Napabalikwas ako ng bangon dahil may kumikiliti sa aking tainga. Sisigawan ko na sana kung sino man ang kumikiliti sa aking tainga ngunit nakita ko kung sino iyon. Agad akong napaayos ng higa sa aking kama.
"Good morning, Tita Mari," ngumiti ako ng peke at nag mano sa kanya.
Siya nama'y nakapa mewang at tinataasan ako ng kilay. Inunahan ko na s'yang mag salita dahil hindi na naman titigil ang kanyang bunganga sa panenermon sa akin.
"Tita, aayusin ko po itong unit ko hehe. Napagod lang ho ako kagabi kaya po wala akong time para ayusin," napakamot na lang ako sa likod ng aking ulo at nginitian ang aking napaka gandang tiyahin.
Si Tita Mari ay pinsan ng aking Mama na ngayo'y di ko na alam kung nasaan na. Siya ang may ari nitong maliit na gusali kung saan ako nanunuluyan. Hindi s'ya nakatira sa kanyang pagma may aring gusali, pumupunta lang s'ya dito para tignan ako, tanungin kung ayos lang ba ako dito, binibigyan ng kaunting allowance at higit sa lahat para sermunan ako kung gaano karumi 'tong unit ko.
"Ikaw bang bata ka eh kumakain? ang payat payat mo na jusko ka," tinignan nya ako mula ulo hanggang paa habang ang kanyang mga kilay ay nagkakasalubong.
"Tita, apat na beses pa nga ako kumakain sa isang araw eh", pag mamalaki ko sakanya.
Inirapan n'ya lang ako at pumunta sa kusina. Bago ako pumunta sa kusina ay inayos ko muna ang aking higaan at sumunod na sa aking Tita. Nanlaki ang aking mata ng makita ko ang mga nakahanda sa lamesa. Groceries.
Yes! hindi na ako gagastos ng malaki.
hahahaha.Sabi ko sa aking sarili. Pero syempre kailangan di makapal mukha natin.
"Parang sobrang dami naman po itong pinamili n'yo," habang tinitignan ko ang bawat laman ng plastic.
"Pang isang buwan mo na yan, baka nga hindi umabot yan ng isang buwan dahil gaya ng sabi mo apat na beses sa isang araw ay kumakain ka".
Tinulungan ko ang aking tiya na mag ayos ng mga groceries.
~bzzt
~bzzt
Biglang nag vibrate ang aking cellphone sa lamesa. Agad kong kinuha yun at binuksan. Sabado nga pala ngayon, kailangan kong kumain ng marami dahil mag damagan akong magta trabaho ngayon.
"Nga pala, Tita". Panimula ko, "may gagawin po ako ngayong araw baka po mga alas diyes ako ng gabi makauwi", paalam ko sa kanya.
"Oh sige, ikaw ay mag ingat lamang ha? nanood ka ba ng balita kagabi?", tanong n'ya sakin.
Agad naman akong umiling. Anong meron sa balita?
"Marami daw'ng binata na nawawala, mga may itsura pa. Jusko kang bata ka", bigla n'yang nilagay ang kanyang mga kamay sa mag kabila kong pisnge na aking kinagulat.
"May itsura kang bata ka kaya mag ingat ka ha? di ko alam gagawin ko kapag ikaw rin ay nawala". Inalis ko ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang pisnge at hinawakan ito.
"Tita, wag po kayong mag alala. Mag iingat ako promise!", tinaas ko ang aking kanang kamay na parang nanunumpa.
"Oh s'ya kumain ka na at mag baon ka para di ka gutumin hanggang gabi ka pa naman". nilagay n'ya sa plato ang kanyang biniling pag kain at nilagay ito sa aking harapan.
"Eh matanong nga kita, ano bang gagawin mo at gabing gabi ka na makakauwi?", tanong nito sa akin.
Gagawa ba ako ng dahilan o sasabihin ko yung totoo? bahala na nga.
"Nag aya yung mga kaibigan ko, yung mga elementary friends ko po baka daw po pwede silang kitain kasi matagal tagal na rin po nung kami eh magkahiwa hiwalay hehe", pag sisinungaling ko.

BINABASA MO ANG
Hello, My Ghost [On Going]
ParanormalSi Aleck Manrique ay isang exorcist kung saan sa kanilang bayan ay siya ang tinatawagan kapag may nangyayaring kababalaghan. Isang gabi sa kanyang pag lalakad pag tapos gawin ang kaniyang trabaho naka bunggo siya ng makulit na multo na malaki ang ma...