KABANATA 1

158 95 61
                                    

(Chapter 1)


Minulat ko ang mga mata ko at napansin na nasa batuhang bahagi ako ng ilog. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay at napunta rito kung nasaan man ako ngayon.

"Sir, 'wag niyo na hong idamay ang bata. Walang kamuwang muwang ang anak niyo sa hindi niyo pagkakaunawaan ni ma'am." paki-usap ko sa lalaki. Sinenyasan ko si Leo na habang kinakausap namin ang lalakinay ihanda na ang bangka para masiguro namin na kung sakali mang tatalon silang mag-ama ay maliligtas pa rin namin ito.

Hindi nga ako nagkamali. "Mas mabuti pang mamatay na lang kami ng anak mo!" sigaw ng lalaki bago ito tuluyang tumalon sa ilog. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ng ina. Agad akong tumakbo papunta sa dulo ng bridge para tumalon at iligtas sila. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Leo pero hindi ko na pinansin yon. Mabilis kong tinanggal ang sapatos ko at tumalon sa ilog. Hinanap ko mula sa ilalim ang batang babae. Nabuhayan naman ako ng loob nang makita siya kaya mabilis akong lumangoy papunta sa kaniya. Inabot ko ang kaniyang kamay at inangat siya sa tubig. Pagkaahon namin, nakita ko agad ang bangka sakay si Leo at ang iba pang kasamahan namin para mag rescue sa amin. Natanaw ko naman ang tatay ng bata na natulungan na sa pag ahon. Bakas sa mga mata niya ang matinding takot dahil alam niyang muntikan na silang mamatay.

"Delikado ang ginawa mo Joyce." sambit ni Leo sa akin. Kinarga niya ang bata at sinakay sa bangka. Aabutin na sana ni Leo ang kamay ko pero bigla akong lumubog sa tubig dahil may naramdaman akong humila sa paa ko. Tuluyan na akong lumubog sa tubig hanggang sa marating ang kailaliman nito. Hindi ko na matanaw pa ang liwanag. Unti-unti na rin akong nauubusan ng hangin. Gustuhin ko mang lumangoy paangat ngunit hindi ko magawa. Para bang may isang mabigat na bagay ang nakasabit sa paa ko kaya hindi ko magawang lumutang sa tubig. Gustong gusto ko humingi ng tulong pero paano? Hindi ko na kaya.. Nawawalan na ako ng hangin.. Hindi ko na maramdaman pa ang pag padyak ng aking mga paa at paggalaw ng aking mga kamay.

Unti-unti nang bumabagsak ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan matatapos ang lahat. 



"Naaalala ko na. Tumalon ako sa tubig para iligtas ang bata na sinama ng tatay niya sa pagpapakamatay. Pero nasaan ako? Bakit ako lumubog sa tubig?" tanong ko sa sarili ko. Naguguluhan pa rin ako dahil akala ko talaga katapusan ko na. "Naka-uniform pa rin pala ako." Bigla kong naisip si Leo at ang iba pa naming mga kasamahan. Hindi man lang nila ako tinulungan? Pero Imposible. Habang nalubog ako sa tubig, natanaw ko pa si Leo na inaabot ang kamay ko. Marunong naman ako lumangoy pero bakit ako lumubog sa tubig?

Tumayo ako at pinagpagan ang uniform ko na basang basa at puno ng buhangin. "Nasaan na ba ako? Wala naman akong matandaan na may ganitong lugar sa Maynila." Naglakad-lakad ako at pinagmasdan ang paligid. Maraming puno at ang pinanggalingan ko kanina ay isang malawak na ilog. Nakakaramdam na ako ng kaba dahil wala akong matanaw na tao kahit saan. Kahit kalsada ay wala akong makita. Nasaan ba kasi ako? Nasa Maynila pa rin ba ako?

"Magkakaroon ng pagsabog sa darating na ika-sampu ng gabi sa biyernes. Iyon po ang narinig kong plano ng mga rebelde." Nabuhayan ako ng may marinig akong nagsalita kaya agad akong tumakbo para puntahan sila.

"Sasalakay po sila upang kumuha ng mga armas at pagkain sa kwartel." dagdag pa ng lalaki.

"Ahm.. Excuse me.. Pwede magtanong?" sambit ko sa dalawang lalaki na nakatayo. Napakunot ang noo ko nang makita ang kasuotan nilang dalawa. Ang isang lalaki ay nakasuot ng kamesa de chino na kulay puti samantalang ang lalaking kausap niya naman ay nakasuot ng uniform na parang pang pulis din pero iba ang disenyo nito. 'Kailan pa nabago ang uniform namin?' Nagtataka ako sa reaksyon nilang dalawa. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa nang nagtataka. "Sino ka at ano ang ginagawa mo rito?" itinapat niya ang hawak niyang rebolber sa akin kaya agad akong napataas ng dalawang kamay.

SOLASTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon