KABANATA 12

17 6 1
                                    

(Chapter 12)



Araw ng Lunes. Nandito ako ngayon sa opisina ni Agustin para hintayin ang ibibigay nila sa akin na salaysay ng mga testigo para masimulan ko nang iguhit ito at ibigay din sa kanila kinabukasan. Napag-alaman ko na pinaghahanap pa rin ang ibang mga nakatakas na rebelde noong nakaraang araw. Kahit papaano naman ay nakakahinga ako ng maluwag dahil hindi nila nahahanap si Lucas. Ilang sandali pa ay dumating na ang isang guwardiya sibil hawak ang papel na naglalaman ng salaysay ng testigo.

Inabot niya ito kay Agustin. "Te puedes ir ahora." (You can leave now.) rinig kong sambit ni Agustin. Siguro pinaalis niya na ang guwardiya sibil dahil sumaludo ito sa kaniya at naglakad na paalis. 

"Akin na 'yan para masimulan ko na." sambit ko. Inilahad ko ang palad ko sa harapan niya at hinihintay na ibigay sa akin ang papel. Tumingin siya sa akin kaya kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong. Umiling naman siya at nagsalita. "Masyadong marami ang mga ito. Ibig mo bang tulungan kita sa pagguhit?" tanong niya. Napatingin ako sa mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya at napansin na napakarami pa n'on. Masyado nang marami ang magiging trabaho niya kung magpapatulong pa ako. 

Umiling ako. "Hindi na, kaya ko na 'yan mag-isa kaya ibigay mo na 'yan sa'kin." sambit ko. Kukunin ko na sana sa kamay niya ang papel pero inilayo niya ito sa akin. 'Inaasar ba ako ng lalaking 'to?' "Akin na 'yan." seryosong sambit ko. Alam niya siguro na hindi ako nakikipagbiruan kaya inabot niya na sa akin ang papel. "Dito mo na lamang gawain iyan." rinig kong sambit niya habang inaayos ko ang mga gamit ko.

"Hindi na. Pwede ko naman 'to gawin sa bahay namin. Mahirap na.. Baka kung ano nanaman ang isipin ng mga tao rito." hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Lumabas na ako sa opisina niya. Kamalas malasan nga naman na nandito rin si Maria Clara. May dala siyang pagkain at alam ko na kung para kanino 'yon. "Narito ka pala Solasta. Ano ang iyong ginagawa rito?" tanong niya sa akin. Gusto ko na lang sanang lampasan siya dahil hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isipan ko pang pang mamaliit niya sa akin kahapon pero isang malaking kabastusan 'yon sa panahon na 'to. Ayoko naman lumikha pa ng kaguluhan.

"May kinuha lang po ako sa opisina ni Agus-- Este, señor Agustin. Aalis na po ako. " sambit ko at lalampasan na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso. "Layuan mo si Ginoong Agustin." sambit niya. Masyado namang patay na patay ang babaeng 'to kay Agustin. Sabagay, halos lahat nga ng babae sa panahon na 'to, pinapantasya si Agustin. Hindi ko naman sila masisisi dahil talaga namang nagtataglay ng kakisigan at kapogian si Agustin. "Naiintindihan mo ba ang aking sinabi?" dagdag pa ni Maria Clara. 

Tumango na lang ako sa kaniya at nilampasan siya. Sa huling pagkakataon pa ay nilingon ko siya at nakitang pumasok sa opisina ni Agustin. 'Mag babait-baitan na naman siguro siya.' Napailing na lang ako at naglakad na palabas ng Fort Santiago. 

Nakalabas na ako ng Fort Santiago pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Maria Clara at Agustin. Ano na kaya ang ginagawa nila sa mga oras na 'to? Nagtititigan ba sila habang naka-ngiti sa isa't isa? O baka naman busy sila sa pagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Best actress pa naman si Maria Clara. Sigurado ako na todo ang pagbabait baitan niya sa harap ni Agustin para gustuhin siya nito lalo. 

'Aanhin ang panlabas na kagandahan kung pangit naman ang kalooban?' Napailing ako sa naisip. Hindi ko na dapat pa silang alalahanin. Ang dapat kong isipin ay kung bakit ako naririto sa panahon na ito at paano ako makakaalis. "Sobrang nasstress na ako sa panahon na 'to." sambit ko sa sarili habang nakayuko. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ang isang pares ng sapatos sa harapan ko.

SOLASTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon