(Chapter 3)
Nakatayo lang ako sa gilid ni Agustin pero medyo malayo ako sa kaniya. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang tignan siya ng masama at irapan siya ng irapan kahit pa alam ko naman na hindi niya ako nakikita dahil busy siya sa pagkain. Si Manang Salume naman ay naglilinis ng mga pinaggamitan niya sa pagluluto sa kusina. Ang swerte ng tunay na Solasta dahil meron siyang masisipag at mabubuting mga magulang. Ako kasi may mga magulang nga pero hindi ko sila kasundo. Hindi sila sang-ayon sa pagpupulis ko dahil delikado raw 'to. Para naman sakin, lahat naman ng propesyon ay may panganib. Kung oras mo na, oras mo na. Hindi mo mapipigilan 'yon.
Kaya ang nangyari, lumayas ako sa'min at ako na ang nagpaaral sa sarili ko hanggang sa makatapos ko. Wala rin naman silang balak pag-aralin ako dahil iba ang kurso na gusto ko, sa kurso na gusto nila para sa akin. Sabi nga nila, kunin mo sa kolehiyo ang kurso na gustong gusto mo talaga. Yung tipong kapag nagtrabaho ka, hindi mo mararamdaman ang pagod dahil masaya ka sa ginagawa mo. Isa pa, ikaw naman ang magtatrabaho pag dating ng araw. Hindi masama makinig sa opinyon ng iba pero dapat ang pakinggan mo ay ang sinasabi ng puso mo.
Napatingin ako kay Agustin. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Patay na ba ang mga 'yon? Mag-isa na lang siya sa buhay? Baka kaya masama ang ugali niya kasi kulang siya sa aruga at pagmamahal? Natawa ako sa naisip ko kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Napalakas yata ang pag ngisi ko dahil napatingin sa akin si Agustin. Agad naman akong umiwas ng tingin at sumipol na para bang walang nangyari at hindi ko iniisip na kulang siya sa aruga.
"Oo nga pala. Okay na ba ang binti mo? Bakit lumabas kana sa ospital?" bigla kong tanong. Ang bilis niya naman makalabas e mukhang hindi pa naman okay ang binti niya. Tinignan ko ang binti niya sa ilalim ng lamesa. Nakapants naman siya kaya hindi ko makita kung may benda pa ba 'yon o wala na.
"Saan ka natuto ng wikang Ingles?" napaayos ako ng pagkakatayo at gulat na napatingin sa kaniya dahil sa tanong. Shocks! Anong idadahilan ko? Anong sasabihin ko sa kaniya? Bakit ba kasi napakadaldal ko? "Ah.. Ano.. Ahhmm.. M-mahilig kasi akong magbasa-basa at mag aral ng mga lengguwahe." sambit ko na lang at pilit na tumawa. Hindi ko alam kung nag wowork yung sinasabi ko ngayon sa kaniya pero sana talaga!
"Ang iyong ama ay isang kutsero at ang iyong ina naman ay isang kusinera rito sa aming tahanan. Paano ka nakapag-aral ng wikang Ingles? Kailan pa tinuro ang Ingles sa Pilipinas?" tanong niya pa. Nakalimutan ko na heneral nga pala ang kausap ko ngayon. Malamang sobrang talino niya. Magaling siya bumasa ng mga ekspresyon ng tao. Hindi naman siya maitatalaga bilang heneral kung wala sa kaniya ang katangian ng isang magiting na heneral.
"May naging pasahero si ama na isang dayuhan tapos may naiwan na libro at inuwi niya 'yon sa aming tahanan. Syempre inaral ko 'yon ng sariling sikap. Ayaw ko naman lumaki na isang mangmang at walang alam." pati si Mang Roberto nadadamay na sa kasinungalingan ko huhu sorry po talaga! Hindi ko naman po gusto na mag sinungaling at gamitin ang pangalan niya kaso ang dami po kasing tanong ni Agustin huhu!
Iba pa rin ang tingin sa akin ni Agustin. Tingin ng isang taong nagdududa sa pagkatao ng kapwa niya. Wala na akong maisip na dahilan kaya iniba ko na lang ang usapan. Baka kung anu-ano na namang kasinungalingan ang masabi ko sa kaniya. "Tapos ka na ba kumain? Ililigpit ko na ang pinagkainan mo." sambit ko at ngiti sa kaniya. Tumayo naman siya ng hindi nagsasalita. Ilang araw pa lang ako sa panahon na 'to pero napakasuplado na ng lalaking 'to. Pinanganak lang yata siya para mag sungit sa kapwa niya habang buhay. Inaayos ko na ang mga plato at kutsara na ginamit niya para ilagay sa kusina at mahugasan. Pupunta na sana ako sa kusina nang mapansin ko na may tungkod siyang hawak bilang gabay niya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
SOLASTA
Ficção HistóricaPilit na hinahanap ni Joyce ang daan pabalik sa kaniyang panahon upang maipagpatuloy ang naiwan niyang buhay sa kasalukuyan ngunit hindi niya ito matagpuan. Gumugulo sa kaniyang isipan ang mga tanong kung bakit siya napunta sa taong 1892 at ano ang...