(Chapter 5)
Ilang araw na ang nakalipas mula nang hanapin namin ang ilog na kailangan kong balikan pero hanggang ngayon, hindi ko oa rin nahahanap. Nahihiya na nga ako kay Lucas kasi feeling ko na iistorbo ko na siya kaya noong mga sumunod na araw, hindi ko na siya dinaanan sa pamilihan. Madalas siyang mag punta sa bahay kaya sa tuwing nagtatanong siya sa akin tungkol sa paghahanap ko ng nawawakang kwintas, sinasabi ko na lang sa kaniya na nahanap ko na 'yon kahit wala naman talaga akong hahanapin.
Nandito ako ngayon sa mansyon nila Agustin. Ilang araw na mula noong makabalik dito si Don Alberto at ngayong araw na 'to magkakaroon ng celebration para sa pagbabalik niya. Kilalang kilala sa buong Maynila si Don Alberto dahil siya ang ama ng heneral dito. Kilala rin ang kanikamg pamilya na isa sa mga pinakamayayang pamilya sa buong ka-Maynilaan.
Ako ang naatasan para maglagay ng disenyo sa buong mansyon. Iba't ibang uri ng bulaklak ang nasa bawat sulok ng mansyon kaya mas lalo itong gumanda at naging makulay. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ang bulaklak na butonsilyo (Daisy Flower) na nakalagay sa ibabaw ng mga lamesa. Napakaganda talaga ng bulaklak na 'yon. "Huwag kang mag sayang ng oras. Malapit nang dumating ang mga bisita ni Don Alberto." sambit ng matandang babae na siyang namamahala para sa pagdiriwang na 'to. Napayuko naman ako sa harapan niya at sumunod.
Pinuntahan ko ang babaeng nag aayos din ng mga kurtina at tinulungan sila. Nakakaramdam na ako ng pagod dahil maaga akong nagising kanina. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi. Gustuhin ko mang mag pahinga, hindi ko rin magawa dahil maraming gawain. "Maaari ba na ikaw na lamang ang magkabit nito sa mga kurtina?" tanong sa akin ng isang babae. May hawak siyang basket na naglalaman ng mga telang panali para sa mga kurtina. Nginitian ko siya at tumango. "Ako na ang bahala sa mga 'to." sambit ko. Tumango siya ulit at naglakad paalis. Tinatali ko na sa magkabilang gilid ang mga kurtina nang mapansin ko na hindi nakaayos ang mataas na bahagi nito.
Naghanap ako sa paligid ng bagay na maaari kong tungtungan. Mabilis ko namang nakita ang isang bilog na upuan. Kinuha ko 'yon at inayos na ang kurtina. Masyadong mataas ito kaya nahihirapan akomg abutin. Sinubukan kong tumingkayad pero bigkang gumalaw ang upuan dahilan para mahulog ako at napapikit na lang. Handa na akong maramdaman ang sakit na dulot ng pagkahulog ko pero para akong lumulutang ngayon. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
"Mag-iingat ka sapagkat hindi sa lahat ng oras ay narito ako upang saluhin ka mula sa pagkakahulog." sambit ni Agustin. Gulat na gulat ako ngayon habang nakatingin sa sa kaniya. Marahan niya akong ibinaba at siya ang tumungtong sa upuan para ayusin ang magulong bahagi ng kurtina sa taas. Pagbaba niya, nakatingin siya sa akin. Hinawakan ko siya sa noo na siya namang ikinagulat niya. "Wala ka namang lagnat.. Bakit ang bait mo ngayon? May nakain ka ba?" sunod-sunod kong tanong. Kumunot naman ang noo niya at naglakad paalis. "Kung ano man ang nakain mo, salamat doon dahil bumait ka." sambit ko pa at ngumisi.
Napatingin ako sa mga tagapag-silbi rito na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Bakit ganito ang tingin ng mga 'to? Tingin ba nila aagawin ko sa kanila ang amo nila? Nako! Hinding hindi ko gagawin 'yon hanggang sa huling hininga ko! Hmmp!
Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa kabaitan ni Agustin sa akin. Sana nga lang, magtuloy tuloy ang kabaitan niyang 'yon para magkasundo kami palagi.
BINABASA MO ANG
SOLASTA
Historical FictionPilit na hinahanap ni Joyce ang daan pabalik sa kaniyang panahon upang maipagpatuloy ang naiwan niyang buhay sa kasalukuyan ngunit hindi niya ito matagpuan. Gumugulo sa kaniyang isipan ang mga tanong kung bakit siya napunta sa taong 1892 at ano ang...