KABANATA 2

122 86 23
                                    

(Chapter 2)



Pagdilat ko ay nanlabo ang paningin ko kaya ilang beses pa akong napapikit. Pinagmasdan ko ang paligid at napakunot ang noo ko. 'Nasaan nanaman ba ako?' Sa pagkakatanda ko, nawalan ako ng malay dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Ayon ang unang beses na sumakit ng ulo ko ng ganon. Napalingon ako sa kanan ko at nakita roon si Agustin na nagbabasa ng diyaryo. So nandito pa rin pala ako sa panahon nila? Akala ko panaginip lang ang lahat ng nangyayari. Baka naman nandito pa rin ako sa panaginip ko? Nawalan ako ng malay tapos nagising ulit pero sa panaginip lang? Ang gulo. Parang sumasakit na naman ang ulo ko. Nilingon ko ulit si Agustin na patuloy pa rin sa pagbabasa ng diyaryo.Nakatali ang binti niya kaya nakaangat ito. Parang wala lang nangyari sa kaniya. Kung hindi nga lang nakaangat ang binti niya, iisipin ko talaga na wala man lang siyang natamo na sugat sa binti. Dahan-dahan kong inaalis ang kumot para sana umalis na kung saan man ako naroroon pero agad din akong napaayos ng pagkaka-upo ng magsalita si Agustin at ibinaba ang diyaryo na binabasa niya.


"Hindi ako tatakas." depensa ko agad sa kaniya dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. "Alam ko naman na iniisip mong tatakas ako." hindi pa rin siya nagsasalita. "Hello..? Bakit hindi ka na nagsasalita dyan?" tanong ko sa kaniya. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin kaya inirapan ko na lang siya. Inalis ko ang kumot at tumayo. Iba na ang damit ko. Nasaan kaya nila nilagay ang uniform ko?


"Ikaw ay anak nila Mang Roberto at Manang Salume na nagsisilbi sa aming hacienda. Hanggang ngayon ay malaki pa ring pala-isipan sa akin ang ginawa mong iyon upang ako'y mailigtas." sambit niya na ikinakunot ng noo ko. Mang Roberto? Manang Samule? Sino ang mga 'yon? Anak nila ako e hindi ko nga sila kilala. Naalog ba ang utak ng isang 'to? Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Baka naman napagkakamalan niya lang ako na kung sino sa panahon nila. Lalabas na sana ako ng kwarto na 'yon nang biglang may mag-asawang dumating at mabilis akong niyakap ng babae. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon kaya hindi ako agad nakapagsalita. 


"Salamat sa Diyos at ligtas ka anak ko." sambit nito. Narinig ko pa ang pag iyak niya na mas lalo kong ipinagtaka. Sila ba ang sinasabi ni Agustin na mga magulang ko raw? Pero paano? Hindi naman ako nakatira sa panahon na 'to. Hindi ko rin sila kilala. Paano ako nagkaroon ng mga magulang dito? "Sinabi na sa amin ni Heneral Agustin ang nangyari sa iyo. Ano ba ang iyong ginagawa sa loob ng kwartel?" tanong ng lalaki na nasa edad apat na pu't lima na siguro na ang pangalan ay Roberto. Hindi naman ako nakapag-salita hanggang ngayon dahil naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Wala akong ideya sa kung paano na ako ang naging anak nila at sila ang mga magulang ko dahil alam ko naman na hindi ako nakatira sa panahon na 'to.


"Marahil ay takot na takot pa rin hanggang ngayon ang ating anak dahil sa nangyari kahapon sa loob ng kwartel." sambit ni Manang Salume. Narinig ko naman ang pag ngisi ni Agustin dahil sa sinabi ni Manang Salume. Alam niya naman na ang tapang ko noong mga oras na 'yon tapos ngayon sasabihin ni Manang Salume na takot na takot ako. Sanay na ako sa ganong labanan dahil madalas kami nila Leo ang na aassign kapag nagkakaroon ng mga engkwentro. Bigla kong naalala ang sinabi ni Manang Salume na nangyari ang pagsabog sa loob ng kwartel kahapon lang. Ibig sabihin, ang tagal kong nakatulog? "Pwede po bang magtanong?" sambit ko. "Anong date na po ngayon?" dagdag ko pa. Nagkatinginan naman silang mag asawa a para bang naguguluhan sa tanong ko.


"D-deyt?" natatakang tanong ni Manang Salume sa akin. "Saan mo natutunan ang lengguwaheng iyon?" dagdag niya pa. "Ah!-este, anong araw po ngayon? Hehe." sambit ko kasabay nag pag kamot sa noo ko. 

SOLASTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon