ko yan, pero nawala lang iyon dahil sa sinabi niya.
"Neknek mo!" at tuluyan na akong iniwan sa bahay na iyon.
Wow, wala akong masabi. Tinurn down ako ng isang Aleck Manrique? grabe nakakababa ng dignidad.
**
Susunod na sana ako sa unit niya ng makita kong may lumabas roon. Isang matandang dalaga. Nanay niya siguro yun, pero hindi niya naman kamukha, ahh baka tiyahin niya.
Hinintay ko muna ang kaniyang tiyahin na makaalis para tuluyan na akong makapasok sa unit ni Aleck.
Pag pasok ko rito ay naging maaliwalas ang paligid, hindi katulad kahapon na sobrang kalat na akala mo daga yung nakatira.
"Nasaan na kaya yun?" tumingin ako sa sala niya pero wala siya roon. Pumunta naman ako sa kusina pero wala.
Isa na lang ang hindi ko napupuntahan, ang kwarto niya. Nag teleport ako papasok dito pero hindi ko inaasahan na may makikita akong di dapat makita.
"Ale—".
Lumaki ang mata ko ng makita ko siyang nakatapis lang ang pang ibaba niyang katawan. Agad naman siyang napatakip ng kaniyang katawan at sinigawan ako.
"Labas!!" at dahil sa aking pagka taranta, nauntog ako sa pintuan.
Napahawak naman ako sa aking noo dahil malakas ang pag kaka untog ko rito.Ang tanga mo, Lia. Agad agad naman akong napa teleport palabas.
Hinga ng malalim, Lia. Hindi mo first time maka kita ng katawan ng lalaki. Hinga.
Napaayos ako ng upo nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto.
"Huwag kang lilingon, maliligo lang ako at d'yan ka lang," banta niya sa akin, napatango naman ako ng wala sa oras.
Pagka lipas ng ilang oras natapos na rin si Aleck sa pag ligo at pumunta siya ulit sa kaniyang kwarto para mag damit. Bumakas ulit ang kaniyang pinto at napalingon na ako roon.
Nakita kong naka ayos siya ngayon, hindi ko napigilan ang sarili kong mag tanong.
"Saan ka pupunta?".
Umubo naman siya ng peke at hindi makatingin sa akin ng diretso. Nag taka naman ako sa kaniyang inaakto.
"A-ano, pampa lubag loob lang.." hindi ko naman nakuha ang kaniyang sinasabi.
"Ha? ano?" lumapit na ako sa kaniya at nagulat akong lumayo naman siya ng kaunti.
"Daashdjkll," hindi ko marinig ang kaniyang sinasabi dahil humihina ito.
"Hoy, Aleck. Natrauma ka ba sa nangyari kanina?" alala kong tanong sa kaniya.
Pinikit niya ang kaniyang mata at huminga ng malalim. At ang sunod niyang sinabi ay nakapagpa bilis ng tibok ng aking puso.
"Date tayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/234082176-288-k663625.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello, My Ghost [On Going]
ParanormalSi Aleck Manrique ay isang exorcist kung saan sa kanilang bayan ay siya ang tinatawagan kapag may nangyayaring kababalaghan. Isang gabi sa kanyang pag lalakad pag tapos gawin ang kaniyang trabaho naka bunggo siya ng makulit na multo na malaki ang ma...