(Chapter 13)
Mas lalo niyang nilapit ang kaniyang mukha nang hindi ko magawang makapagsalita. "Hindi mo ba sasabihin sa akin, Solata?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin ng presensya ni Agustin. Para bang ang saya-saya ng puso ko sa tuwing kinakausap niya ako at magkalapit kaming dalawa.
"A-ano ba ang sasabihin ko sa'yo? Wala naman, kaya kung pwede lang, lumayo ka sa akin." sambit ko. Inayos ko ang buhok ko at tumalikod sa kaniya. Sobra sobra ang pagtibok ng puso ko habang magkalapit kaming dalawa. Pakiramdam ko anytime lalabas na sa dibdib ko ang puso ko lalo na sa ginawang 'yon ni Agustin.
Bakit ba nagiging ganito na lang ang pakiramdam ko sa tuwing naglalapit ang mukha namin ni Agustin? Mukhang masamang pangitain ito. Hindi ako pwede mahulog sa taong katulad ni Agustin dahil magiging komplikado lang ang lahat. Isa pa, hindi naman ako nabibilang sa panahon na ito. Pahihirapan ko lamang ang sarili ko kung hahayaan ko ang puso ko ang magdesisyon para sa akin.
Nagtungo ako sa kusina at nakita si Manang Salume na nakaupo. Mukhang pagod na siya sa gawain dito. Sabagay, may hindi naman na pabata ang edad nila ni Mang Roberto.
Lumapit ako sa kaniya at nagsalita. "Ina, ayos lang po ba ang pakiramdam niyo?" tanong ko. Hinawakan ko siya sa balikat at umupo sa harapan niya. Bumuntong hininga siya at sinabing, "Maayos naman ang aking pakiramdam anak ko, nagpapahinga lamang ako bago magtungo sa silid ni Don Alberto upang maglinis." sambit niya.
Marahan akong tumayo at kinuha ang mga gamit pang linis. "Mag pahinga na lamang po kayo sa inyong silid ina, ako na po ang bahalang maglinis sa silid ni Don Alberto." Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko at tumango. Inalalayan ko siyang tumayo at hinatid sa kaniyang kwarto para makapag pahinga. Sa sobrang sipag nila ni Mang Roberto, halos hindi na sila nauwi sa bahay at dito na namamalagi. Maaga silang nagising upang makapag-trabaho sa Hacienda Velasquez. Sila kasi ang pinagkakatiwalaan ni Don Alberto pagdating sa hacienda sapagkat matagal na silang nagtatrabaho sa pamilya Velasquez.
Paglabas ko sa silid ni Manang Salume ay agad akong nagtungo sa silid ni Don Alberto. Si Manang Salume ang madalas na naglilinis dito kung kaya't ito ang unang pagkakataon na ako ang maglilinis. Wala rito sa mansyon si Don Roberto kaya naman nasisiguro ko na walang tao ngayon sa kaniyang silid kaya naman hindi na ako nag abalang kumatok pa. Pero, nagkamali ako. Halos mabitawan ko ang hawak kong basahan at walis nang makita si Agustin na nakaupo sa tapat ng lamesa ng kaniyang ama. Dahil sa pag bagsak ng hawak kong mga panglinis ay napatingin siya sa direksyon ko. Agad ko namang pinulot ang mga iyon nang hindi siya tinitignan dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang paglapit ng kaniyang mukha sa akin.
Hanggang ngayon ay ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa pero hindi ko hinayaan na makaapekto iyon sa akin. Tumayo ako at nagbigay galang sa kaniya ng walang salita at nagtungo ako sa bookshelves para punasan iyon. "Ano ang iyong ginagawa rito?" tanong niya. Hindi pa obvious na naglilinis ako?
"Ako muna ang pumalit kay ina sa paglilinis dahil pagod na siya. Pasensya na kung hindi ako kumatok muna bago pumasok. Akala ko kasi walang tao rito dahil wala naman dito sa mansyon si Don Alberto." paliwanag ko. Ilang minuto rin kaming natahimik at walang kahit na sino ang nagsalita kaya.
Kailangan kong bilisan ang trabaho ko rito. Kanina pa hindi mapakali ang puso ko dahil malapit lang ako kay Agustin. Kasalukuyan kong pinupunasan ang bookshelves sa opisina ni Don Alberto. Marami siyang libro sa silid na ito at para sa akin ay nakakamangha 'yon. Ramdam ko na tinitignan ako ni Agustin kaya naiilang akong kumilos. Pakiramdam ko bawat galaw ko pinapanood niya kaya mas lalong ayaw manahimik ng puso ko. Kung magkalapit lang siguro kami ni Agustin, maririnig niya ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at dahil 'to sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SOLASTA
Ficción históricaPilit na hinahanap ni Joyce ang daan pabalik sa kaniyang panahon upang maipagpatuloy ang naiwan niyang buhay sa kasalukuyan ngunit hindi niya ito matagpuan. Gumugulo sa kaniyang isipan ang mga tanong kung bakit siya napunta sa taong 1892 at ano ang...