KABANATA 9

57 43 11
                                    

(Chapter 9)



Naglakad siya palapit sa akin at ibinaba ang kaniyang sumbrero. "Magandang araw binibini." pagbati niya. Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan ako sa presensya niya lalo na sa mga pangiti-ngiti niya sa akin. 'Ano ba ang kailangan sa akin ng matandang 'to?' 


"Magandang araw po Don  Riego. Ano po ang bibilhin ninyo?" tanong ni Alfonso sa kaniya. Ni hindi man lang niya pinansin ang tanong na 'yon ni Alfonso dahil nakatingin lang siya sa akin. Gustong gusto ko na umalis ngayon rito pero nakaharang siya sa daraanan ko. "May ibig ka bang bilhin dito binibini? Hayaan mong ako na lamang ang mag bayad nito para sa 'iyo. Pumili ka ng kahit na anong ibig mo rito." sambit niya sa akin habang nakangiti pa rin. 'Hindi ba nangangawit ang panga ng matandang 'to?'


"Hindi ko ho kailangan ng salapi ninyo. Sa katunayan nga ho e aalis na ho ako kaya kung inyong mamarapatin, makikiraan ho sana ako." sambit ko kasabay ng pag-irap sa kaniya. Sinimulan ko nang ihakbang ang paa ko ng bigla niya akong hawakan sa braso. "Hindi ka maaaring umalis sapagkat tayo ay mag-uusap pa.." tinignan niya ako mula paa, paangat sa aking mukha habang nakangiti. Kinikilabutan talaga ako sa buong pagkatao ng mantandang 'to. Pati pala sa panahon na 'to nagkakalat ang manyakis na katulad niya.


"E paano ho kung ayaw ko makipag-usap sa inyo?" pagtataray ko. Natawa naman siya ng bahagya at seryosong tumingin sa akin. "Nais kong imbitahan ka sa aking tahanan mamayang gabi. Simple lamang ang iyong gagawin.. Paligayahin mo ako at lahat ay ibibigay ko sa iyo." nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Ano ba ang tingin sa akin ng isang 'to? Bayarang babae? Konting konti na lang talaga bibigwasan ko na ang matandang 'to.


"Ano ang tingin mo sa'kin? Bayarang babae? Hello, sa edad mong 'yan parang mag ama na tayo. Hindi ka ba kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo? Kung gusto mo ng makapag-papaligaya sa'yo, pumunta ka sa bahay aliwan." sambit ko. Akmang aalis na ako pero hinila niya ako palapit sa kaniya. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. "Bitawan mo nga ako tanda!" iritableng sambit ko pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Wala pang tumatanggi sa akin ng ganito!" sigaw niya.


"Ah, wala? Pwes ngayon, meron na! Bitawan mo ako!" hinigit ko ang braso ko na hawak niya. Ramdam ko na hindi na mapakali sa kinatatayuan niya si Alfonso. Hindi niya alam kung ano gagawin dahil alam niya na sa oras na makialam siya, magiging delikado rin ang buhay niya. Sa sobrang inis ay sasampalin na sana ako ni Don Riego. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang hinihintay ang pag dampi ng kaniyang palad sa pingi ko. "Señor!" para bang nabuhayan ako ng marinig ang boses ni Alfonso na tinawag si Agustin. Pagdilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang kamay ni Agustin na nakahawak sa braso ni Don Riego na akmang isasampal sa akin.


"H-heneral.." sambit ni Don Riego. Gulat na gulat ang reaksyon niya nang makita si Agustin. Agad naman akong nagpunta sa gilid ni Agustin na parang isang bata na nagsusumbong sa kaniyang mga magulang. "Don Riego, maraming tao ang nakikinig sa labas. Maaaring makasama sa inyong imahe kung matutunghayan nila ang karahasan na iyong ginagawa." sambit nito. Napatingin ako sa labas ng pamilihan ni Agustin at nakita nga ang mga tao roon na nabubulungan.  Kung hindi dahil sa matandang 'to, nakaalis na sana ako.


"Ibig ko lamang imbitahan ang binibining ito sa aking tahanan.. Mayroon bang problema roon heneral?" tanong ng matanda kay Agustin. 'Hindi ba talaga titigil ang matandang 'to?' "Mayroong magiging problema kung pipilitin ninyong sumama ang binibining ito." sagot ni Agustin na ikinagulat naman ni Don Riego. Nakapagtataka na pinagtatanggol ako ni Agustin pero salamat na rin na dumating siya. 

SOLASTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon