PANIMULA

256 101 48
                                    

"Ibigay mo na lang sa amin ang bata. 'Wag mo na siya idamay dito." sambit ko sa lalaking may hawak sa isang batang babae. Narito kami ngayon sa malawak na brige ng San Lorenzo at sa ilalim nito ay malawak na ilog. Ilang oras na kaming nakikipag usap sa lalaking 'to na balak yata e tumalon kasama ang anak niya samantalang ang nanay naman ng bata ang tumawag sa amin dahil nabalitaan niyang kinuha ng kaniyang asawa ang anak nila. Nabanggit ng babae na matagal na silang hiwalay ng kaniyang mister pero madalas siyang makatanggap ng pagbabanta mula sa dati niyang asawa.

"Rolly, please.. 'Wag mo nang idamay ang anak natin dito. Ibalik mo na siya sa akin.." paki-usap ng ina sa kaniyang dating asawa pero mas lalo lang nagalit ang lalaki at aakmang tatalon na kasama ang kaniyang anak kaya nagsigawan ang mga taong nandirito. "Kung hindi kayo babalik sa akin, mas mabuti mawala na lang kami ng anak mo!" sigaw pabalik ng kaniyang dating asawa.

"Sir, 'wag niyo na hong idamay ang bata. Walang kamuwang muwang ang anak niyo sa hindi niyo pagkakaunawaan ni ma'am." paki-usap ko sa lalaki. Sinenyasan ko si Leo na habang kinakausap namin ang lalakinay ihanda na ang bangka pata masiguro namin na kung sakali mang tatalon silang mag ama ay maliligtas pa rin namin ito.

Hindi nga ako nagkamali. "Mas mabuti pang mamatay na lang kami ng anak mo!" sigaw ng lalaki bago ito tuluyang tumalon sa ilog. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ng ina. Agad akong tumakbo papunta sa dulo ng bridge para tumalon at iligtas sila. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Leo pero hindi ko na pinansin yon. Mabilis kong tinanggal ang sapatos ko at tumalon sa ilog. Hinanap ko mula sa ilalim ang batang babae. Nabuhayan ako ng loob nang makita siya kaya mabilis akong lumangoy papunta sa kaniya. Inabot ko ang kaniyang kamay at inangat siya sa tubig. Pagkaahon namin, nakita ko agad ang bangka sakay si Leo at ang iba pang pulis para mag rescue sa amin. Natanaw ko naman ang tatay ng bata na natulungan na sa pag ahon. Bakas sa mga mata niya ang matinding takot dahil alam niyang muntikan na silang mamatay.

"Delikado ang ginawa mo Joyce." sambit ni Leo sa akin. Kinarga niya ang bata at sinakay sa bangka. Aabutin na sana ni Leo ang kamay ko pero bigla akong lumubog sa tubig dahil may naramdaman akong humila sa paa ko. Tuluyan na akong lumubog sa tubig hanggang sa marating ang kailaliman nito. Hindi konna matanaw pa ang liwanag. Unti-unti na rin akong nauubusan ng hangin. Gustuhin ko mang lumangoy paangat ngunit hindi ko magawa. Para bang may isang mabigat na bagay ang nakasabit sa paa ko kaya hindi ko magawang lumutang sa tubig. Gustong gusto ko humingi ng tulong pero paano? Hindi ko na kaya.. Nawawalan na ako ng hangin.. Hindi ko na maramdaman pa ang pag padyak ng aking mga paa at paggalaw ng aking mga kamay.

Unti-unti nang bumabagsak ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan matatapos ang lahat.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mapagpalang araw! Sana ay magustuhan niyo ang bagong nobela na ito. Maraming salamat sa mga magbabasa nito❤ Lumulundag sa saya ang aking puso sa tuwing magsisimula ako ng panibagong nobela❤

Malaking bagay sa akin na malaman ang inyong mga saloobin tungkol sa aking mga akda. Maraming maraming salamat at maligayang pagbabasa!❤

-Jeinsam


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

#Solasta

SOLASTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon