Sumakit ang buong katawan ko dahil sa pakikipag bakbakan sa malakas na multo. Grabe hindi ko inaasahang ganun kalakas yun.
Binaba ko na ang aking bag sa sofa at akmang uupo rin ng mag alarm yung phone ko. Agad ko naman iyong tinignan. Reminder.
Bukas ay araw na ng mga puso.
"Araw na pala ng puso bukas," bulong na sabi ko sa aking sarili. Dapat ko na bang sabihin sa babaeng gusto ko na gusto ko siya? Paano kapag na reject ako? Wag naman sana, masakit yun.
Pumunta ako sa harap ng salamin at nagulat ako sa aking itsura. May sugat yung labi ko at may dugo sa aking damit. Aish! bwisit na multo, paano ako makaka score sa crush ko nito?
Sa aking pagka inis, bumalik ako sa aking maliit na sala at umupo sa sofa.
"Breaking news!!! ~ten ten ten~ ang anim na binatang nawawala noong mga nakaraang araw ay ngayo'y natagpuan na sa isang abandonadong gusali," eto siguro yung sinasabi sa akin ni Tita—teka parang alam ko yung gusaling 'to.
"Hindi pa namin sila makuhanan ng pahayag dahil bakas parin sa mukha ng mga biktima ang takot at inenspeksiyon na rin ng mga kapulisan ito gusali na nasa aking likuran kung mayroon bang makikitang mga kahina hinala— Jean Sabangan nag babalita," ano naman kaya yung nangyari dito? punta kaya ako bukas? pwede pwede.
Nang ako ay makaramdam ng uhaw pumunta ako sa aking kusina at kumuha ng tubig sa ref, pagka sara ko nito may pigura na nakatayo sa aking tabi at gulat akong napalayo dito.
"Tang—!!", bigla niyang tinakpan ang aking bibig.
"Hep! wag kang mag mumura", ngiti naman niyang sabi sakin. "Nakalimutan ko kasing ibigay pangalan ko hihihi, kaya sinundan kita dito..ang galing ko ba? di mo naramdaman presensya ko ano?". Tuloy tuloy lang siya sa pag sasalita habang ang kanyang kamay ay nasa bibig ko padin.
Tinanggal ko naman ito sa aking bibig. "Pwe! ano ba?! sabi mo lalayuan mo na ako pagka tapos kong magpakilala sayo?", sinabi ko sa kanya ang kanyang sinabi nung bago kami mag hiwalay ng landas.
"Syempre, biro lang yun!", tumawa naman siya ng malakas at hinahampas yung balikat ko.
"Ah, di ka aalis? nasaan na ba yung booklet kong magpapalayas sa makulit na multo". akmang pupunta na ako sa aking kwarto para kunin ko ang sinasabi kong booklet ngunit pinigilan niya ako.
"Teka lang! mag papakilala lang eh. Alam mo laging mainit yang ulo mo, sige ka tatanda ka ng maaga n'yan. At oo nga pala gusto lang kita tanungin kung okay ka na?", pag pigil niya sa akin. Tinignan ko lang siya ng nakakunot aking noo.
Nahalata niya siguro na hindi ko siya sasagutin at nag patuloy na lang sa kaniyang sasabihin.
"Ako si Lia," pag papakilala niya sa akin.
Tinignan ko lang ang kaniyang kamay na nakalahad at tinignan din siya.
"Nag pakilala ka na, pwede ka nang umalis," hinawakan ko siya sa kaniyang balikat at inikot siya patalikod , tila nagulat naman ito sa aking ginawa.
"Oo na, aalis na, pero wag mong ilalagay yang mga kamay mo sa balikat ko," humarap siya sa akin at inalis niya naman ito.
"Bakit kinilig ka?".
Napabuga naman siya sa hangin na parang di makapaniwala sa aking sinabi.
"Alam mo ang cute mo sana kaso weird mo, dyan ka na nga," pamamaalam niya sa akin pero bago niya gawin yun tinignan niya ako na parang siya ay nandidiri.
Grabe, wala akong masabi sa multong yun. Siya pa may ganang mag ganun siya na nga nanghimasok dito sa unit ko, grabe lang talaga.
Iniling ko na lang ang aking ulo dahil sa nangyayari ngayon. Bukas ay panibagong araw na naman at bukas ay araw ng mga puso. Araw kung saan mag tatapat ako ng aking nararamdaman sa aking nagugustuhan.
Kaya kailangan ko nang mag pahinga ngayon, para ang araw ko bukas ay maging maganda.
**
Lia's pov
Dapat pala hindi ko na sinundan yung lalaking yun. Napaka sungit akala ko pa naman siya yung mahihingian ko ng tulong kasi nakikita niya ako.
Bat ko pa kasi naisipang pag tripan yun kaninang nasa daan kami eh, akala ko matatakot siya yun pala nakikita ako. Ginamit ko pa kaunti yung powers ko para lang maramdaman niyang nandoon ako sa likod niya at matatakot siya. Wrong move, Lia. Napabusangot ako naman ako dahil failed ang aking pananakot.
Araw na pala ng mga puso bukas, marami na naman akong makikitang masayang mag asawa at mag kasintahan. Hays.
Ang lungkot wala akong makitang pwede kong ka partner bukas.
"Eh, kung si Aleck kaya?!", sigaw ko.
Agad ko namang tinakpan ang aking bibig at tumingin sa paligid. Lia, wag kang ligalig.
Nang ako ay mahimasmasan, napangisi na lang ako sa aking naisip.
Humanda ka bukas, Aleck. Sisirain ko ang araw mo HA HA HA HA.
**
A/N: Pag pasensyahan nyo na at maikli lang ang aking update ngayon. So ayun po enjoy reading..Love lots 💖

BINABASA MO ANG
Hello, My Ghost [On Going]
ParanormalSi Aleck Manrique ay isang exorcist kung saan sa kanilang bayan ay siya ang tinatawagan kapag may nangyayaring kababalaghan. Isang gabi sa kanyang pag lalakad pag tapos gawin ang kaniyang trabaho naka bunggo siya ng makulit na multo na malaki ang ma...